25

10.8K 382 15
                                    

Ayaw kong iwan sa ere ang story na ito kaya kahit na wala ako sa story na ito, tatapusin ko pa rin.







Unedited....











"Kamusta ang shipment?" tanong ni Kyle nang pumasok si Patrick.

"Boss, badnews. Nadali ang grupo sa port ng Negros," pagbalita ni Ricky.

"What? Paano?"

"Biglang may sumalakay sa kanila sa loob ng barko bago pa makaalis at nagsidatingan din ang pulis."

"Paanong nagsidatingan eh hawak natin ang mga pulis?" tanong ni Kyle sabay hagis ng hawak na kupeta. Nasa loob sila ng hotel at nag-aabang ng balita sa shipment.

"Nakialam ho ang NBI at ibang kapulisan," sagot ni Ricky.

"Nakatakas ba ang mga tauhan?"

"May nahuli hong tatlo," sagot ni Ricky. "Hawak na sila ngayon ng PNP."

"Ba't ba may nakialam na pulis? Patahimikin mo ang witness bago pa kumanta!"

"Mahirap hong makuha ang tauhan natin dahil ang bagong hepe ang may hawak."

"Bayaran mo! Makipag-negotiate ka."

"Boss, mahirap hong makipag-coordinate sa kanila."

"Sino ba ang hepe ng pulis?"

"Balita ko ho isang Montemayor," sagot ni Ricky. "Hindi ho siya nasusuhulan. Maimpluwensya ang pamilya nila sa Negros kaya hindi basta-basta."

"Sino ba sila kapag kumilos ang white tiger gang?"

"Boss, Pilipinas ho ito at kaunti pa lang ang kapangyarihan natin. Kulang tayo sa pwersa at backer," paalala ni Ricky. Kung sa Australia lang at Japan, baka masabi niyang kinatatakutan sila. "Mahirap kalaban ang mga Montemayor dahil may sumasalo pa sa kanila."

"The fuck!" pagmumura ni Kyle. "Hindi kayo naging maingat! Alam mo ba kung magkano ang nawala sa atin ngayong gabi lang? Nasa isang bilyon!" Dalawang barko ang magpapalitan. Papasok sa bansa ang mga droga at armas at palabas naman ang mga nadukot nilang kabataan para sa pagbenta ng organs. "May kinalaman ba dito ang mga Padillo?"

"Sa pagkakaalam ko, wala ho boss. Ang sabi ay matagal na silang nagbabantay sa port. Naging mahigpit lalo na nang maupo ang bagong hepe. Ang dami rin nilang intel."

"Naging maluwag tayo sa depensa," sabi ni Kyle na naikuyom ang kamao. Naghihintay na ang client nila sa Europa kaya kailangan niyang kausapin ang mga ito na delayed ang shipment.

"Magpalamig na lang siguro muna tayo, boss," sabi ni Ricky.

Napatingin si Kyle sa TV. Ibinalita nito na napasama sa top 50 richestman sa Europa ang mga Padillo. Mas lalo pang tumatag ang asset nito nang ikasal kay Yvone Balenciaga.

"Makakaapekto ho 'yan sa business natin lalo na't mahigpit na kakumpetensya ang Padillo," sabi ni Ricky. "Mas papanig sa kanila ang ibang businessman na hindi sakop ng white tiger."

"Wag mo akong inisin, Ricky! Tapos na ba ang invitation?" tanong ni Kyle.

"Nasa reception pala boss. Wait, kukunin ko."

"No. Bababa ako. Samahan mo akong pumunta sa opisina ni Alas."

"Invite mo sila, boss?"

"Of course. Hindi pwedeng mawala si Alas para masaksihan niya ang turn over ng leadership sa akin," sagot ni Kyle at nagpalit ng damit saka tumungo sa opisina ni Alas.

"Napadpad ka?" tanong ni Alas nang pumasok siya.

"Gusto kitang i-surprise," nakangiting sagot ni Kyle at napatingin kay Anelyn na nasa laptop. "Busy kayo?"

2. Sold to The Arrogant Boss (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon