13

10.5K 345 22
                                    












Unedited...












Bitbit ang biniling pagkain, lumabas siya sa convenient store.

"Oh, hi!" bati nang nakasalubong niya. "Sheena, right."

"Oh, sir Kyle," nakangiting bati rin niya.

"Small world. Ginagawa mo rito?" tanong ni Kyle.

"Bumili ng chichirya," sagot niya. Buti at pinapayagan na siya ni Alas na lumabas pero dito lang malapit sa office nila.

"Nakapag-merienda ka na ba?"

"Ito pa lang."

"Let's go, libre kita," yaya ni Kyle.

"Pero—"

"Don't tell me wala kang oras? Kung sabagay, mahigpit nga si Alas," sabi ni Kyle.

"Ah, hindi naman. Saan ba tayo kakain?"

"Diyan lang sa tawid kung okay lang," sabi ni Kyle kaya napatingin ang dalaga sa kabila. Mamahaling restaurant ang nasa kabilang building pero dahil mayaman naman si Kyle, alam niyang yakang-yaka nitong magbayad.

"Sure. Basta mabilis lang ha," pagpayag niya.

"Boss," tawag ng assistant nito. Napatingin si Sheena rito at pasimpleng sinuri ang assistant ni Kyle. Kagaya kay Tom, malinis ito at mukhang hindi basta-bastang assistant lang.

"Not now, Ricky," sabi ni Kyle na pasimpleng sinaway si Ricky kung ano man ang sasabihin nito.

"Okay, boss," sabi ni Ricky na napasulyap kay Sheena.

"Mag-merienda muna kami. Make sure na walang aabala sa amin."

"Yes, boss," sagot ni Ricky.

Sumama si Sheena kay Kyle at pagdating sa cafeteria ay si Kyle na ang nag-order.

"Ito masarap 'to, try mo," sabi ni Kyle sabay bigay sa kanya ng muffin na specialty nitong cafeteria.

"Thanks. Milktea pa," sabi ni Sheena pero para sa kanya, napaka-ordinary lang ng lasa ng paninda rito. Yung tipong mas masarap pa ang mga paninda sa Divisoria.

"Kapag may free time ka, ano ba ang mga ginagawa mo?"

"Matulog," sagot ng dalaga.

"Yun lang?"

"Ano pa ba?" tanong niya.

"Watching TV or manood ng sine."

"Busy ako," sagot ng dalaga. Ni TV nga wala sila. Mayroon nga pero never pinapabuksan ni Alas.

"Busy what?"

"Sleeping," sagot niya. "And sometimes cooking."

"Really? Marunong kang magluto?"

"Sakto lang," sagot niya kahit na ang totoo, puro siya Youtube sa pinoy panlasa. May extra phone kasi sa bahay pero Youtube lang ang nandoon na dinownload ni Tom. The rest, hindi na siya makakagamit at panood dahil wala nang internet.

"Good. Kapag may time ka, gusto ko sanang iinvite ka sa pad ko para magluto or bake."

"Ah, hindi ka ba busy?"

"Hindi naman. Basta ikaw may time ako," sagot ng binata.

"Ha?"

"To tell you frankly, gusto kita, Sheena," diretsahang sabi ng binata na ikinagulat ng dalaga. Ewan ba niya pero hindi na bago sa kanya ang ganitong may nagtatapat sa kanya kaya wala nang dating.

2. Sold to The Arrogant Boss (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon