9

10.2K 355 20
                                    


A/n: Habang nag-aabang ng update, basahin muna yung series 1. Sold to CEO.

Makaka-stand alone naman mga stories ko.







Unedited...







"Boss, lasing na ata si Madam," bulong ni Tom dahil medyo maingay na ito.

"Bakit mo ba siya hinayaang uminom nang marami?" tanong ni Tasha.

Nakita nilang lumapit si Helene dito.

"Pwede bang tumahimik ka?" saway ni Helene. "Pahalata ka talagang galing ka sa probinsya!"

"Pakialam mo?" sagot ni Sheena na namumula ang mukha.

"Sawayin mo na," bulong ni Tasha nang makitang nag-iinit na ang dalawa.

"Wait," pagpigil ni Alas at tiningnan ang dalawa.

"Ikaw—ouch!" daing ni Helene nang sampalin na sana si Sheena pero agad na nasalo ng dalaga ang kamay niya at binabali ang isang daliri. "Help!" naiiyak na wika ni Helene kaya sumaklolo na ang mga kasama nila at hinila si Sheena.

"A—Alas," naiiyak na wika ni Helene at yumakap sa binata nang makalapit sa kanila. "Nakita mo ba ang ginawa niya? She's hurting me. She wants to kill me." sumbong niya.

"Tama na, mga lasing na kayo," saway ni Alas.

"I'm not drunk!" wika ni Helene. "Kilala mo ako, never ako nagwawala sa party.  Siya!" sabay turo kay Sheena na poker face kahit na namumula ang magkabilang pisngi. "Siya talaga ang nangunguna."

"Gusto ko nang umuwi!" sabi ni Sheena nang makitang nakayakap pa rin si Helene kay Alas.

"Pahatid kita kay Tom," sabi ni Alas na kumawala sa pagkayakap ni Helene.

"Wag na! Si Babygirl mo na lang pahatid mo sa kanya!" sagot ni Sheena at tumalikod pero nabigla ata kaya na-out of balance. Buti at maagap si Alas at nasalo siya nito at agad na tinulungang makatayo.

"Hindi mo kaya," bulong ni Alas malapit sa tainga nito.

"Kaya kong unuwing mag-isa!" ani Sheena at hinawakan ang kamay ni Alas sabay gigil na kagat sa kanang braso nito.

Napasinghap ang mga nakatingin sa kanila.

Tumingala siya kay Alas saka parang batang ngumiti matapos magawa ang gusto. "Uwi na ako. Bye!"

Pagewang-gewang na naglakad siya palabas ng opisina. Nakasunod sa kanya si Tom kaya natunton niya ang parking lot.

"Tom, nahihilo ako," sabi niya sa namumungay ang mga mata.

Napatingin siya sa labas. Pinasakay ni Alas si Tasha sa sasakyan nito kaya mas lalong nainis siya sa binata.

"Tom, pakibilisan ng pagmaneho, gusto ko nang makahiga sa kama ko," utos niya na napahawak sa sumasakit na ulo. "Nasusuka ako."

"Madam, dito ka sumuka," sabi ni Tom sabay abot sa kanya ng plastic. Patay talaga siya sa boss kapag masukahan ang sasakyan.

"Thanks," pasalamat niya at sumuka habang nasa biyahe. Ang dami niyang nainom kaya tinamaan talaga siya ng alak pero kontrolado pa naman niya ang sitwasyon.

Pagdating ng bahay, agad siyang bumaba at itinapon ang supot na may suka.

"Sheena!" bulalas ni Tasha na nasa sala at halatang kakarating lang.

"Ginagawa mo rito?" tanong niya.

"Ahm, wala kasi akong matulugan kaya dito na ako matutulog," sagot ni Tasha."Tabi tayo."

2. Sold to The Arrogant Boss (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon