27

11K 364 20
                                    











Unedited...









"Nabuo ang white tiger gang dahil sa maling pamamalakad ng dati nilang gang. Dating miyembro ng black dragon gang ang ama ko pero dahil nalaman niyang mali ang ginagawa ng gang nila, naisipan niyang kumalas at magpatayo ng bagong gang sa Japan kasama ang iba pang kagrupo mula sa black dragon," pagkukuwento ni Sanji. "Layunin nila na mapanatili ang kapayapaan sa business world at tulungan ang maliliit na negosyante pero sadyang may masama nga siguro talagang miyembro sa bawat grupo."

"Pero nabuwag na ang black dragon gang," sabi ni Alas.

"Matagal na," sabi ni Sanji at naglagay ng alak sa baso at ibinigay kay Sanji. "Napakaswerte ng mga magulang mo dahil naiganti mo sila at nabigyan ng hustisya."

"Salamat ho sa tulong," pasalamat niya kahit na hindi niya akalain na ito pala ang master ng white tiger.

"Responsibilidad ko iyon. Isa pa, matalik kong kaibigan ang ama mo."

Matagal na katahimikan ang namayani sa kanila. Pareho silang nakatingin sa baba habang nagpa-party ang mga bisita. Nasa ikalawang palapag sila ng resthouse at kita mula sa silid na kinaroroonan nila ang mga bisitang nasa gilid ng pool.

"Si Anelyn ho," pagbasag ni Alas ng katahimikan sabay inom ng alak. "Seryoso ho ako sa relasyon namin at wala akong balak na lokohin siya."

"Mahirap diktahan ang anak ko."

"Gusto ko pong matuloy ang kasal namin, Tito Sanji."

"Moderno na ang panahon, Alas. Kung hindi ka niya gusto, wala kaming magagawa na magulang dahil habambuhay na pananagutan ang kasal. Kahit sino ang pakasalan niya hanggat masaya siya," sabi ni Sanji kahit na nakikita niya ang katapatan sa mga mata ni Alas, wala pa rin siyang karapatang manipulahin ang kaligayahan ng anak.

"It's okay po. I'll pursue her kaya ngayon pa lang hinihingi ko na ang kamay ng anak mo."

"Gaya ng sabi ko, nasa kay Anelyn ang desisyon," sagot ni Sanji at muling nilagyan ng alak ang baso ni Alas.

"Baba na ho ako sa party," paalam ng binata at inubos ang laman ng alak.

Pababa siya ng hagdan nang makita sina Anelyn at Atasha na nag-uusap malayo sa mga bisita kaya nilapitan niya ito.

"Wait, pupuntahan ko lang ang assistant ko," paalam ni Antasha nang nasa likuran na nila si Alas.

"Iiwan mo 'ko?"

"Lasing na yata ang PA ko kaya to the rescue ang boss. Bye," paalam ni Antasha at nginitian si Alas saka iniwan sila.

"Psh! Boring," reklamo ni Anelyn na nakaharap sa mga bisitang ang iba ay alam niyang nagpa-plastikan lang.

"Hey!" hiyaw niya nang may yumakap sa maliit niyang bewang. Hinawakan niya ang kamay nito pero ang higpit ng pagkakayakap sa kanya at mukhang napaghandaan na nito ang depensa na gagawin niya. "Wag mong sirain ang gabi ko!"

"Kung bored ka, let's make some fun," bulong ni Alas sabay halik sa leeg ng dalaga.

"Bitiwan mo ako o magwawala ako?"

"Sirain mo ang wine party ng daddy mo? Go," bulong ni Alas kaya napapikit si Anelyn dahil hindi makagalaw.

"What do you want?"

"You," sagot ni Alas. "I miss you."

"Leave me alone."

"Let's have a dance," yaya ni Alas at binitiwan ang bewang ng dalaga saka hinawakan ang kanang kamay nito para dalhin sa gitna.

2. Sold to The Arrogant Boss (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon