23

10.1K 388 24
                                    







Unedited...






"Sigurado ka na ba talagang pakasalan mo si Anelyn?" tanong ulit ni Sanji.

"Tito, may responsibilidad na ho ako sa kanya at hindi ko iyon tatalikuran."

"Do you love her?"

"Yes," walang gatol na sagot ng binata.

"Alas, kapag bumalik ang alaala niya, malaki ang posibilidad na magbago ang damdamin niya para sa 'yo. Pwedeng makipag-annul siya kaya useless din ang pagpakasal ninyo sa ngayon. Why don't we wait na bumalik muna ang alaala niya?" suhestiyon ni Sanji.

"I'm afraid na magbago ang isip niya kapag bumalik na ang alaala niya," pag-amin ni Sanji. "Tito, I love her. Hindi ko alam kung kailan but I'm sorry."

"Wala akong magagawa pero as of now, mas mabuting 'wag na muna kayong padalos-dalos na magpakasal. Just wait sa perfect moment."

"I understand po," magalang na sagot ni Alas. "Pero Tito Sanji, wala ho akong balak na talikuran ang responsibilidad ko sa kanya."

"Just protect her," bilin ni Sanji.

"Salamat ho sa tiwala," pasalamat ni Alas na naalala ang usapan nila ni Mr.Padillo.




"Flashback"

"Sir, pinatawag nyo ho ako," magalang na sabi ni Alas nang pumasok sa opisina ng mga Padillo.

"Anelyn was kidnapped," seryosong sabi ni Sanji.

"I know ho. My dad told me."

"Hindi ko alam kung paano siya na-kidnap but we found her sa isang villa rito sa Pinas and tomorrow night ay isasama siya sa auction," wika ni Sanji kaya nagulat si Alas. "Hijo, I want you to take her."

"Nakahanda ho ang rescue team."

"No," tanggi ni Sanji. "It would be bloody pero hindi maso-solve ng dahas ang lahat. Kailangan natin siyang makuha sa maayos at hindi kahina-hinalang paraan."

"But how?" wala siyang ibang maisip kundi iyon lang at nakahanda ang agency niya sa pag-rescue.

Inabot sa kanya ni Sanji ang golden VIP card.

"Go to the auction, buy her." utos ni Sanji.

"Sir—"

"I'll deposit sa account mo. Just make sure na ikaw ang makakuha ng anak ko," sabi ni Sanji.

"And then what?"

"Ikaw na muna ang bahala sa kanya. She was drugged."

"Pero kung ganoon, bakit hindi na natin siya agad kunin doon?"

"White tiger ang may hawak sa kanya at baliw si Kyle. Mga magulang niya ang namumuno ngayon sa gang," sabi ni Sanji. "I can't sacrifice my daughter kaya kailangan ko ng plano."

Kinuha ni Alas ang card. "I'll take her out kahit na anuman ang mangyari," determinadong sabi ni Alas.

..........End of Flashback.....

"Salamat ho sa tiwala at sa pangalawang pagkakataon," pasalamat ni Alas.

"Wag mo lang saktan ang anak ko, Alas."

"Pangako ho, iingatan ko siya," pangako ni Alas.

"Sige, alis na muna ako. Susunduin ko pa si Yvone sa bahay ng parents niya," paalam ni Sanji.

2. Sold to The Arrogant Boss (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon