(CHAPTER 14)
(ABIGAIL PO'V)
Nasa kalagitnaan kami ng byahe pauwi sa condo ko ng may tumawag saken , si kuya pala, sakto ang tawag nya dahil aayain ko pa sya na sa bahay na mag dinner
" Hello"- sagot ko " may pinapasabi so mom"- sabe nya " ano daw"- tanong ko " hindi tuloy next month, business matter again sabi nya"- sabi ni kuya, hininaan ko naman ng konti ang speaker dahil baka marinig ni adrian ang pinag uusapan namin
Ang tinutukoy kase ni kuya na hindi tuloy is yung pag alis namin papunta sa America, eh hindi kopa na sabi kay adrian ang bagay nayun, oky naden na hindi natuloy, sana nga hindi na matuloy pa dahil, gusto ko pang makasama si adrian ng matagal
Kahit pa 1 week lang kami dun ni kuya matagal nayun para saken mamimiss ko si Adrian ng sobra
" Fine kuya, thanks for update, btw can i invite you for a dinner"- sabe ko dito " what? Himala nasa good mood ka ata para ayain ako"- sabe pa nya
" Sige na kuya, but don't be rush kase mag luluto pako ng dish, i will cook your favorite dish"- nakangiting sabi ko " fine, fine i will go, sarapan mo huh"- sabe pa nya " thanks kuya mwahh"- sabe ko at patay na ng phone
" Anong sabi ng kuya mo"- tanong nya " ahhm wala yun, nangangamusta lang ang mommy ko, btw pumayag na syang sa condo mag didinner"- sabe ko dito
" Really, that's good"- sabe pa nya
"Are you okay?"- tanong ko dahil parang wala sya sa mood ngayon " huh? Amm yes I'm fine"- sabe nya sabay pilit na ngitiSiguro dahil sa pag tatalo nila ng dad nya, nakita ko kaseng may kausap sya sa phone kanina then base sa muka nya nag tatalo sila, nang tanungin ko ay hindi naman nya sinabi ang sabi lang nya, tumawag ang dad nya
(FAST FORWARD)
Pag dating namin sa condo ay tinulungan nya ako sa mga dala ko, mga panluto yun, dahil ako ang mag luluto
Nag bihis nga muna ako sa kwarto at pag baba ko, nakikita ko syang nag hihiwa ng patatas " ako na dyan"- sabe ko dito
" Ako na dito"- nakangiting sabe nya kaya hinayaan ko na syang mag hiwa ng patatas, nag pakulo naman ako ng karne para lumambot nato mamaya
Tinulungan ko naman syang mag hiwa pa ng ibang rekado
Maya maya nga lang ay kumulo na ang karne kaya inalis kona to pero napasigaw ako dahil napaso ako " ahhh"- sigaw ko kaya, agad naman nyang iniwan ang hinihiwa nya at kuha ng kamay ko " Are you okay"- sabe nya
Napangiti naman ako dahil sa sobrang pag aalala nya " don't worry I'm fine"- sabe ko " ako na kaya dyan"- sabe pa nya habang ihip ihip ang napaso kong kamay
" Ako na, diko lang nahawakan ng maayos ung hawakan kaya napaso ako"- ipagpapaliwanag ko dito " hayyst baby mag ingay ka kase"- sabe pa nya
" Oo napo, sorry na"- nakangiti ko namang sabe
Bumalik na nga sya sa pag hihiwa habang ako ay isinalang na yung karne ready at tyaka nilagay ang ibang rekado kinuha kona din ang hinihiwa nya at hinalo nato
Nagulat naman ako ng bigla nya akong yakapin mula sa likod " ang bango naman ng niluluto mo baby"- sabe nya pa habang kinikiss ang likod ng tenga ko
" Ano ba nakikiliti ako"- sabe ko ko dito " kapag mag asawa na tayo, dapat ikaw lage ang mag luluto, para masarap lage ang ulam naten"- sabe pa nya
Para syang si nica ang advance mag isip asawa agad " asawa agad hindi mo pa nga tayo kasal"- natatawa kong sabe dito
" Soon pakakasalan din kita and I'll promise you, ikas lang ang babaeng pakakasalan, mamahalin, at aalagaan ko habang buhay"- sabe pa nya kaya namula naman ako sa kilig
" Napahinto naman ako sa pag halo sa niluluto ko nf iharap nya ko sa kanya
" I really love you baby, mahal kita sobra"- sabe nya ng nakangiti , gusto ko man sya sagutin ng iloveyoutoo pabalik ay hindi pwede dahil, baka mabuko nya ko na sasagutin kona sya
Gusto ko malaman ang expression nya mamaya sa harap ni kuya habang pinapakilala ko sya bilang boyfriend at ang expression din ni kuya kapag nalaman nya na may boyfriend nako
I know naman na susuportahan ako ni kuya, at ganun din ako sa kanya kaya lang madaming babae si kuya kaya hindi nya makita na mahal sya ng kaybigan nya, kawawang Cassie hindi man lang nya maamin ang nararamdaman nya para kay kuya
Gusto ko syang tulungan but ayaw nya, natatakot syang masira ang matagal nilang pinag samahan bilang mag kaybigan
" wala bang i love you too dyan"- sabe nya kaya bumalik ako sa realidad " tssk, dun kana muna sa table at mag lulut---"- hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko kase hinawakan nya ang muka ko
Hindi naman ako makagalaw, alam kona ang next nyang gagawin baka ikikiss nya ako, kaya napapikit naman ako, kaya lang walang labi na dumampi saken tanging kamay lang nya na pumitik sa noo ko
" Ikaw ah, bakit ka nakapikit, siguro iniisip mo ikikiss kita"- pang aasar nya pa " tssk ewan ko sa---"- natigilan ako ng halikan nya ako ng mariin sa labe
Heto na naman ang malakas na kabog ng dibdib ko, bakit naman kase hindi sya nag iinform kung ikikiss nya ako nabibigla tuloy ako
Hindi ko alam kung pano gumanti ng halik kaya hinayaan ko nalang syang halikan ako ng mariin, tanging pag pikit lang ang ginawa ko habang dinadamdam ang malambot nyang labe
Napahinto naman sya sa paghalik ng may nag doorbell sa pintuan " ahm b-bubuksan ko lang b-baka si kuya nayun"- nauutal kong sabe dito nginitian naman nya ako
Dali dali nga akong pumunta sa pinto at nakita kong si kuya nga " Good evening kuya"- masaya kong bate dito " Good mood ka huh"- sabe pa nya
"Syempre naman, at ikaw bad mood ka ata"- sabe ko naman " tsssk hindi no"- sabe nya sabay pasok sa loob
At nagulat sya ng makita nya si adrian , sinamaan nya agad to ng tingin " Sino ang lalaking yan"- takang tanong nya nakakunot naren ang kilay nya