TITLE: WHY CAN'T IT BE
AUTHOR: EL LA(CHAPTER 16)
(LANCE PO'V)
Pabalik nako sa condo ni Abigail, hindi paren ako makapamiwala na may boyfriend na sya, halata sa itsura ng lalaking yun na sasaktan lang sya, hindi naman sa tutol ako sa kanila, oky naman para saken ang lalakeng yun pero wala akong tiwala sa kanya
Pero wala akong magagawa mahal sya ng kapatid ko, pero once na makita kong umiyak o makita kong saktan nya ang kapatid ko, ako talaga ang makaka away nya
Bumili ng ako ng isang case ng hard wine, sinadya kong matapang ang bilihin, hindi ako papayag na matalo ako ng lokong yun
Kung tingin nya na makukuha nya agad ang tiwala ko no nag kakamali sya talunin nya muna ako
(FAST FORWARD)
Nang maka rating nga ako sa condo ay pumasok nako, nakita ko naman na naka upo lang silang dalawa na tila ba inaantay ang pagbalik ko
" Are you ready?"- nakangisi kong sabe, i know na hindi nya ko matatalo sa inuman, araw - araw ba naman ako nag ba bar, alak na nga ang sumusuko saken
Sinimulan ko na ngang mag labas ng 2 shot glass at dalawang bote ng alak
Ako na ang nauna, pinuno ko yung shot glass at tyaka ito ininom, pag katapos ko ay uminom din naman ang lalakeng kaharap ko
" Kuya, wag kayo papasobra huh!"- rinig ko pang sabe ni abby na nasa gilid lng nanonood sa bawat inom namin
Naubos na nga namin ang isang bote at parang walalang sa kanya, kahit saken ay wala lang, kaya nag labas pako ulit ng another , ngayon ay sya naman ang nag simula
Nakatitig lang kami sa isat isa habang patuloy na umiinom, hindi ako mag papatalo
(FAST FORWARD)
(ADRIAN PO'V)
Naka limang bote naren kami at wala pareng sumusuko samin, sobrang halaga talaga ni abigail sa kuya nya kaya hindi neto magawang sumuko, pero mahal ko si abigail kaya mas lalong hindi ako susuko
Kahit pa gustong gusto ko ng sumuka ay hindi pwede, ayokong matalo, nakakaramdam nako ng pagkahilo pero hindi ko pwedeng ipahalata
" Talagang ayaw mong sumuko huh!"- inis na sabe ng kuya nya sabay inom ulit " hinding hindi ko susukuan ang babaeng mahal ko"- sagot ko naman at sabay inom ulit
" Really? But hanggang kelan?"- sabe nya at inom ulit " habang buhay"- sagot ko at inom ulit
Kada usapan namin ay sunod sunod ang inom kaya feeling ko ay babagsak na ang katawan ko
" Habang buhay?, At paano kapag hindi mo nagawa"- sabe nya pero nagulat ako ng hindi na baso kundi bote na ang tinutungga nya inubos nya ang kalahating laman neto
" What do you mean? Mahal ko si abigail kaya magagawa ko yun"- sabe ko at gaya nya tinungga ko den ang bote ng alak
" Kuya, Adrian enough lasing na kayo"- rinig kong sabe ni abigail pero hindi namin to pinansin
" Fine, you really love her"- sabe neto at tyaka yumuko, wait is he crying?
" Hindi nako tututol sa inyo but, you make sure that you will never hurt her, once na makita kong umiyak ang kapatid ko, ilalayo ko sya sayo at hinding hindi mo sya makikita kahit na kelan"- sabe ng kuya nya
" I know your concern for abigail, but trust me I won't hurt her never"- sagot ko sa kanya, sandali kaming mag katitigan bago sabay na inumin ang last na bote ng alak
Naubos namin ang isang case na binili nya ng wala man lang sumusuka, nang maubos na namin ang laman ng last na bote ng alak ay sabay na kaming natumba sa sahig