Helena
NAPALABAS ako ng bahay nang makarinig ako nang mga daing na tila ba nasasaktan. Binuksan ko ang pinto at natatakot na hinahanap ang ingay na iyon. Pagkalabas ko ay nakita ko ang tatlong lalaki sa labas ng tarangkahan ng aming bahay. May binubugbog ang mga ito at sa hindi kalayuan ay magarang sasakyan na nakaparada roon.Papasok na sana ako dahil sa takot na baka madamay pa ako, ngunit nang nabosesan ko ang dumadaing ay nagkaroon ako ng lakas ng loob para awatin ang mga ito.
“Bitiwan ninyo siya, bitiwan ninyo ang kuya ko!” malakas na awat ko sa mga ito.
“Helena, pumasok ka sa loob ‘wag mong intindihin ang kuya!” Sigaw naman ng kapatid ko sa akin, pero matapang pa rin akong sumugod at pinagtutulak ang mga ito para makalapit ako sa kapatid ko.
“Ano bang kasalanan ng kuya ko sa inyo? at binubugbog ninyo siya?” galit na galit na umiiyak kong sumbat.
“Sino ka? At bakit ka nakaharang diyan. Kung ayaw mong masaktan umalis ka rito at isipin mong wala kang nakita!” Isang baritonong boses ang nagsalita sa likod ko. Bigla namang nag sitabihan ang mga lalaki kaya nahawi at nabigyan daan ang nagsalita para lumapit sa akin.
Sa tulong ng malamlam na liwanag na nagmumula sa buwan ay kita ko ang matikas na pangangatawan nito at sa hilatsa ng itsura nito ay mahahalata mong isa itong may sinasabi sa buhay. Ngunit hindi ko pa rin maaninag ang mukha nito at nang tuluyang makalapit ito sa amin ni kuya ay na hugot ko ang sariling hininga dahil sa nakakapanghinang tingin nito sa akin.
Gwapo ang lalaki na may makapal na kilay, pangahan ito na may papatubo pa lang na balbas. Matangos din ang ilong nito, kulay asul ang mga mata na may mahahabang pilik.
Ilang sandali akong hindi nakapagsalita pero ng kabigin ako ng kapatid ko para itago sa likod nito ay saka lang ako natauhan.“‘Wag mong gagalawin ang kapatid ko! Kung anuman ang problema sa pagitan natin ay atin na lang iyon,” saad ni kuya sa lalaki at bumaling sa akin; At ikaw naman Helena, pumasok ka na sa atin para hindi ka na madamay pa,” anito, ngunit nagmatigas ako at kumawala sa pagkakahawak ng kapatid ko at muling hinarap ang lalaki. Sa pagkakataon na iyon ay galit at tapang ang ipinakita ko rito at hindi na inintindi ang kakaibang nararamdaman ko para sa lalaki.
Tinabig ko ang kuya ko para mabitawan ako nito at ito naman ang itinago ko sa likuran ko. Bugbog sarado kasi eto at nanghihina kaya wala itong nagawa ng gamitan ko ito ng lakas. Lumapit din ako sa lalaki na nasa harapan namin.
Galit na hinarap ko ito. Lalapitan na sana ako ng isa sa tauhan nito nang iangat nito ang kanang kamay para pigilan ang kasama at nakangisi itong inilapit ang mukha sa mukha ko at tinitigan ako ng maigi at sinuri ang kabuuan ko. Kaya nabastusan ako rito, kaya hindi ko na nakontrol ang sarili ko at sinampal ko na ito ng malakas.
“YOU, don't have the right to slap me, especially kung hindi mo alam kung ano talaga ang ginawa ng kapatid mo, kaya ko siya pinabugbog,” anito at ngumisi nang nakaloloko sa akin.
Brian
AKO si Brian Spencer isang bilyonaryo at marami akong kompanyang na itinayo sa iba't ibang sangay ng Pilipinas at mga casino na nagkalat na rin.
Ako raw ay walang awa, walang puso, wala ring pakiramdam at kailanman hindi raw ako nagpakita ng kahinaan sa ibang tao lalo na ng mawala ang pinakamahalagang tao sa buhay ko, kaya nasanay na akong maging ganoon. Kaya first time sa tanang buhay ko na may maglakas loob na sampalin ako.
BINABASA MO ANG
SABIHIN MONG MAHAL MO AKO (COMPLETE) Edited Version
RandomBLURB Walang makapagliligtas kay Helena Tañola mula sa isang bilyonaryong si Brian Spencer kundi ang sarili lamang. Dahil sa malaking utang ng kaniyang Kuya Agaston dito ay siya ang napili nito bilang kabayaran. Ulila na silang lubos sa kanilang mg...