CHAPTER ELEVEN

15 0 0
                                    


BRIAN

             NAGULAT ako ng makita ko si mommy, inalis ko ang pagkakahawak ko sa palad ni Helena at masaya akong lumapit kay mommy.

Tumayo naman ito sinalubong ako ng yakap nito.

“Mommy, kailan ka pa dumating? Bakit hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka 'di sana ay nasundo ka namin sa airport?” tanong ko rito.

“Brian, iho,  kumusta ka na?” Nagtanong nito at saka biyakap niya akong muli.

“I'm fine, Mom,” sagot ko naman dito at humiwalay ako sa pagkakayakap ko at bumaling ako kay Helena.

“Halika, sweetheart ipapakilala kita kay mommy.” Nakangiti kong paanyaya kay Helena.

Keme naman itong lumapit at saka tumabi sa 'kin.

“Mom, si Helena po ang kasintahan ko. Helena si mommy Belina!” pakilala ko sa dalawa.

“Say hi to mommy!” Sabi ko pa kay Helena, kaya nahihiya itong bumati kay mom.

“Magandang tanghali po tita. Nice to meet you po.” magalang namang bati ni Helena at ngumiti habang nahihiya.

Umasim ang mukha ni mommy at saka kinilatis nito si Helena, mula ulo hanggang paa kaya na ilang naman ang huli.

“Dont call me tita, hindi kita pamangkin para tawagin mo akong tita.” Nakataas kilay na sagot naman ni mom kaya tumikhim ako para alisin ang bara sa aking lalamunan.

“Mom, don't be rude to Helena, baka matakot siya sa'yo at hindi na niya ako pakasalan.” biro ko kay mommy, ngunit hindi man lang natawa ang dalawang babae kaya napabuntonghininga ako, alam kung may mabubuong tensyon ngayong nandito na si mommy sa Pilipinas.

Alam ko na kung bakit biglaan itong nakauwi dito, kilala ko si mommy alam kung may gagawin itong hindi maganda kaya dapat maging alerto ako sa mga mangyayari.

Saglit lang ay nag iba ang mukha ni mommy bigla itong ngumiti at lumapit kay Helena at niyakap niya ito.

“Sorry nag bibiro lang ako iha, it's nice to meet you pala iha, welcome to the family.” Kaya nakahinga ako ng maluwag.

“Mom, tinakot mo naman ako akala ko talaga ay hindi mo gusto ang girlfriend ko,” sabay hila ko sa baywang ni Helena at idinikit ko ito sa akin.

“I hope na magkasundo tayo, dahil magiging isang pamilya na tayo ngayon.” mommy said at saka bumaling sa akin ang tingin nito.

“So kailan ang kasal, Son?”

“Matagal pa naman mom, wala pa kaming balak pero soon ay asikasuhin ko na iyon.”

“Good, para naman makapaghanda kayo ng maigi, malay mo magbago pa pala ang isip n'yo.” Nakangiting saad ni mommy.

At tumingin ito kay Helena nang makahulugan pero baka kinikilatis lang nito si Helena kung ano ang magiging reaksyon nito sa sinabi ni mommy.
Sana walang maging problema ngayong nandito na si mommy sa bahay.

Nahihiya namang ngumiti lang si Helena tahimik ito at parang malalim ang iniisip.

“So, paano pala kayo nagkakilala?
Ano ba ang work mo iha? May natapos ka ba?” sunod-sunod na tanong nito kaya napatingin sa akin si Helena na parang nagpapatulong.

Samantala nakasilip naman si manang Milba sa may kusina, hindi ito kumbinsido sa biglaang pagbabago ng turing nito kay Helena at ipinapakita nito. Matapos niyang masaksihan ang ginagawang asal nito sa harap ng magkasintahan, dahil kanina lang ay galit ito ng malamang may kasintahan ang alaga niya at ikakasal pa at galit pa nga itong nagsabi na baka ni wala sa kalingkingan ni Christina ang babaeng pakakasalanan ng kanyang alaga kaya parang may mali sa mga nangyayari ngayon. Pero hindi niya hahaayaan na masalbahi ni Senyora, Belina ang napakabait na si Helena kaya gagawin niya ang lahat para mailayo at maprotektahan niya ito sa matapobreng Donya.



































































































































































































































HELENA

KINABAHAN ako sa mga mangyayari gayong nandito ang ina ni Brian. Paano kapag nalaman nitong pagpapanggap lang ang lahat ng ipinapakita namin sa ina nito.

Aaminin ko kinakabahan ako ng makilala ko ang ina ni Brian, lalo na nang magsalita ito na tela ba ay malaki ang pagkadisgusto nito na ako ang naging kasintahan ng anak nito.

Kita naman sa ginawang attitude nito sa harapan ko.

Matapos ko kasi itong batiin ay hinagod niya ako ng tingin mula ulo pababa at nakataas kilay pa ito na para ba akong isang kriminal sa paningin nito.
Pero kahit papaano ay magalang ko pa rin itong binati.

“Magandang tanghali po tita. Nice to meet you po.” magalang kong saad at Ngumiti dito.

Umasim talaga ang mukha nito at saka ako pinakatitigan at nagulat ako sa sinabi nito.

“Dont call me tita, hindi kita pamangkin para tawagin mo akong tita.” Nakataas kilay na sagot naman neto, kaya tumikhim ako para alisin ang bara sa aking lalamunan.

“Mom, don't be rude to Helena, baka matakot siya sa'yo at hindi na niya ako pakasalan.” Saad naman ni Brian sa ina nito. Alam kong nagbibiro ito para pagaanin ang sitwasyon. Ngunit hindi man lang ako  natuwa maging ang ina nito, lihim akong napabuntong-hininga. Alam kung hindi ako gusto ng ina nito kaya kinakabahan ako pero hindi ko iyon pinahalata.

Mayamaya lang ay biglang umaliwalas ang mukha ng ina ni Brian kaya nakahinga ng maluwag si Brian at umaliwalas ang mukha nito pero hindi ako.

“Sorry nag bibiro lang ako iha, it's nice to meet you pala iha, welcome to the family.” Kaya nakahinga ng maluwag si Brian.

Ngumiti at lumapit ito sa akin sabay yakap. Pinisil nito ang balikat ko na may diin kaya nagets ko ang ginawa nito. Pero hindi ako nagpahalata. Kumalas ito ng pagkakayakap sa akin ang nakasimangot na mukha nito ay napalitan ng pekeng saya.

“It's nice to meet you iha, welcome to the family.” Kunyari ay masaya niya akong winelcome.

“I hope na magkasundo tayo, dahil magiging isang pamilya na tayo ngayon.” Saka ito bumaling nqng tingin kay Brian.

“So kailan ang kasal, Son?” Kunyaring na i-excite na tanong nito sa amin.

“Matagal pa naman mom, wala pa kaming balak, pero soon ay asikasuhin ko na iyon.”

Sabi naman ni Brian na tila wala itong alam na pakitang tao lang ang ipinakita nito ng ina nito sa akin.

Hindi naman ako manhid para hindi iyon mapansin lalo na at kanina lang ay lantarang ayaw nito sa akin.

“Good, para naman makapaghanda kayo ng maigi, malay mo magbago pa pala ang isip n'yo.” Nakangiting saad ng ginang at makahulugang tumingin sa akin ng pailalim.

Nahihiya na lamang akong ngumiti, gagawa na lang ako ng paraan para hindi niya ako lagi makita at kung nandito naman si Brian ay magpapanggap na lamang akong walang problema kung sakali mang may gawin ito sa akin.

Akala ko tapos na ang pagpapanggap nito pero na gulat ako sa susunod tinanong nito.

“So, paano pala kayo nagkakilala?
Ano ba ang work mo iha? May natapos ka ba?” sunod-sunod na tanong nito. Hindi ko inaasahan na itatanong niya iyon sa akin, kaya napatingin ako kay Brian at  nagpapatulong kung ano ang isasagot ko sa mga tanong ng mommy nito.










SABIHIN MONG MAHAL MO AKO (COMPLETE) Edited VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon