Brian
NAPAKO ako sa aking kinauupuan sa ginawa nito sa akin, kaya napaawang ang bibig ko sa gulat.
“H-Helena!” nauutal kong sabi rito.
“S-sorry,” hinging paumanhin nito sa akin at lumayo ito nang bahagya.
“Its okay, sandali lang may tumatawag sa akin,” sabi ko na lamang dito at sinagot ko ang tumawag sa akin, God! Save by the bell sa akin ngayon si Conor, dahil hindi ko rin alam kung anong sasabihin dahil may konting shock pa ako sa paghalik nito sa akin.
Nahihiya naman itong ngumiti sa akin.“Hello! napatawag ka?” tanong ko kay Conor sa kabilang linya.
Kausap ko ngayon si Conor habang pasulyap sulyap sa akin si Helena, kaya hindi ako makapagconcentrate sa usapan namin ni Conor. Nang magpaalam na ako kay Conor, matapos nitong sabihin na nandoon daw si Mr. Ramirez na mag pa-franchise ng Casino namin na ipapagawa nito sa Vigan.
Ay ibinaba ko na ang tawag ng sabihin ko rito na dadaan ko na lang sila pagkahatid ko kay Helena sa ospital. Papaiwan ko na lang si Victor para may makasama si Helena sa ospital mamaya.Iiwanan ko na lang si Helena sa ospital dahil hindi ko na ito sasamahan, tatawagan ko na lang ang isa ko pang driver sa company para sunduin sina Helena sa hospital kapag uuwi na ito.
Kahit gusto man ito samahan ay hindi pwede dahil importante kasi ang meeting ko with Mr. Ramirez dahil malaki ang ibabayad nito sa akin para sa Casinong ipa-franchise nito.
Hindi na kami nag-imikan ni Helena matapos ang nangyari kanina. Siguro ay nahihiya ito sa nagawa niya sa akin, pero natutuwa naman ang puso ko sa ginawa nitong paghalik.
Ang gaan ng pakiramdam ko matapos niya akong halikan kung wala lang ang driver ko na si Victor ay baka ako na ang humalik dito, dahil nabitin ako sa iginawad nitong masarap na halik sa akin.
Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa Saint Jude Hospital. Bumaba na ako kaya bumaba na rin si Helena. Tinawag ko ito, kaya napalingon ito sa akin, ngunit hindi pa rin ito makatingin sa akin ng diretso.
“Ahm, hindi na kita masasamahan sa loob, dahil may importante akong ka meeting, si Victor na lang ang isasama mo sa loob, at mamaya kapag gusto mo ng umuwi ay ipapasundo ko na lang kayo sa isa ko pang driver,” saad ko rito kaya tumango ito sa akin.
“Okay lang, naiintindihan ko naman.“ Mahinang sagot nito sa akin. Papasok na sana ito sa loob ng hilahin ko ito papalapit sa akin.
“Pasensya na kung hindi na kita masasamahan pa sa loob next time ako na ang sasama sa'yo. Pero mag uusap tayo mamaya, kalimutan mo na ang nangyari kanina hindi naman ako galit sa'yo.” Sambit ko kaya napangiti ito.
“Pasensya ka na rin, kanina hayaan mo hindi na iyon mauulit.” Masaya na nitong saad sa akin.
“No, kahit paulit ulit mo akong halikan, hindi ako magagalit sa'yo. Because ang halik mo ang pinakamasarap na bagay na kailanman ay hindi ko pagsasawaan.” Masuyo kong sambit dito kaya namula ang mga pisngi nito.
“So, paano aalis na ako ‘wag kang mahihiyang magsabi kay Victor kung may gusto kang kainin or ipagawa sa kanya. Bibilinan ko siyang bantayan ka ng maigi,” sabi ko at pinisil ko ang kamay nito.
Bumaling naman ako kay Victor at binilinan itong mabuti at tawagan nito ang isa pang driver na nakahalili nito minsan, kapag nagyaya ng umuwi si Helena na tinanguan din naman ng huli.
Pumasok na ang dalawa kaya pumasok na rin ako sa sasakyan na dala namin at binuhay ko na ang makina at umalis na ako papuntang Casino upang makipag meeting.
Helena
NANG makaalis na si Brian ay dumiretso na kami ni mang victor sa loob ng ospital kung saan nakalagay siya kuya. Nang marating kami sa ward ay nagpaiwan naman si mang Victor na sa labas na raw ito maghihintay.
Tawagin ko na lang daw ito kung may kailangan o uuwi na kami. Agad akong lumapit sa higaan ni kuya ng makaalis si mang Victor. Ganoon pa rin ito, wala pa ring improvement sa kalagayan nito. Naaawa akong hinawakan ko ang kamay nito at dinala ko pisngi ko at dinama iyon.
Mainit naman ang balat nito, ngunit walang mababakas na magigising na ito. Tanging mga aparato na lang ang bumubuhay dito. Ngunit ayaw kong mawalan ng pag-asa, alam kung gagaling ito at babalik pa ito sa akin.
Nilibot ko ang tingin ko sa ward na kinalalagyan ni kuya at namangha ako sa ganda niyon. Alam kung private ward ito dito sa ospital at mahal ito. Hindi talaga hinayaan ni Brian ang kapatid ko kaya, kahit anong hilingin nito ay ibibigay ko basta para kay kuya ay gagawin ko ang lahat.
Hapon na ng maisipan naming umuwi ni Mang Victor, sakto namang nasa labas na ng hospital ang susundo sa amin na si Rigor na karelyebo ni mang Victor. Mamimiss ko siya kuya, pero hindi naman pwedeng nasa hospital ako palagi, at saka alam ko naman na hindi nila pababayaan ng mga doctor ang kapatid ko. Dahil may tiwala naman ako kay Brian na hindi nito hahayaan mawala sa akin ng tuluyan ang kapatid ko.
Nakarating na kami sa mansyon ni Brian bago mag gabi nandoon na rin ito, nag aabang sa pagdating namin. Kinausap nito saglit si mang Victor, bago ito lumapit sa akin at nakangiti itong nagsalita.
“Kumusta ang maghapon mo sa ospital?” tanong nito kaya sumagot ako rito.
“Okay lang na alagaan ko si kuya, habang nandoon ako, thanks for today dahil pinayagan mo akong dumalaw,” sagot ko naman dito.
Pumasok na kami sa loob ng mansyon habang kinukwento ko ang nangyari ng araw na iyon. Masaya naman itong nakatingin sa akin habang nakikinig.
“Salamat talaga Brian,” muling saad ko kaya seryoso itong tumingin sa akin.
“Hindi ba sabi ko sa'yo, tigilan mo na ang paghingi mo sa aking pasasalamat. Dahil baka sa ibang paraan kita singilin, kapag na narindi na ako kaka pasalamat mo,” saad nito sa akin kaya kinabahan ako dahil sa klase ng tingin na iginawad niya sa akin ng malamlam na mata nito.
Napaatras ako nang biglang lumapit ang mukha nito sa mukha ko, naalala ko tuloy ang paghalik ko sa kanya kanina. Kaya namula ako dahil bumalik sa akin ang kahihiyan, alam kong sa mga oras na iyon ay pulang pula na ang mga pisngi ko.
Alam ko kung ano ang ibig nitong sabihin kaya napalunok ako at pumikit upang hintayin na lang ang sinasabi nitong ibang hihilingin nitong kapalit sa tulong na ibinigay niya sa akin.
Hinintay kung maglapat ang mga labi namin, ngunit ilang minuto na ang nakakalipas ay wala naman akong nararamdamang gagawin nito sa akin. Kaya iminulat ko ang aking mga mata at nabigla ako sa aking nakita nakahandusay na kasi ito sa sahig at parang nahimatay.
Ilang sandali akong natulala nang maisipan kong lapitan ito upang tingnan kung anong nangyari rito. Kinapa ko ang mukha nito at naramdaman kong mainit ito, kaya sumigaw ako at tinawag ko ang mga taong kasama namin sa bahay. Habang iniunan ko ang ulo ni Brian sa aking lap at niyakap ito dahil nanginginig na ito at nilalamig.
Nag aalala ako na baka napatama ang ulo nito kaya ito nawalan ng malay tao. Mabilis namang nagrescue sina Manang at Mang Victor kasama si Rigor at pinagtulungan naming buhatin si Brian sa silid ko dahil nandoon na rin lang kami sa may tapat ng silid ko.
‘Ano kaya ang nangyari rito at biglaan na lamang itong nagkasakit, wala naman siyang ibang pinuntahan kundi sa Casino nito.’ Sa isip ko habang pinagmamasdan ko ito na mahimbing na nakahiga sa kama ko matapos naming maipasok ito sa silid ko.
Hinaplos ko ang mukha nito bago ako lumabas at tumungo sa silid nito upang kumuha ng damit at gamot ni Brian.
BINABASA MO ANG
SABIHIN MONG MAHAL MO AKO (COMPLETE) Edited Version
De TodoBLURB Walang makapagliligtas kay Helena Tañola mula sa isang bilyonaryong si Brian Spencer kundi ang sarili lamang. Dahil sa malaking utang ng kaniyang Kuya Agaston dito ay siya ang napili nito bilang kabayaran. Ulila na silang lubos sa kanilang mg...