Helena
PABABA ako ngayon papuntang kusina para kumain, dahil nagugutom na ako pagkagising ko ngayon-ngayon lang. Pagkatapos kasi namin na mag-usap kanina ay pinagpahinga muna niya ako. Ayaw ko pa sana, dahil babalik ulit ako ng ospital para bantayan si kuya, kaya lang ay pinigilan niya ako. Mag uutos na lamang daw ito ng magbabantay sa kuya ko, sa isa sa mga tauhan nito, habang hindi pa ito gumagaling. Para raw magampanan ko ang napagkasunduan namin na magiging magkasintahan kami sa loob na anim na buwan.Wala naman akong magawa dahil iyon ang kasunduan namin. Kaya pipilitin ko na lang na ’wag munang mag-alala kay kuya, dahil nangako naman ito na hindi nito pababayaan at madadalaw ko pa naman daw si kuya roon kung kailan ko raw gustuhin. Basta raw magpapaalam ako ng ayos sa kanya, para ’di raw niya ako hanapin pa kapag wala ako sa paningin niya.
Nang makarating ako sa kusina ay nakita ko na naman si nanay Melba na naghahain sa hapag ng pagkain ko, kaya nginitian ko ito at binati.
Ngumiti naman ito pabalik sa akin, alam na rin kasi nito kung bakit ako naroroon at ng iba pang mga kasambahay dito sa mansyon na kasintahan ako ng amo nila. Dahil bago naman ako natulog kanina ay na-i-announce na rin naman ni Brian na kasintahan niya ako sa lahat ng taong narito.
Kung iba-iba lang sigurong sitwasyon ng ipakilala ako nito bilang isang kasintahan ay siguro ay nagsaya na ako ng sabihin nito iyon. Dahil sino ba naman ang hindi magmamalaki na magkaroon ka ng gwapo at mayaman na kasintahan tulad ni Brian?
Dangan nga lang at kunwari lang ang lahat, pero hindi naman ako nadidismaya. Dahil ang importante lang naman sa akin ngayon ay ang kalagayan naming magkapatid lalo na kay kuya.
Matapos kong kumain ay agad na ulit akong umakyat sa taas. Kung saan ako namamalagi matapos kong magpaalam kay nanay Melba. Binuksan ko na lamang ang TV sa silid na iyon at nanood na lamang ako ng mga palabas na ipinapakita roon. Dahil wala naman akong magawa, ngunit hindi ko namalayang nakatulog ulit ako dahil sa kabusugan.
NAGISING ako sa malakas na katok sa may pintuan ng silid ko at pagkatapos ay may nagsalita roon.
“Sumunod ka sa kwarto ko, Helena. Dalian mo ayokong pinaghihintay ako,” saad ni Brian sa may pintuan, dumating na pala ito.
Kahit kinakabahan ay wala akong karapatang magreklamo. Kahit anong mangyari ay darating pa rin kami sa puntong iyon.
Ang kailangan ko lang gawin ay ihanda ang aking sarili pag-nagkataon. Pumayag ako sa kasunduan namin ang maging kasintahan niya ako sa loob ng anim na buwan na may mangyayari sa amin. Kaya alang-alang kay kuya Agaston ay gagawin ko ito.
“Narinig mo ba ang sinabi ko?” tanong ni Brian mula sa pintuan ng aking kwarto ko at muling kumatok. Kararating lang nito dahil may pinuntahan daw ito kanina sabi ni manang Melba.
“Oo! N-nandyan na!” Dali-dali kong sinuot ang tsinelas ko matapos kung ayusin ang hinigaan ko at sinundan ko ito sa kanyang silid.
Namangha ako sa luwang at ganda ng silid nito. Malinis at nasa ayos ang mga kagamitan nito, simula sa kama hanggang sa mga kagamitan nito ay maganda.
Tulad ng inaasahan ko ay sinabi nitong; “Hubarin mo ang damit mo, dahil maliligo tayo.” Anito pero kahit inaasahan ko na iyon ay nanginginig at pikit mata ko iyong ginawa.
BINABASA MO ANG
SABIHIN MONG MAHAL MO AKO (COMPLETE) Edited Version
RandomBLURB Walang makapagliligtas kay Helena Tañola mula sa isang bilyonaryong si Brian Spencer kundi ang sarili lamang. Dahil sa malaking utang ng kaniyang Kuya Agaston dito ay siya ang napili nito bilang kabayaran. Ulila na silang lubos sa kanilang mg...