CHAPTER THIRTEEN

30 1 0
                                    

Belina

            GABI na nang makauwi ako at alas nuebe na ng gabi iyon. Medyo traffic kasi, kaya ginabi ako ng uwi. Medyo marami-rami rin ang pinamili ko dahil mahaba ang listahan na ibinigay ng ina ni Brian.

Nag aabang sa may pinto si Brian na seryosong nakatingin sa akin nang makarating ako sa mansyon. Ang kaninang galit na mga mata nito ay biglang napalitan ng awa ng makita niyang hindi ako magkandaugaga sa pagdadala ng mga pinamili ko, umiiling iling itong tinulungan akong bitbitin ang mga eco bag na dala-dala ko.

“Bakit ikaw ang nag grocery niyan nasaan ba si manang Milba at ang mga katulong?” tanong nito sa akin.

“Maraming ginagawa ni manang Milba, kaya ako na ang nagprisintang maggogrocery nakakahiya kasi sa mommy mo, kung wala na tayong maipapakain sa kanya. Saka okay naman ako.” Sagot ko naman dito na hindi tumitingin sa kanya at busy ako sa pag salansan ng mga pinamili ko sa ref.

“Tama na iyan si Liana na ang gagawa niyan dahil ikaw na nga ang bumili, kaya hayaan mo na, na ang mga katulong na ang gumawa niyan, kumain ka na, at alam kung gutom ka dahil sabi ni manang Milba ay umalis ka raw na wala kinain,” saad nito sa akin kaya ngumiti ako.

“Pasensiya ka na kung hindi ako nakasabay sa dinner ninyo ng mommy mo. At saka kaya ko na ito, kaya pwede ka ng matulog. Salamat,” saad ko rin dito at pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko.

“No, pagsinabi kong binitawan mo na iyan ay sumunod ka sa akin. Halika at kumain ka na.” Walang anu-ano ay hinila niya ako papuntang dining area at pinaupo niya ako.

Tinawag nito si Liana para ito na ang magpatuloy na gumawa ng ginagawa ko. Habang inahainan naman ako ni Brian ng makakain ko.
Pinagmasdan ko itong mabuti habang abala ito sa paglagay ng kanin at ulam sa pinggan ko na sobrang dami kaya bahagya akong natawa.

“What?” walang ideang tanong nito sa akin kaya umiling ako.

“Wala, para naman kasi ako niyang bibitayin sa daming inilagay mong pagkain sa plato ko.” Natatawa pa ring sagot ko.

“Tshh! Kulang pa nga iyan, dahil ang payat mo, dapat kumakain ka ng mabuti para lumusog lusog ka naman,” sabi nito kaya hindi ko na lang ito kinontra at magana na lang akong kumain.

Gutom na rin kasi ako, dahil wala rin akong kinaing meryenda kanina bago ako umalis papuntang market.
Habang pinagmasdan niya akong kumakain kaya nahiya akong kumain ng marami.

Napangiti ito nang bigla kong dinahan-dahan ang aking pagsubo at pag nguya na kanina ay mabilis.

“Pwede ka naman palang kumain ng magana, ang cute mo.” Parang wala sa sariling saad nito habang pinagmamasdan niya ako ng mataman.

Naiilang naman ako sa mga titig nito kaya iniwasan ko ang tingin nito at binilisan ko na lang ang pagkain ko dahil hindi ko na matagal ang kakaibang pagtitig nito sa akin.

Halos maubos ko ang nilagay nitong kanin sa plato ko, pati na ang nilagay na ulam nito sa mangkok, pero hindi ko sinasadyang mapadighay ako kaya natawa ito nang malakas.

“Iyan pala ang hindi gutom ah,” nakangising tudyo sa akin nito kaya namula ako sa hiya.





























































Brian

         NANG makababa ako galing sa opisina ko dito sa mansyon ay hinanap ko si Helena, para sana kausapin ito tungkol sa pagpapanggap nito bilang kasintahan ko. Pero hindi ko ito makita, tinanong ko si Manang Milba kaya sinabi nitong umalis si Helena, kaya na inis ako dahil umalis itong wala man lang paalam sa akin.

Tinanong ko rin si manang kung saan pumunta ang señorita Helena nito at ang mga katulong ngunit walang makapagsabi kung saan ito pumunta.

Kaya kahit kasabay ko si mommy sa hapag kainan na magana habang nagkukwento kung gaano kaganda raw sa America at mga nagawa nito roon ay wala pa rin ako sa mode para makinig dito ng ayos. At napipilitan lang akong makipagkwentuhan kay mommy ngunit ang isipan ko ay na kay Helena kung ano ang ginagawa nito sa labas.

Kaya natapos ang hapunan namin ni mommy na wala akong masyadong imik. Hindi ko alam kung napapansin iyon ni mommy, dahil patuloy lang ito sa pagdadaldal ng kalagayan nito roon sa America.

Matapos makaayat ni mommy sa taas para magpahinga ay tumambay muna ako sa labas para abangan si Helena.

Alas nuebe na nag gabi ngunit wala pa ito. Hindi ko maiwasan na baka nakipagkita ito kung kani-kanino kaya nag iinit talaga ang bumbunan ko sa inis.

Pero maya-maya ay nakita ko itong bumaba ng tricycle at pumasok sa may gate. Kita ko kung paano ito hirap na hirap na buhatin ang mga eco bag na naglalaman yata ng sari-saring pagkain. Kaya nawala ang galit ko at napalitan ng pag aalala dahil sa hitsura nitong bigat na bigat sa mga dala-dala nito.

“Bakit ikaw ang nag grocery niyan nasaan ba si manang Milba at ang mga katulong?” tanong ko rito at kinuha ko ang ibang mga dala nito.

“Marami ang ginagawa ni manang Milba kanina, kaya ako na ang nagprisintang mag gogrocery nakakahiya kasi sa mommy mo kung wala na tayong maipapakain sa kanya.” Sagot naman nito matapos naming makapasok sa loob na hindi tumingin sa akin at busy ito sa pag salansan ng mga pinamili nito sa ref.

“Tama na iyan si Liana na ang gagawa niyan at ikaw na nga ang bumili, kumain ka na alam kung gutom ka dahil sabi ni manang Milba ay umalis daw na wala kain,” sabi ko pa rito.

“Pasensiya ka na kung hindi ako nakasabay sa dinner ninyo ng mommy mo. At saka kaya ko na ito pwede ka ng matulog. Salamat,” saad naman nito at pinagpatuloy na ang ginagawa.

“No, pagsinabi kong binitawan mo na iyan ay sumunod ka sa akin. Halika at kumain ka na.” Hindi na nakatiis na hila ko rito papuntang dining area at pinaupo ko na siya roon.

Tinawag ko si Liana para ito na ang magpatuloy na gumawa ng ginagawa nito. At hinahinan ko na ito ng makakain.

“What?” walang ideang tanong tanong ko sa kanya ng matawa ito.

“Wala, para naman kasi ako niyang bibitayin sa daming inilagay mong pagkain sa plato ko.” Natatawa pa ring sagot nito.

“Tshh! Kulang pa nga iyan dahil ang payat mo, dapat kumakain ka ng mabuti para lumusog lusog ka naman,” sabi ko naman ng makita kong naparami pala ang takal ko sa kanin at ulam nito.

Kaya ako naman ang natawa ng makita ko itong mabilis na kumakain ng sabihin ko iyon. Ito pala ang busog na sabi nito pero halos hindi na humihinga habang ngumunguya sa sunod-sunod na subo nito.

“Pwede ka naman palang kumain ng magana, ang cute mo.” Wala sa sariling saad ko habang pinagmamasdan ko ito ng mataman.

Naiilang naman ito sa mga titig ko kaya umiwas ito ng tingin sa akin at binilisan na ulit nito ang pagsubo. Halos maubos nito ang nilagay kong kanin sa plato nito pati na ang nilagay kong ulam sa mangkok at lalo ako natawa ng hindi sinasadyang mapadighay ito kaya hindi ko na mapigilan at natawa na ako ulit ng malakas.

“Iyan pala ang hindi gutom ah,” nakangising tudyo ko rito kaya namula ito sa hiya.

“But don't worry maganda ka parin sa paningin ko.” Dugtong ko pa.

“Sa susunod magpaalam ka kung saan ka pupunta ah, para hindi ako nag aalala sayo,” sabi ko rito matapos ng ilang sandali. Pinunasan ko ang gilid ng labi nito kasi may konti pang sarsa ng adobo ang bibig nito, ngunit hindi pa iyon na aalis kaya sinipsip ko na lang ang sarsang natirang nakadikit sa labi nito.

Pero hindi ko natiis ang nararamdaman ko ng madikit ang labi ko sa labi nito. Kaya hinawakan ko ang pisngi nito at walang babala kong sinakop ng malalim ang mapupulang labi nito.

Hanggang sa lumalim ng lumalim ang halikan namin. Nakakaadik ang labi ni Helena sa totoo lang. Para itong drugs na nakaka darang at mahirap tanggihan.

Hindi naman ito nag react at nagpaubaya at tumugon sa iginawad kong halik dito.

SABIHIN MONG MAHAL MO AKO (COMPLETE) Edited VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon