Brian
KINABUKASAN, bumaba ako papuntang kusina para uminom ng mainit na kape, kasi medyo may hang over ako, dahil sa pag-inom naming magkakaibigan.
Nakasalubong ko si Helena sa may kusina kaya nginitian ko ito at sinuklian din niya ng isang mabining ngiti ang ngiti ko, habang tumatagal na nakakasama ko siya lalo lamang itong gumaganda sa paningin ko.
“Morning, Helena, kumusta ka? nakatulog ka ba ng maayos dito sa bahay?” bati at tanong ko rito kaya tumango naman ito.
“Medyo hindi, kasi nag aalala ako kay kuya, kung ano na ang kalagayan niya ngayon,” she faced with a frown of me.
“Okay, sige para hindi ka na mag alala, mamaya pagkatapos nating mag agahan ay sasamahan kita para bisitahin ang kuya mo sa hospital,” saad ko naman dito, kaya umaliwalas ang maganda nitong mukha at nawala ang lungkot sa mga mata nito.
“Salamat Brian, ahm! may gusto sana akong itanong sayo?” mahinang tanong nito at tila nagdadalawang isip kung sasabihin nito ang itatanong sa akin.
“Ano iyon ‘wag kang mahihiyang magtanong sa akin. Kasintahan mo na ako remember.” Seryoso kong saad dito kaya natigilan ito at saka ngumiti.
“Gusto ko sanang malaman kung may balita na sa nagtangkang pumatay sa K-kuya ko?”
“Wala pa, but don't worry ipinapangako ko sa'yo na hindi ako titigil hangga’t hindi natin nalalaman kung sino ang gumawa niyan sa kuya mo.” Sigurado kung sagot dito, kaya ngumiti ito kapagkuwan.
“Salamat, may isa pa pala akong ipapakiusap sa'yo.” Nag aalinlangan ulit nitong sambit.
“Ano iyon? pero doon tayo sa dining area, doon mo na lang sabihin habang kumakain tayo.” Yaya ko rito at hinawakan ko ang kamay nito at saka ko ito dinala sa dining area para kumain. At inutusan ko ang isang katulong na dalhan kami ng makakain at iyong kapeng pakay ko kanina pa sa kusina.
Nang nakaupo na kami ay tinanong ko ito sa itinatanong niya sa akin kanina.
“Gusto ko sanang idagdag mo sa utang ko sa'yo iyong ibang pinagkakautangan ni kuya. Gusto kong malinis na si kuya sa kanyang pinagkakautangan. Para kapag naka recover siya ay pipilitin kong magbago na siya at gusto kong umpisahan sa pagbabayad niya sa kanyang pinagkakautangan kung okay lang sa'yo.” Mahinahong pakiusap nito sa akin at hindi ito makatingin sa aking mga mata. Kaya pangiti ako at saka ko hinawakan ang kamay nitong may hawak na kutsara.
“Sure, no problem, basta ba magagampanan mo ang usapan natin kapag nandito sina mommy.” Pinisil ko ang malambot nitong palad.
“Oo, lahat gagawin ko para lamang sa kuya ko, kaya maraming salamat.”
“So, let's eat! Para makapag gayak na tayo bago mag nine o'clock,” sambit ko rito at binitawan ko na ang kamay nito kahit ayaw ko pa sana.
“Hmnn, sarap naman ng breakfast natin.” Magaan kong sabi habang ngumunguya, kaya napangiti ito.
“Thank you,” saad ni Helena kaya napatingin ako rito.
“Ikaw ba ang nagluto?” tanong ko rito.
“Oo, paborito ko kasi ang fried rice at itlog na may kamatis, pero sabi ni manang eh, allergy ka raw sa itlog, kaya pinagluto kita ng bacon at hotdog.” Ngumiti ito sa akin.
“Hmm, it's okay masarap nga itong fried rice na ginawa mo bagay na bagay dito sa mainit na kape,” saad ko at sabay na kaming maganang kumain.
MAKALIPAS ang kalahating oras ay, nakapaggayak na kami, hinihintay kong bumaba si Helena sa silid nito habang nanonood ako ng TV sa baba sa may sala.
Ilang minuto lang ay bumaba na si Helena, nakasuot ito nang light pink na dress na may kaunting manggas at hanggang tuhod ang haba nakalugay ang alon na buhok nito, kaya lalo itong gumanda mas bagay sa kanya ang nakalugay kaysa sa nakapusod.
Napatulala ako sa kagandahan nito, kahit simple lang ito manamit ay nag uumapaw naman ang kagandahan nitong taglay..Lumapit ito sa akin ng makababa na ito. Pinatay ko na ang TV, at tumayo na para yayain na itong umalis.
Kahit isang linggo ko na itong kasama ay hindi ko pa rin mapigilan na araw-araw ko itong purihin dahil sa ganda nito. Tulad ng gabing makita ko ito nang ipinabubogbog ko sa aking mga tauhan ang kuya nito ay talagang nakuha na nito ang aking atensyon.
Kahit sino naman talaga kasing makakakita rito ay hindi magdadalawang isip na hangaan ang maganda at maamo nitong mukha at nag uumapaw nitong kaseksihan.
Lumabas na kami ng mansyon at agad namang dumating si Victor na dala ang sasakyang sasakyan namin ni Helena, papuntang ospital, inalalayan ko itong umupo at nang makita kung komportable na ito ay sumakay na rin ako sa tabi nito.
Nginitian niya ako at nagpasalamat sa akin, dahil pinayagan ko raw itong bisitahin ang kuya nito. Inutusan ko nang paandarin na ni Victor ang sasakyan at mabilis naman nitong sinunod, ilang minuto ay nasa highway na kami at tinatahak na ang way papuntang ospital.
“Salamat, Brian,” bulong ni Helena kaya napatingin ako dito. I cleared my throat para alisin ang bara sa aking lalamunan dahil magkalapit lang ang aming mukha kaya nalalanghap ko ang kabanguhan nito.
Tumikhim ako para alisin ang bara sa aking lalamunan at kinondisyon ko ang aking sistema dahil sa nararamdaman ko kapag nakakaharap ko si Helena. Inunat ko ang aking katawan at ibinaling sa bintana ang aking mga mata para hindi ako makagawa ng pagkakasala lalo na't nandyan si Victor at baka maging saksi pa kapag hindi ko mapigilan ang pagnanasa ko sa babaeng katabi ko.
“Welcome ilang beses mo ba akong pasasalamatan, baka mamaya niyan, singilin kita sa ibang paraan kapag nagsawa na ako kapapasalamat mo sa akin.” Seryosong sabi ko habang hindi ko pa rin ito tinitingnan.
“Brian!” tawag nito sa akin pero hindi ko pa rin ito nililingon pero tumugon naman ako sa tawag nito.
“Hmmn!” Sagot ko rito.
Napabuntong-hininga naman ito at maya-maya lang ay naramdaman ko ang kamay nito sa aking magkabilang pisngi at iniharap niya ang mukha ko sa kanya.
Magtatanong na sana ako pero nawalan ako nang sasabihin ng magtama ang mga mata namin sa isa't isa.
“Kahit ano pang hilingin mo sa aking bayad ay ibibigay ko sa'yo. Dahil kung hindi dahil sa iyo ay hindi ko alam kung makakaya kong akuin ang mabigat na responsibilidad na iniwan sa akin ng kapatid ko, kaya salamat.” Mahinahong saad nito at walang babala niya akong hinalikan sa labi ko.
BINABASA MO ANG
SABIHIN MONG MAHAL MO AKO (COMPLETE) Edited Version
De TodoBLURB Walang makapagliligtas kay Helena Tañola mula sa isang bilyonaryong si Brian Spencer kundi ang sarili lamang. Dahil sa malaking utang ng kaniyang Kuya Agaston dito ay siya ang napili nito bilang kabayaran. Ulila na silang lubos sa kanilang mg...