CHAPTER TEN

15 0 0
                                    

Brian

        EIGHT o'clock na ng umaga ng magising ako. Medyo masakit ang ulo ko. Nagtaka pa ako kung nasaan ako, kaya inilibot ko ang aking paningin nang may umungol sa aking tabi. Kaya napabaling ang tingin ko sa katabi ko at nakita ko ang magandang mukha ni Helena. Nagtataka pa ako kung paano ako nakapasok sa silid nito at pumikit para alalahanin ang nangyari kagabi.

Naiminulat ko ang aking mata at napakurap bago ako napabuntong-hininga at saka ngumiti habang hinahaplos ko ang pisngi ni Helena. Malalim yata ang tulog nito kasi hindi ito nagmulat ng mga mata. Maya-maya ay naalimpungatan ito at gulat na napabangon, saka mabilis nitong hinawakan ang noo ko, kaya napangiti ako.

“Salamat naman at wala ka ng lagnat. May masakit pa ba sa’yo? Ano ba ang nangyari sa'yo kahapon at nagkasakit ka?” sunod-sunod na tanong nito kaya inilagay ko sa labi nito ang aking hintuturo at pinatigil ko ito sa katatanong.

“Sshh!! Isa-isa lang, para alam ko kung ano ang uunahin kong sabihin sa'yo.” Putol ko sa ano pa mang sasabihin nito.

After kung pakatitigan ito ay sinasabi ko rito kung ano ang nangyari sa akin kahapon.









































PAGKAHATID ko kay Helena sa ospital ay dumiretso ako sa Casino, agad akong sinalubong ni Conor at saka niya ako sinamahan sa office ko, dahil nandoon na raw naghihintay sa akin si Mr. Ramirez kasama ang sekretarya nito.

Pagkarating namin doon ay agad kaming nagkasundo sa pagpa-franchise sa Vigan kaya niyaya ako nitong tingnan ang lugar kung saan niya iyon itatayo. Pinuntahan namin ng umaga rin iyon ang lugar.

Isang oras lang ang biyahe namin gamit ang aking private plane ay agad kaming nakarating sa Vigan City. Maganda ang Vigan malawak at may mga established na ang mga nakatayo roon at marami na ring tao.

Maganda nga ang magtayo roon ng Casino dahil malawak, habang nag uusap-usap kami ay bigla na lamang umulan ng malakas. Nakapagtataka nga lang dahil maganda naman ang panahon kanina.

Dahil wala pa naman masisilungan at medyo napalayo kami sa private plane na dala ko ay nabasa kami ng ulan. Dahil sa nangyari ay nagyaya na lang akong umuwi para naman maabutan ko pa si Helena, dahil na mimiss ko na ito, kahit saglit pa lang kaming hindi nagkita.

Maaga pa naman, kaya nakabalik kami agad akala ko ay masusundo ko pa si Helena. Ngunit nag iiba na ang pakiramdam ko dahil basang basa na talaga ako ng ulan at hindi ako makapagsalita dahil biglaan lang ang aming alis kaya hindi ako nakadala ng pamalit. Kaya nang makarating kami sa Casino Royale ay nagpahatid na agad ako kay Conor sa bahay, dahil medyo nahihilo na ako at hindi ko na kaya pang magmaneho at para na rin makapagpahinga ako bago dumating sina Helena. Hindi na rin ako dadaan sa ospital at alam kung hindi naman ito pababayaan nila Rigor.

Pagkatapos kong makaligo at makapagbihis, galing Vigan ay iidlip muna sana ako, kaya lang maya-maya lang ay dumating na sina Helena, kaya pinilit kong salubungin sila, kahit masama na ang pakiramdam ko ng mga oras na iyon. Pero hindi ko iyon hinayaang makita ni Helena, dahil ayaw kong makitang mag alala pa ito sa akin.

Malungkot pa rin ang mga mata nito, ngunit maaliwalas naman ang ngiti nito lalo na ng makita niya akong nag aabang sa kanila sa labas ng mansyon.

Kinausap ko muna saglit si manong Victor, kung okay naman ang pagbabantay nito kay Helena at ng masigurado kung okay naman ang lahat ay pinauwi ko sila ni Rigor at saka naman ako lumapit kay Helena na nakangiting binati ko.

“Kumusta ang maghapon mo sa ospital?” tanong ko kahit medyo lumalabo na ng kaunti ang tingin ko rito, dahil sa tumitinding kirot ng ulo ko, pero hindi ko pa rin iyon pinahalata rito.

SABIHIN MONG MAHAL MO AKO (COMPLETE) Edited VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon