CHAPTER FOUR

23 0 0
                                    


Helena

 
        NAKAHINGA ako ng panandalian nang makaalis ito patungo sa itaas. Napalunok ako, dahil patuloy kasing nag rereply sa utak ko ang ibinulong nito, bago ito umakyat sa taas; ‘Mag i-enjoy daw kami mamaya na walang pahinga,’ kaya ipinilig ko ang ulo ko para maalis na ito sa utak ko. Kung wala lang talagang utang ang kapatid ko sa kanya ay hindi na niya ako makikita pa.

Bumalik sa aking isipan ang napag-usapan namin ng gabing pinuntahan ko ito sa kanyang Casino ng matapos ang mainit na tagpo namin. Aaminin kong nadarang ako sa mga ginawa niya sa akin. Kaya ng humupa ang init na nararamdaman ko ng gabing iyon ay magmamadali na sana akong aalis, dahil saka ko lang naramdaman ang kahihiyan sa ginawa namin ng matapos ang tagpong iyon.

Kaya upang matakasan ito ay iyon na lang sana ang gagawin ko ang tumakbo, ngunit hinawakan nito ang kamay ko at pinigilan ang pag-alis ko sana, pero binitiwan din naman niya ako ng makita niya ang mukha ko. Muli niya sana akong hahawakan kaya lang ay agad akong lumayo rito. Akala ko ay may gagawin na naman siya sa akin, pero may ibibigay lang pala ito sa akin na isang cellphone at isang calling card. Napahiya naman ako sa ginawi ko ngunit kinuha ko pa rin ang ibinibigay nito at walang sabi-sabi akong lumabas agad sa gusaling iyon.

Napaupo ako nang wala sa oras nang makita ko itong pababa na naman ng hagdan. Nakapagbihis na ito ng hindi ko namamalayan, dahil matagal pala akong napatulala kakaisip ng tagpong iyon. ‘Ang bilis naman niyang makapagbihis?’

Tumikhim ito at tumawag ito ng maid na agad naman may lumabas sa kung saan at sinabi rito na dalhin ang aking bag sa isang guest room sa taas. Isa rin iyon sa nakasulat na nakapaloob sa messenger sa cellphone na ibigay niya sa akin.

Ang aking maliit na maleta ay naglalaman ng aking mga damit.
Dahil isang linggo nga akong mag i-stay sa bahay na iyon.

Nagpaalam naman ako kay Kuya Agaston na may rakit ako sa Maynila na ini-offer sa akin ng isa kong amo at ang paalam ko rito ay mawawala ako ng isang linggo. Mabuti na lang ay naniwala ito na ipangdadagdag ko ang pera na makukuha ko sa pambayad niya sa utang, mabuti na lang at hindi na ito nagtaka kung bakit hindi na ito sinisingil ni Mr. Spencer.

Umupo naman ito sa tapat ko at inanyayahan din akong nitong maupo, mabuti naman at nangangalay na ako katatayo.

“Iyan na ang kontrata na hinihingi mo; Matalino ka rin pala, kaya sige ito na ang kasulatan na pagkatapos ng isang linggo sa piling ko ay hahayaan ko na ang kapatid mo at ikaw at hindi ko na kayo guguluhin pa, kapag nakuha ko na ang gusto ko sa iyo.” Mahabang lintaya nito, na patingin naman ako sa file na hawak nito at iniabot ko iyon upang basahin. Nanginginig kong pinirmahan ang kontrata matapos kong mabasa ang nilalaman niyon.

Ito na ang simula nang pagbabayad ko sa kanya, mabuti nalang at pinagpahinga muna niya ako sa kwarto na ibigay niya sa akin. Pinasamahan ako nito sa isa sa mga maid upang makapaghanda ako, para sa tanghalian mamaya. Dito na kasi ako mamalagi hanggang sa matapos ang isang linggo, ayon sa napag-usapan namin ng lalaki na si Brian pala ang pangalan. Nalaman ko ito ng pormal kaming nag kamayan kanina ng permahan ko ang kontrata.

Kahit mabigat sa loob ko ay kaya kung magtiis alang-alang lang sa kuya ko. Pero sana ito na ang huling maging utang na babayaran ko, dahil sa pagkalulong ni kuya sa sugal. At sana hindi ko ito pagsisihan sa bandang huli.








































INILAPAG ko na ang maleta ko sa kama, matapos akong iwanan ng maid na naghatid sa akin sa magiging silid ko, binuksan ko na ang maleta at naglabas ako ng isang short at isang t-shirt na kulay pink at inilagay ko ito sa kama. Sinara ko na ang aking maleta, dahil mamaya ko na lang ito isasaayos, dahil maliligo muna ako kasi isang oras din ang byahe ko kanina, binuksan ko na ang pintuan ng banyo at pumasok doon.

Matapos maligo ay nagsuot na ako ng inilabas ko kaninang damit at lumabas ng kwarto at tumungo sa kusina para kumain. Super gutom na ako, kaya kailangan ko ng makakain. May maid na naroon, may edad na ito ngunit malakas pa rin, nahihiya akong humingi ng makakain dito pero hindi ko na mahihintay talaga si Mr. Spencer este si Brian pala, dahil narinig ko ito kanina bago ako maka-akyat sa hagdanan na may tumawag rito at sinabi nito sa tumawag na hintayin daw ito at papunta na.

“Gusto mong kumain, ining?” tanong ng maid na naabutan ko sa kusina tumango naman ako rito. Ang tanging laman lamang ng aking tiyan kanina ay mainit lamang na kape at tinapay.

Humugot ako ng stool at umupo habang inilabas niya ang aking makakain. Sinenyasan ako na magsimula ng kumain. Mechado at Juice ang ulam na nakahain sa hapag kainan, kaya ngumiti ako sa aking sarili at nagsimula na akong kumain nang magana.

Samantalang huminto naman ito sa paglilinis at tumabi sa akin. Tiningnan niya ako ng maigi at hindi man lang umaalis sa mukha ko ang tingin nito, binuka nito ang bibig upang magtanong siguro sa akin, ngunit na antala ito ng may tumawag sa telepono.

“Excuse me ining, ah! Kain ka lang diyan. Sasagutin ko lang ang tumawatawag. Pero ako nga pala si Aling Melba ang mayordoma ng mansyon na ito.” Pakilala nito at nagmadali na itong lumabas ng kusina, nakahinga naman ako ng maluwag, kasi hindi ko na kailangan sagutin ang mga itatanong nito sa akin, alam kung tatanungin nito ako kung bakit ako nandito o kung kaano-ano ako ni Brian.

























































Brian

“SIGURADO ka ba sa sinabi mo? Bakit ’di mo man lang nailigtas?” sigaw ko sa isa kong tauhan.

“Pasensya na sir, nalingat lang ako dahil ihing ihi na ako, kaya hindi ko agad nakita na babarilin siya.” Nakayukong sagot naman nito sa akin, kaya naikuyom ko ang mga kamao ko.

“Wala na tayong magagawa, nangyari na ang dapat mangyari, ’wag ka lang titigil sa paghahanap ng ebidensya kung sino ang gumawa nito sa kapatid ni Miss Tañola. Maliwanag?” sambit ko dito at tumango naman ito. Pinaalis ko na ito at pinabalik sa pinangyarihan ng krimen.

Nagmadali akong makaalis sa bahay ng tumawag ang isa kong tauhan na inutusan kong bantayan ang kapatid ni Helena, sa ospital. Para hindi ito makakalap ng perang pambayad nito sa akin. Para walang rason ito para hindi matapos agad ang kontrata na napagkasunduan namin ng kapatid nito.

Pinababantayan ko na ito ng malaman ko na nanganganib ang buhay nito ng pa-imbestigahan ko ang background nito noong pinapahanap ko ito para singilin. Ilang ulit na pala itong nakakatanggap ng death threat sa mga pinagkakautangan nito. Na settle naman agad, dahil naibigay naman ni Agaston ang kalahati na utang nito, pero matagal na ring hindi pa nababayaran ang kulang nito, kaya ilang beses din itong nakatanggap ng banta. Hindi alam ni Helena na bukod pa sa binabayaran nito na may iba pa pala itong mga utang.

Kaya ang masamang balita na ibinalita sa akin ng tauhan ko ay hindi ko alam kung matatanggap ito ni Helena. Hindi man magandang isipin ito, pero mabuti na rin na nangyari ito dahil wala na atang pag-asang mag bago ang kapatid ni Helena.

Ang inaalala ko ay si Helena, mahirap mawalan ng mahal sa buhay, alam ko iyon dahil naranasan ko na iyon. Kasalukuyan naka-confine ang kapatid nito sa ospital na na comatose dahil pinagbabaril ito at natamaan daw sa dibdib ng ilang beses at binanggaan pa ito, sanhi ng pagkabagok ng ulo nito sa semento.

Sa ngayon ay pinapahanap na ng mga pulisya ang bumaril kay Agaston. At ngayon ay pauwi na ako sa mansyon upang ibalita ito kay Helena. Ngunit nang makarating ako roon ay wala ito roon at nagmamadali raw itong umalis habang umiiyak sabi sa akin ni Manang Melba sa akin.

SABIHIN MONG MAHAL MO AKO (COMPLETE) Edited VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon