CHAPTER SEVEN

17 0 0
                                    

Brian

       MAAGA akong umalis matapos kong bilinan si manang Melba, na ‘wag papalabasin si Helena, kung hindi rin lang sa ospital ito pupunta. Kasalukuyan akong nasa kompanya dahil may itinawag sa akin ang aking sekretarya na may kaunti raw na problema sa office. Iyon ang rason kaya alas sais pa lang ay umalis na ako sa bahay.

Pinindot ko ang intercom na nakakonekta sa lahat ng telepono sa loob ng building ng kompanya ko at ilang saglit lang ay may boses na nagsalita sa kabilang linya.

“Yes, Sir?” sagot nito.

“Kailan ba ang appointment ko sa mga devtech bukas?” tanong ko.

“Seven o'clock ng hapon, Sir?”

“Alright, fax me a detailed report of their company and where's the documents for the Flordinio bargain?”

“I'll fax them to you, now sir!” nauutal na sagot sa akin ni Vina, my secretary.

“Isama mo na rin iyong pinag-meetingan natin noong nakaraang araw!” galit na saad ko at naiinis na hindi ko na hinintay pa ang isasagot nito.

Sinimulan ko nang suriin ang mga dokumento na dapat kung pirmahan, habang hinintay ko ang result sa itinawag sa akin ng secretary ko para pumasok ako ngayon ng ganito kaaga, hindi ko man lang tuloy nasilayan ang magandang mukha ni Helena, bago ako pumasok sa trabaho.


















































HALOS bente minutos na lang ay oras na ng uwian, ngunit hindi pa ako tapos sa kalahati ng aking trabaho.
Sa ngayon ay kakailanganin ko pa rin manatili sa opisina hanggang sa matapos ko ito.

Iaabot ko na sana ang intercom para pag-overtime-in ko na ang secretary ko, pero natigil ang pagpindot ko roon ng may isang palad ang humawak doon at isang malalim na boses ang nagsalita, kaya napaangat ako nang tingin sa kung sino man ang herodes na ito.

“Kanselahin ang lahat ng mga tawag ni Mr. Spencer, ayusin sa ibang araw, para sa kanyang mga appointment at ihanda ang kanyang sasakyan. Aalis na kami ngayon. Maliwanag!” utos ng lalaking umagaw ng telepono sa akin.

“Damn Rex, anong ginagawa mo?” sita ko sa lalaking pasaway na ito.

“This is Forex Speaking, do as I say!” sabi ni Rex.

“Yes, Mr. Clemente,”

Saka naman nito tinaas ang palad mula sa intercom matapos makuha ang sagot ng sekretarya ko.

“Huwag mong sundin ito, Vina,” sabi ko, ngunit patay na ang intercom, kaya napasimangot ako kay Rex na umupo na sa katapat, kung saan ako naka-upo, habang a nakangising aso pa itong nakatingin sa akin.

“Sorry ka, Brian. Mas mahal ako ni Vina, kaysa sa iyo,” nang-aasar pa ito ng sabihin iyon sa akin, kaya lalong nag salubong ang kilay ko.

“Hindi mo kailangang gawin iyon, alam mo naman na marami akong dapat gawin para sa kompanya ko, bukod sa Casino na hawak ko,” daing ko at napasandal sa swivel chair ko.

“Ang pagpapaka subsob mo sa trabaho ng maraming taon mula nang mamatay si Cristina?” nakataas kilay pa na bara nito sa sinabi ko.

“Huwag mong ipasok sa usapan natin si Cristina dito, dahil matagal na siyang nanahimik.” Napipikon na saad ko naman dito.

“Damn! I can't help it. Ayaw namin na mamatay ka sa nakasubsob sa trabaho, kung pananatilihin mo ito.” Napipikon na rin ito. Sasagot na sana ako ng may mga pumasok sa opisina ko na iba pang mga asungot.

SABIHIN MONG MAHAL MO AKO (COMPLETE) Edited VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon