CHAPTER FIVE

21 0 0
                                    


Helena

       
       HINDI na muling bumalik pa si Brian kaya nauna na akong kumain, mabuti nalang at hindi na ako inusisa pa ni Aling Melba, matapos itong bumalik ng sagutin nito ang telepono. Kaya nagpaalam na ako rito na aakyat na muna sa taas matapos kung hugasan ang kinainan ko, hindi sana ako nito pahuhugasin pero ayoko namang mag astang bakasyonista sa bahay na ito.

Ang papel ko ay bayaran ang pagkakautang ng kapatid ko sa amo nila at hindi kasama roon na magbuhay prinsesa ako rito kasama ng Brian na iyon.

Aakyat na sana ako sa taas kung saan nandoon ang kwarto ko nang madaan ko ang maid quarters na katabi lang ng dirty kitchen kung saan ako kumain kanina. Narinig ko ang isang masamang balita sa nakabukas na television sa isa sa silid ng katulong na naroon.

Bigla na lang tumulo ang luha ko ng makita ko ang taong nasa balita na pinagbabaril at binanga raw ng hindi nakilalang lalaki na nakasakay sa motorsiklo. Tatlong oras na iyong nakakalipas kaya actual na lang sa CCTV video ang ipinakita dahil minadali raw nilang dalhin ang biktima sa ospital sa Taguig, dahil sobrang malubha ang tinamo ng kuya ko.

Ilang saglit din akong natulala, kung hindi pa ako tinapik ng isang maid sa balikat ko sa kinatatayuan ko ay hindi pa sana ako makakilos. Hindi ko na sinagot ang tanong ng maid na kung “Okay lang ba raw ako?”

Dahil nag madali na akong pumanaog sa taas at kinuha ang cellphone at wallet ko, para puntahan ang kapatid kong nasa ospital ngayon. Walang lingon-lingon akong agad lumabas ng Mansyon at hindi na nagpaalam pa kahit pa tinatawag ako ng mga katulong na naroon.

Makalipas ang isang oras ay nakarating ako sa hospital kung saan naka confine ang kuya Agaston ko. Nagtubig naman agad ang mga mata ko ng makita kong nakaratay si kuya na may kung anu-anong aparato ang nakakabit dito, kaya humagulgol agad ako ng iyak habang yakap-yakap ko si kuya Agaston.

Maya-maya lang ay may pumasok sa ward na iyon na isang doktor kaya agad ko itong nilapitan at tinanong.

“Doktor, kumusta po ang kapatid ko magiging okay po ba siya?” tanong ko sa pamamagitan ng aking pag-iyak.

“Ikinalulungkot ko Miss, but nacomatose ang kapatid mo, dahil sa lakas ng pagkakabagok ng ulo nito sa kalsada at naapektuhan ang puso nito. Dahil sa tatlong balang tumama rito sanhi ng pagtigil ng pagtibok ng puso nito, kaya sa ngayon ay ang life support at oxygen tank na lang ang mga bumuhay sa ugat at sa puso ng kapatid mo. Panalangin mo ng maigi ito sa itaas dahil himala na lang ang kakailanganin ng kapatid mo para mabuhay. Hangga't hindi pa tayo nakakakuha ng heart donor, dahil hindi na mapapakinabangan ang puso ng kapatid mo. Dahil na damage ito ng husto. I'm sorry about that, miss. I have to go at marami akong pasyenteng pupuntahan.” Tapik nito sa balikat ko bilang pakikipagsimpatiya nito sa akin bago niya ako iwanan.

Dahan-dahan naman akong nanghina sa mga narinig ko, awang awa ako sa kapatid ko at galit na galit sa mga taong gumawa nito sa kanya. Kahit na malaki ang pagkukulang nito sa akin bilang kapatid ay hindi nito deserve na mangyari ang lahat ng ito. Pwede naman sana pinakulong na lang nila ang kapatid ko kung pinagkakautangan nito ang gumawa nito, kaysa nasa ganito itong sitwasyon, tao lang din ito kaya may karapatang mabuhay at magbago.

Kung alam ko lang na mangyayari ito sa kanya, sana hindi ko na lamang muna ito iniwan. Sana naki-pag-jamming muna ako sa kanya. Sana hindi ko siya pinursige na maghanap ito ng pera para makabayad agad kami sa mga pinagkakautangan namin. Sana hinayaan ko na lang na ako na lang ang gumawa ng paraan para rito. Sana hindi ko pinairal ang galit sa puso ko, sana nasabi ko man lang dito na kahit gano’n ito ay mahal na mahal ko siya. . .maraming sana pero, hindi na nito maibabalik ang nangyari sa kapatid ko. Wala akong kwentang kapatid wala man lang akong nagawa para tulungan ito.

SABIHIN MONG MAHAL MO AKO (COMPLETE) Edited VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon