Helena
KINABUKASAN ay maaga pa rin akong nagising, kahit hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa nangyari kagabi. Kung pwede lang sana ay panaginip na lang ang lahat ng iyon, pero alam kong mahihibang lang ako kapag iisipin ko na ganoon lang iyon.
Kahit masama ang loob ko sa kapatid ko ay pinagluto ko pa rin ito ng agahan dahil balak kong kausapin ito kung totoo ang mga sinasabi ng lalaki kagabi sa amin.
Kalahating oras lang ang lumipas ay nagising na ang kapatid ko na bakas pa rin ang mga bugbog nito sa mukha at katawan kasi nakahubad baro ito, hinubaran ko kasi ito ng linisan ko ang mga sugat nito. Kaya hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin na bihisan pa kagabi dahil nagagalit pa rin ako rito.
“Kumain ka na at may pag-uusapan tayo!” madiing sambit ko habang padabog ko itong pinaghahainan ng makakain.
Hindi naman, ito makatingin sa akin dahil, siguro naalala na nito ang nangyari kagabi. Pagkatapos nitong kumain ay nilapitan ako nito at sinuri ng maigi, tinitingnan siguro ako nito kung may ginawang masama sa akin ang mga lalaki kagabi. Itinulak ko naman ito at seryosong tinanong.
“Totoo bang may utang ka sa lalaking iyon kuya?” nag titimping tanong ko rito, kahit na mas matanda pa ito sa akin ay hindi ako nangingimi ngayon na ipakita na nagagalit na talaga ako rito. Hindi lang kasi iisang beses na nangyari ang ganitong sitwasyon kaya lang ay mas malala ngayon, dahil malaking halaga na ang pinag-uusapan dito, dahil lang sa pagsusugal nito na matagal ko ng sinasabi ritong walang magandang maidudulot ang pagsusugal nito sa kanya.
“’Di ko naman sinasadyang magkautang sa kanya na gipit lang ako.” Mababang sagot nito.
“Ah! na gipit ka lang! O baka naman natalo ka dahil sa pagsusugal mo? kaya ngayon nagkautang ka ng ganyang kalaking pera? Alam mo bang malaking halaga na iyon kuya, tapos nilalang mo lang,” naluluhang sumbat ko sa kapatid ko.
“Hindi ba sabi ko sa iyo, kuya, matagal na! Na Tigilan mo na ang pagsusugal mo dahil walang magandang maidudulot iyon sa atin. Pero ilang beses mo na bang ginawa ito kuya? Hindi ba hindi lang iilang beses, kuya! Maraming beses na, pero pinalampas ko lang kasi na gagawan ko ng paraan at dahil mahal kita, pero ngayon kuya 'di na ito biro. Saang kamay ng Diyos natin kukunin ang ibabayad natin sa lalaking iyon. Kuya sana nag isip ka ng ilang libong beses bago mo ito ginawa ulit.” Mahabang sumbat nko rito habang umiiyak na.
“S-Sorry bunso, hindi ko sinasadya hayaan mo gagawan ko na lang ng p-paraan.” Nakayuko lamang na saad nito sa akin.
“Sorry! Puro ka na lang sorry. Iyan na lang lagi ang sinasabi mo sa akin, ako naman itong tanga mong kapatid lagi kang pinag pagbibigyan, kuya nakakasawa na alam mo bang gusto na kitang sukuan! Pero hindi ko magawa dahil mahal kita, pero sobra ka na kuya!” Nahikbing sumbat ko na rito at hindi ko na napigilang umiyak ng malakas.
“S-Sorry, talaga bunso, sorry!”
Katahimikan ang namayani ng mga oras na iyon at puro lang sorry ng kapatid ko ang maririnig sa mumunting kusina namin. Maya-maya lang ay nagsalita ulit ako matapos kung maiiyak ang sama ng loob ko sa kanya.
“A-Alam mo bang may mas m-madaling paraan para mabayaran ko ang pagkakautang mo!” Nauutal na saad ko sa kapatid ko. Kaya napaangat naman ito ng tingin at hinintay na sabihin ko ang paraan na sinabi ng lalaki kagabi.
“A-Anong paraan!” Namimilog ang matang tanong nito sa akin na parang bang nabigyan ng pag-asa ang problema nito.
“Isang linggo sa piling niya, kapalit ng utang mo at kapag pumayag ako hindi ka na niya raw ipakukulong! Ano kuya maaatim mo bang ako ang kapalit dahil diyan sa bisyo mo? Ah! Kuya?” nanunumbat na tanong ko rito at lumuluhang tiningnan ko ito ng hindi kumukurap. Yumuko na lamang ang kapatid ko at hindi makaimik dahil sa kagagawan niya ay mapapahamak ako, sana noon pa siya tumigil sa bisyong kay tagal na hinihingi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
SABIHIN MONG MAHAL MO AKO (COMPLETE) Edited Version
RandomBLURB Walang makapagliligtas kay Helena Tañola mula sa isang bilyonaryong si Brian Spencer kundi ang sarili lamang. Dahil sa malaking utang ng kaniyang Kuya Agaston dito ay siya ang napili nito bilang kabayaran. Ulila na silang lubos sa kanilang mg...