[MIRANO RESIDENCE]
Habang nag-aayos ako ng cabinet ko, panansin ko yung kahon na binigay sa akin ni Tita Liza. Kung maaalala nyo, doon lahat nakalagay yung mga bagay na binibigay niya sa akin pero tinanggihan ko naman lahat na gamitin. Meron doong hikaw, sapatos na estelleto, fit na blouse at skirt na nasa plastic, make-up at shoulder bag.
Naalala ko yung sinabe ni Tita na sana man lang daw, makita niya isang araw na sinuot ko yung mga binigay niya sa akin. Kaya para di naman sumama yung loob niya, nag-decide ako na gagamitin ko ang mga iyon (except sa estelleto shoes) bukas pag pasok ko sa school.
❤️❤️❤️
[5:15 am]
Maaga akong nagising... Maaga akong kumain, naligo at nagbihis kaya lang.... bigla akong napatitig sa make up ni Tita...
Napatingin ulit ako sa relo. 6:00 am na. Pero okay lang. Maaga pa naman 9:30 am naman ang time ko eh.
CYRUS: Insan, sasabay ka ba samin??
SOPHIE: Di na, Cyrus. Mauna na kayo ni Cyroan.
CYRUS: Sige, ingat ka na lang sa pagko-commute, Insan.
SOPHIE: Sige, kayo rin.
...
(Unti-unti nang tumatahimik sa labas. Nakaalis na siguro sila.
Siguro, nagtataka kayo kung bat bigla akong nagpaiwan. Actually, nagpaiwan ako kase gusto kong i-try yung make up ni Tita. Kaso di nga pala ako marunong. Nung mga nakaraang araw naman, iba yung nag-make up sakin. Paano nga ba to gamitin?
Hmmmmm....)
[ONE ETERNITY LATER]
HALAAAAA!!!! MALE-LATE NA AKO!
(Di ko na namalayan yung oras. Wahhhh!
Habang nasa biyahe ako, napansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao. Nagbubulungan sila tapos parang bigla na lang matatawa. Anong problema ng mga yun??
Traffic din kaya dumating na ako sa school nang 9:25 am. Dali-dali na akong naglakad papunta sa classroom. Pagpasok ko ng classroom, nandoon na nga si prof. Bigla namang nagtinginan sakin yung mga kaklase ko. Karamihan sa kanila e nagpipigil lang sa pagtawa. Dire-diretso naman ako sa pag-upo sa bakanteng upuan sa likuran. Napatingin din sakin yung prof. namin.)
PROF.: Miss Laviña, are you okay?
(Lalong napatawa yung mga classmates ko.)
SOPHIE: Yes po, sir. Bat nyo po... natanong?
PROF.: Um, hindi ba parang... masyadong makapal yung make up mo??
SOPHIE: Okay lang po yan, sir. Ganyan po siguro yung mga bagong labas ngayon na make up, matitingkad kaya makapal po tignan.
PROF.: Ah, okay. Di kase ako aware. Sorry ah.
(Lalo na naman silang nagtawanan.)
PROF: Okay, guys. Tama na yung tawanan. Let's start....
(Kahit ganun yung sinabi ni Sir, nakikita ko yung ibang classmates ko na pasimple pa ring natatawa. Laughtrip yung mga classmates ko ngayon ah. Ano ba tong pinasok ko, comedy show?)
❤️❤️❤️
Pagkatapos ng klase ko, ganun pa rin ang senaryo, natatawa pa rin yung mga makakasalubong ko. Ano bang problema nila sa make up ko e maganda naman??
Nakita ko naman yung kambal, si Shayne at si Hayley na nag-uusap habang nasa gitna ng field.
SOPHIE: HI GUYS! (Bati ko.)
BINABASA MO ANG
DEAR MR. KUPIDO: A Tug-of-War Edition (Tagalog Love Story)
Teen FictionSophie is just an average girl with simple life. Until one day, she finds herself caught in a complex love triangle between two popular guys at her university. She must choose which man has genuinely captured her heart after experiencing both love a...