Biglang nag-ring yung phone ko. Tumatawag pala si Mama.
...
Pagkatapos kong sagutin yung tawag niya, napapaisip tuloy ako sa kung anong dapat kong gawin.
Habang naglalakad ako sa may tabi ng kalsada, sobrang lutang ng utak ko. Wala akong maisip na magandang paraan. Anung gagawin ko? Sasabihin ko ba kay Tita yung napag-usapan namin ni mama? Halaa, di ko alam..
[SHAYNE: Sophie]
[SHAYNE: Sophie]
SHAYNE: Hey.
(Napatingin ako sa harapan ko at nakita ko si Shayne.)
SOPHIE: Ikaw pala.
SHAYNE: Are you... okay?
SOPHIE: Umm, oo naman..
(Tinignan nya ako tapos ngumiti sya.)
SHAYNE: Alright then. Come on.
(Hinawakan niyang yung kamay ko at hinila niya ako na parang dadalhin nya ako kung saan. Kaya lang, pinigilan ko sya.)
SOPHIE: San mo ba ako dadalhin?
(Tinuro niya yung hamburger stall na nasa tapat lang namin.)
SHAYNE: We're gonna eat.
SOPHIE: Kulang na budget ko, sa susunod na lang siguro.
(Ngumiti siya.)
SHAYNE: Don't worry. It's my treat. Come on.
SOPHIE: Teka, sandaleeee!
(Hayun, wala na akong nagawa.)
❤️❤️❤️
[ANGIE'S BURGER]
Pagkatapos ng ilang minuto, dumating si Shayne dala yung mga inorder naming pagkain at binigay na nya sakin yung hamburger na inorder ko. Kinain na niya yung kanya tapos kinain ko na rin yung sakin. As in wala munang kibuan. Habang nakain ako, isip pa rin ako nang isip.
SHAYNE: Thanks goodness. Now, I'm full.
(Mukhang okey na siya sa kinain niya. Ubos ko na rin yung hamburger ko kaya lang wala pa rin ako sa mood makipag-usap sa kanya. Nagpatuloy naman siya sa pagsasalita gamit ang seryosong boses.)
SHAYNE: SO... can you tell me now what's going on?
SOPHIE: Uhmm, w-wala... wala naman.
SHAYNE: Come on. I know you. It looks like something has been bothering you, and it's written on you face.
(Napatingin ako sa kanya.)
SHAYNE: I'll listen.
(Si Shayne, alam niyang may problema ako.)
SOPHIE: Ano kase... Tumawag yung mama ko sakin kanina. Akala ko nung una, kinakamusta lang talaga niya ako. Pero meron na palang problema. Si mama kase, na scam siya.
SHAYNE: What?? But how?
SOPHIE: May nagpakilala sa kanyang investment company. Dahil sa taas ng interest, na-convince yung mama ko na mag-invest sa kanila. Sa una, wala namang naging problema. Kase naibalik ng investment company yung perang ininvest niya na may kasamang interest. Dahil don, lalo siyang napaniwala na legit yung company. Nasilaw siya sa taas ng interest na inoffer sa kanya. Kaya ang ginawa niya, isinanla niya yung titulo ng lupang tinatayuan ng bahay namin sa probinsya sa isang bangko sa halagang 100k. At hindi lang yun, mangutang pa siya sa mga kakilala niya. Lahat ng perang yun e ininvest niya sa investment company na iyon sa pangalawang pagkakataon. Kaya lang nung payout na, di na mahagulap yung admin ng investment company na iyon. Mamomoroblema tuloy ngayon sila sa bahay.
BINABASA MO ANG
DEAR MR. KUPIDO: A Tug-of-War Edition (Tagalog Love Story)
Teen FictionSophie is just an average girl with simple life. Until one day, she finds herself caught in a complex love triangle between two popular guys at her university. She must choose which man has genuinely captured her heart after experiencing both love a...