Chapter 13 ─ Selosan?

130 2 1
                                    

LYZA's POV

Normal na araw lang 'to sakin. Teka.....

Yung sinabi ni Ivan.

Ano kaya mangyayari ngayon?

1 New Text Message.

From: Ivan

Same place as yesterday, janitor's closet.

--

"Oh aalis ka na anak?" sabi sakin ni Daddy.

"Opo dad."

"Sige, mag-ingat ha?"

Napapag-isip ako kung sinabi ko kaya kina daddy? Yung threat niya? Kaso, hindi. Di pwede.

Pumasok na ako, nagpadrive kay Manong. Pagpasok ko, wala pa si Ralph. Wala rin akong natanggap na kahit anong text sakanya ngayon.

"Halika dito!" sabi ng isang tao na hinihila ako. Nung tinignan ko si Ivan yun.

"Ano ba. Wag kang excited!!" hinila nya parin ako papasok dun sa Janitor's closet.

"Lyza. Kailangan mong hawakan kamay ko. Gusto ko ganun. Tyaka, hinding hindi mo papansinin si Ralph. Bawat kamali mo, may kapalit. Kapag naka LIMA ka naman, bye bye Ralph na."

"Papansin. Gagawin ko 'to basta hindi mo gagalawin mga kaibigan ko, pamilya ko, lalo na si Ralph."

"If you want to save him edi umiwas ka!!"

"But.. can i talk to him sa practices ng Mr. and Ms. ?"

"You can talk to him, holding my hand."

"Just please.... never hurt him."

"Okay. Tara labas na tayo? Pag labas natin. The agreement will start."

Hindi pa ako sumasagot sakanya pero hinila nya na ako palabas.

"Ayaw mo ha." lumabas kami tapos pinunta nya ako sa gitna.

"Guys!! Attention!!" teka teka..... anong ginagawa nya?!

"Guys! Mahal ko po si Lyza Generoso! Mahal na mahal ko po..... ang GIRLFRIEND KO."

Nagbulungan yung iba. Yung iba din naman nag-aayie, kinikilig or kundi naman pumapalakpak.

"Grabe... ang swerte nung babae."

"Diba?!!!! Sya yung girlfriend ni Ralph!! Nakipagbalikan lang sakanya kahapon!"

"Ang landi naman!"

Hinawakan nya yung kamay ko tapos sinimulan na namin maglakad. Nakarating kaming dalawa sa floor ng mga juniors. Habang naglalakad, nasalubong namin sila Wilson,Tony at Lance.

Wala si Ralph

Tinakpan ko nalang mukha ko. Nahihiya ako. Pero sumunod nalang ako.

Mas mabuti nang ako nalang mahirapan...

Nung nasa hallway na kami, andun si Kryzzel at Ralph na magkasama. Tumatawa pa nga eh.

Yung ngiti ni Ralph... mawawala lang kapag nakita nya kami. Nasasaktan ako sa ginagawa ko.

"Ivan. Dun nalang tayo sa baba!"

"Sakto oh, nanjan siya."

"Ivaan!!" sinubukan kong magpumiglas pero hinila nya pababa kamay ko.

Dinaanan namin sila Kryzzel at Ralph sa harap lang nila.

Umiwas na ako ng tingin.

"L-lyza?" narinig kong sinabi ni Ralph.

Unexpected Love ♥ (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon