Nagulat siya nang makita ang binata. Wala siyang makita na rason para gawin ito ng lalaki.
Hindi niya gusto na may ibang humahawak sa kaniya, kahit siya ay walang maipaliwanag na rason kung bakit. Dahil sa pagkabigla ay gumalaw ang kaniyang paa at tinuhod ito sa tiyan bago sinipa.
Nakakapagtaka lang at wala itong naging daing, na parang hindi ito nasaktan sa ginawa niya. Hinayaan lang nito ang sariling matumba. Akala niya ay titigil na ito, ngunit nagsalubong ang kilay niya nang makitang dahan-dahan itong tumayo.
"The fuck is this kid? Is he mute?"
Hindi niya makita ang mukha dahil bahagya itong nakayuko. Muli itong humakbang palapit sa kaniya. Gaya ng ginawa niya kanina, nakatanggap ulit ito ng sipa at may kasama nang sipa.
Nagtataka siya sa inasal nito. Ni hindi man lang ito natakot sa kanya at malayang tinatanggap ang pananakit niya.
"I SAID DON'T GO NEAR AT ME, YOUNG BOY!" Sigaw niya dito kasabay ang pagsipa ng malakas. Kaunti na lang at baka hindi siya magdalwang isip na pilayan ito. Napakatigas ng ulo.
Mukhang binabawi na niya ang naisip niyang "hindi naman siya gano'ng kawalang puso".
Si Lyndon at Logan naman ay seryosong nakamasid sa amo nilang sinasaktan ang binatang hindi nanlalaban. Wala silang karapatang tumulong hangga't wala siyang sinasabi.
Iniwan nilang halos hindi makagalaw ito kaya nagulat na lang siya nang makita ang binata sa labas ng bahay na pansamantala nilang tinutuluyan.
Hindi niya alam kung paano sila nasundan nito. Imposibleng naglakad o tumakbo binata dahil sa huling pagkakatanda niya ay hindi na nagalaw o makagalaw ito.
"Lyndon!" Huminga siya ng malalim. Sinusubukang pakalmahin ang sarili dahil baka mapatay niya na ito. Tulad ng sinabi niya, hindi na nila responsibilidad iyan.
Maraming kapahamakan ang nakaabang sa kanila, baka madamay pa ito sa laro na dapat ay sa kanila lang. Kaya todo ang pagtataboy niya rito dahil hindi rin maganda kung buntot ito ng buntot sa kanila. Pero hindi naman ito natinag at nagmatigas pa.
"Boss?"
"Alamin niyo ni Logan kung sino, bakit at paano napunta ang binatang iyan malapit sa dati kong pamamahay." Mariin niyang utos dito bago sinulyapan ang binatang walang ka-imik-imik na nakatingin sa kanila.
"Isasama ko ba talaga si Logan, boss? Wala kang bantay dito." Pag-aalala ni Lyndon
"Kaya ko ang sarili ko. Hati ang gawain niyo ni Logan kaya bilisan niyo."
Sa huli, sinunod siya nito. Madali lang naman ang pinapagawa niya sa dalwa. At kung alam niyang may mahirap silang gawain ay may aasahan pa rin siya dahil malakas ang dalwa.
Hindi lang basta-bastang tauhan si Lyndon at Logan. Hindi niya aasahan ang mga ito nang dahil lang sa wala.
Ngayong pinasunog na niya ang bahay, nasa ordinaryong lugar lang sila. Hindi mo makikitaan ang mga matatayog na gusali dahil malayo na sila roon.
Hindi naman sa naghihirap. Marami silang pera at kaya nilang magpatayo ng bahay, pero mas pinili pa rin nila ang ganitong pamumuhay. Kahit papaano ay naranasan nila mamuhay na parang normal na hindi nila naranasan noon. Ang mamuhay na malayo sa kapahamakan kahit panandalian lang.
"A-ate..."
Saglit siyang natigilan. Ngayon lang niya naalala na narito nga pala ang binata. Hindi maipagkakailang maitsura ito, ngunit nangangayat ang katawan at marumi. Kung naalagaan ito ng maayos ay baka isipin na niyang anak ito ng mayaman.