10

5 2 0
                                    

Chandriahlyn Elloi Hessen

5:30 am na ako nagising. Hindi pa ako tuluyang nakakahakbang pababa ay may naaaninag na akong liwanag mula sa baba.

May naririnig na akong nagluluto, ingay ng mga gamit, at mga usapan nila

Kahit lima lang kaming narito sa bahay ay dinaig pa nila ang may buong angkan sa bahay dahil sa ingay.


Gising na gising na siguro ang lahat.


Ganito talaga kami, .aagang gumigising at kumakain. Palagay ko ay tapos na sila mag-training tulad ng lagi nilang ginagawa. Kahit pa sabihin ko na hindi na nila kailangan gawin iyon, hindi sila makikinig.

Nasanay sila na araw-araw, tuwing pag gising nila, ay nag eensayo sila. Malakas sila, pero hindi naging dahilan iyon para sa kanila na tumigil. Kahit anong oras ay maari tayong humina, iyon ay depende sa makakalaban.

Hindi lang sila nag eensayo pampisikal, kahit ang pag-iisip ay sinasanay rin nila. May kalaban na magaling dumiskarte, may kalaban rin naman na magaling lang sa pisikalan. Kailangan balanse ang kaalaman mo.


Hindi ako sumasabay sa kanila sa pag-eensayo. Alam kong maaari na may iba pang mas malakas sa akin, pero wala na akong pake ro'n. Bahala na kung ano ang mangyari sa akin.


"Oh, Boss! Tara, kakain na tayo. Kanina pa akong gutom e. Kupad naman kasi magluto ni Logan." Pagsasalita ni Lyndon habang nagsisimula na itong maghain.


Si Logan naman ay sinubukang tadyakan sa paa si Lyndon habang nakahawak sa handle ng kawali at ng siyansi, ngunit hindi naabot dahil mabilis naka-iwas ang lalaki.


"Ay, boss, si Logan oh!"


Habang maingay ang dalawa, si Lander ang nakakuha ng atensyon ko.


Kanina ko pa napapansing tahimik na nakaupo si Lander. Wala kaming imikan, wala kaming  pansinan. Tila wala siya sa kaniyang sarili dahil mahahalata rito ang pagkatulala.


Ang tanging maingay lang hanggang sa matapos kaming kumain ay sina Logan at Lyndon lang. May mga tinatanong naman silang dalawa sa akin o kay Lander saglit at sinasagot naman namin.

Sa susunod ko na lang siya kakausapin dahil magiging abala muna ako ngayong linggo.


"Pierce, let's go." Mabilis namang natali ang lalaki.


Oo nga pala. Nalimutan kong ipakilala si Pierce ng pormal sa tatlong 'yon. Sa susunod na lang rin siguro. Marami pang oras at araw para sa ganiyang bagay.


Ang hindi ko lang maintindihan, ay bakit nakasuot pa rin ng maskara si Pierce. Parang tanga lang nga naman. Masyado namang pa-mysterious ito.


As long as gusto kong isama ang tatlo, hindi pa puwede. Lalo na si Lander. Alam kong maraming nagbago sa kaniya, pero hindi ko pa siya nasusubok kalabanin para alamin kung gaano ito napalakas ng dalawa sa naglipas na ilang taon.


I can feel it. Ramdam ko na papalapit na ang matagal kong iniiwasan. I can't risk them. Not even Pierce. Kailangan namin maging handa.


"Enverga University, Pierce."


"Maraming Enverga, Boss. Saan do'n?" Hindi ko namalayan na napakamot na pala ako sa noo dahil sa tanong ng lalaking 'to.


I looked at him borely while raising my eyebrows, "Nasaan ba tayo?"


"Candelaria?" Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya habang sinisilip ako sa rear mirror.


"Edi sa Enverga ng Candelaria." Nahagip ko pa na napakamot ito sa kaniyang ulo.

The Pride of HessenWhere stories live. Discover now