4

9 4 0
                                    

Nakahalukipkip siya habang pinag-aaralan ang blueprint na nasa harapan niya.



Sa sobrang lalim ng iniisip ay hindi niya namalayang nakapasok na pala si Aquirolander, ang binatang alipin niya na kung titignan ay parang bunsong kapatid na.



May bitbit itong tray ng pagkain para sa kaniya. Nalimutan niyang hindi pa nga pala siya kumakain simula nang makarating sa bahay dahil naging abala na siya sa pagpaplano.




Malamang, maalin kay Lyndon o kay Logan ang nag-utos dito.




Tinignan niya lang ang lalaki habang maingat itong naglalakad papunta sa kabilang lamesa para do'n ilapag ang tray.



Ang tipid at ang tahimik talaga nito umimik. Hanggang ngayon ay hindi na niya ulit narinig itong nagsalita sa ilang araw na magkasama sila. Ang mas napapansin niya ay ang madalas nitong pagtitig sa mukha niya na minsan ay kinakainis niya dahil hindi niya mabasa kung anong tumatakbo sa utak nito.



Muli niyang ibinalik ang tingin sa blueprint ng kumpanya. Ilang minuto siyang natahimik habang nag-iisip ngunit napansin rin niya na wala siyang marinig na kahit anong ingay sa pagbubukas ng pinto. Ang alam lang niya ay hindi pa ito umaalis sa loob.



Nilingon niya ito at gano'n na lang ang gulat niya nang halos takbuhin na nito ang espasyo sa pagitan nila. Nakayakap ito sa kanyang bewang. Siya naman nanatili paring gulat at natigilan.


‘Sa yakap ba pinaglihi ito?’



Hindi niya alam kung bakit nagkakaganito ito sa kanya. Hinayaan niya lang ito at hindi sinaktan tulad ng ginawa niya dati.



Nabingi siya sa ingay nang makarinig ng putok ng baril at pagkabasag ng kung ano mula sa labas. Bigla namang nagbukas ang pinto at iniluwa niyon si Lyndon na mukhang namomroblema.




"We need to get out of here!" Nagmadaling inayos ni Lydon ang mga gamit na dapat nilang dalhin.




"Where's Logan?" Kinuha niya ang baril na nakapatong sa lamesa, katabi ng blueprint.




"Nasa labas. Siya na raw ang bahala at susunod siya."




"As he should."




Nabasag ang bintana sa kwarto na kinaroroonan nila. Napatingin siya sa sahig nang makitang may itinapon ito.




Flashbang and smoke grenade!



Bago pa siya makagalaw, magkasabay na sumabog ang dalwang bagay na hinagis sa loob. There's a smoke, at the same time they were blinded by stun grenade.




Hindi siya makamulat ng maayos at makahinga. Hindi niya magawang sumigaw dahil panay ang pag-ubo niya.




Wala siya gano'ng makita. Sinubukan niyang hagilapin si Aquirolander at Lyndon pero kahit pagtama lang ng kamay niya sa katawan ng mga ito ay walang nangyari.




Naramdaman niyang marami na ang nakapalibot sa pwesto niya. Hindi na siya nag-aksaya ng oras, kahit alam niyang marami ay nilabanan niya ang mga ito.



Hindi lang tatlo o apat ang nakapalibot, marami pa. Lahat ng tira at pagpapatama ay sinigurado niyang malakas. Binaliwala ang sakit sa kanyang tagiliran na kanina ay nadaplisan ng punyal.



May biglang may humawak sa kanya mula sa likod, naka gas mask ito at ang isa nitong kamay ay may hawak na rifle.




Kahit nanghihina at nahihilo na ay sinubukan niya itong labanan.




The Pride of HessenWhere stories live. Discover now