6

5 4 0
                                    

MUNTIK na siyang makatulog habang hinihintay niya si Logan. Umiral na naman ang pagiging pagong nito. Kanina pa niya ito hinihintay dahil pupuntahan raw nito si Lander. Mukhang sinumpong na naman iyon.

Narito siya ngayon sa lugar kung sa'n sila lang ang nakakaalam. Lugar na malayo sa amo nila tulad ng sinabi nito.


Halos ilang araw na rin simula nang makaalis sila, ngunit hindi pa rin sumusunod sa kanila ang amo. Kaya naman itong si Aquirolander ay sinumpong. Mas lalong naging suplado.

Nahihirapan silang kontrolin ito. Kung hindi nga lang niya binigyan ng wallet size picture ng bossing nila ay hindi pa ito titino.

Gusto niyang maiyak dahil baka malagot siya kay Lady C. Baka pagalitan siya na bakit niya hinayaan na magkagusto si Lander sa amo lalo na at ang turing na nito rito ay parang anak o kinakapatid.


Sa mga lumipas na taon ay hindi nila hinayaan na maging madali ang pagsasanay ni Aquiro. Kung ano ang pinagdaanan nila noon sa training, ay siya ring pinagdaanan nito.


Nakabase sa bilis ni Lander matuto ang pag-uwi nila, kaya nang malaman iyon ni Lander ay naging desidido ito sa mga ginagawa.


Habang tinatanaw niya ito ay hindi siya makapaniwala na nangyayari na talaga ito. Ang laki na talaga ng pinagbago nito, dati lamang ay inaalipin nila si Lander, ngayon naman ay hindi na mapasunod.


Malalim siyang nag buntong hininga, pala-isipan pa rin sa kaniya ang tinatagong plano ng amo.


NANG maihanda na lahat ng kailangan nila sa pag-alis ay pinuntahan niya si Elloi para magpaalam.


Pagkapasok niya ay nakita niya itong nakaupo sa swivel chair. Mukhang hinihintay siya nito. Nadako naman ang
tingin niya sa isang malaking bag na itim.


"Lyndon, sinabi ko na hindi ko kayo pababayaan kahit na malayo ako sa inyo. 3 million ang laman niyan, tsaka ko na lang ulit kayo padadalhan pag naubos niyo na, kung mauubos niyo. Kayo na ang bahala kung paano niyo gagastusin 'yan lalo na sa pangangailangan ni Lander."

"Sigurado ka na ba talaga dito? Ayaw mong sumama?"

Napataas ang kilay nitong nakatingin sa kanya, "kung sasama lang rin naman pala ako sa inyo, sana hindi ko na lang kayo pinaalis at magpakalayo."


Natawa siya sa biglang pagsusungit ng amo. Ito ang mamimiss niya. Ilang taon niyang hindi makikita ang boss at ilang taon rin na hindi siya mapagsusungitan nito.

'Hayst my lovely boss'  (⁠´⁠ε⁠`⁠ ⁠)

"Ang sungit mo na naman. Aalis na nga kami. Hindi mo ba kami mamimiss?" He smirked, nagtaas-baba pa ang kilay niya.

"No. Why should I?" Ngumiwi ito.

Umakto siya na parang nasaktan sa sinabi, "my heart is hurtening, boss." Napangiwi itong sinulyapan siya. Itsura pa lang parang nauubusan na ito ng pasensya sa kadramahan niya.

Nakita pa na dinampot nito ang bote ng tubig at iyon ang ibinato sa kanya, "lumayas ka na nga!"


Short-tempered talaga ang boss nila. Kaya sila-sila lang rin ang naging tauhan nito dahil kahit papaano ay napakisasamahan pa nila ito.

Masaya sila dahil ito ang nakakita sa kanilang magkaibigan. Mabuti na lamang at hindi kung sino man ang nakapulot sa kanila, hindi rin niya alam kung sakaling hindi si Elloi ang naging boss nila, ano na kaya ang nangyari sa kanila.


Nakarinig siya ng mga yabag at tiyak niyang si Logan at Lander iyon. Nakita niya ang dalwa. Nakasunod si Logan kay Lander na nakabusangot at magkasalubong na naman ang kilay.

The Pride of HessenWhere stories live. Discover now