8

8 4 0
                                    

Lumipas ang dalawang araw at hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nakikita si Elloi. Hindi na nila alam kung dapat na ba silang mabahala dahil wala na itong paramdam sa kanila. Kahit ipagpaalam manlang nito na nasa maayos itong kalagayan ay wala silang nakuha.

Nag-aalala na silang tatlo para sa babae. Abala pa rin sila sa pag-iisip kung nasaan na nga ba ito. Kahit sa opisina ay wala rin ang amo.

Dalwang kompanya ang naiwan sa babae, ang isa ay narito sa Pilipinas at ang pangalawa naman ay nasa ibang bansa na hindi nila alam kung saan.

Kung wala sa opisina ang babae, marahil ay nasa ibang bansa ito na hindi pa nila napupuntahan. Kahit silang tatlo, hindi pa sila nakakatapak roon sa tanang buhay nila. Ang alam lang nila ay may naiwan itong kompanya sa malayo.

SAMANTALANG si Elloi naman ay prenteng naka-upo lamang sa loob ng opisina niya.  Tahimik lang siyang naka sandal sa upuan at nakapikit. Habang nasa gano'n siyang posisyon ay naalala niya ang tatlo.

Mahirap para sa kaniya ang gawain niya ngayon. Nag hahandle ng dalwang kompanya? Ang imposible pakinggan. Mayro'n bang gano'n?

Maganda ang naging simula ng storya ng buhay pag-ibig ng magulang niya. Iyon ang kwento sa kaniya ng kaniyang ama at ina.

Maagang namatay ang mga magulang niya at ang paghahanap ng magmamana ay hindi napaghandaan. Bago pumanaw ang mga ito, nalaman niyang nais ng magulang na ipagkasundo siya sa isa ring mayaman na businessman. Wala siyang naging tutol ro'n dahil intindi niya ang sitwasyon na nangyayari noon, hindi rin naman minamadali ang nasabing kasal.

The rest is the history.

Nag-iisa lang siyang anak na babae, nagkataon na parehong may hawak na kompanya ang magulang niya kaya ngayon siya nahihirapan.

Sa matagal na pagkakalayo sa kanya ng tatlo, wala siyang ibang ginawa kun'di ang isipin ang plano niyang ituloy ang pagpapakasal.

'Bakit wala manlang maka-isip na nasa opisina lang ako. Nalimutan na ba nila ang direksyon papunta rito?'

Natigilan siya nang maalalang nasa ibang opisina siya. Wala nga pala siya sa Pilipinas pero kung isipin niya ang tatlo ay parang kapitbahay lang ang pagitan nila.


Naisip niya na ayos na rin iyon. Ramdam niya na hindi pa siya nilulubayan ng mga nakasunod sa kanya. Hinayaan na lang muna ang mga dahil wala pa siya sa mood para simulan ng gulo ang mga ito.

Nang makapagpadala na siya ng mensahe kay Lyndon ay agad niyang niligpit ang gamit sa opisina at umuwi.


Habang nagmamaneho siya ay batid niyang may sumusuno sa kaniya. Hindi siya makakalaban ngayon dahil nalimutan niyang dalhin ang kaniyang baril. Kahit punyal man lang ay wala siya.


Akala niya ay walang makakaalam o hindi siya masusundan rito. Naalala niya na hindi nga lang pala basta-basta ang mga kumakalaban sa kaniya.

Years ago, her father massacred the CAROMEN. Years later, nalaman niya na muling nabuhay ang organisasyon na ito.

Mahihirapan siyang kumilos kung kasama niya si Lander, kaya inutusan niya si Lyndon at Logan na lumayo muna hanggang sa hindi pa natututo si Lander sa mga dapat nitong matutunan.

Dalawa ang kaniyang inutusan dahil alam niyang kahit pa malakas sila ay hindi kakayanin kung isa lamang. At hindi rin sigurado ang kaligtasan kung isa lang ang sasama kay Lander.

Sa lumipas na mga taon, marahil ay nagtataka na ang iba kung bakit hindi mahagilap ang dalawa na lagi niyang kasama. Siguro ay nay iba nang nakapansin niyon, kaya nang maibalita sa kaniya ni Pierce, ang isa pa niyang tauhan, ay inutusan niya si Pierce na magpadala ng maraming kalalakihan para samahan mismo ito sa pagsundo sa tatlo.

The Pride of HessenWhere stories live. Discover now