NANG nakatanggap siya ng gano'ng mensahe galing dito ay sinabihan niya si Logan at Lander para makapaghanda na sila sa pag-alis.
Nakita niya ang kasiyahan sa mga mata ni Lander, halatang gustong-gusto na ulit ito makita. Nagulat na lang siya nang pagbalik niya kanina ay nakahanda na ang gamit nito. Ang bilis kumilos samantalang siya ay naka-upo lang. Nanonood ng Attack on Titan.
Yes, mahilig siya manood ng anime at ngayon palang niya mapapanood yung latest update ng anime na ito. Nalungkot nga lang siya nang makitang namatay si Hanji.
"Anak ng tokwa—Lyndon, tumayo ka na nga dyan! Talagang nakapanood ka pa niyan, hindi ka man lang tumulong sa pag gagayak." Kinuha sa kanya ni Logan ang remote.
Sinamaan niya ito ng tingin, "kakamatay lang ni Hanji ko, e!", wala na siyang nagawa at tumayo na lang. Naghihintay na rin siguro si Elloi sa bahay.
Bumalik silang tatlo sa bahay na tinitirhan nila dati. Pagpasok na mismo nila ay hindi nila inaasahan ang nadatnan.
May mga bakas ng dugo sa kahit saang sulok ng bahay at parang dinaanan ng bagyo. Lahat ay magulo.
Naunang kumilos si Lander para hanapin si Elloi. Kumilos na rin silang dalawa ni Logan.
Hindi nila nahanap ang amo. Napalingon siya kay Lander na kakababa lamang—nakitaan niya agad ito ng galit sa mga mata.
Lahat sila ay tinignan ang bawat sulok ng bahay hanggang sa napansin nila ang isang litrato ni Elloi. Nakatusok ang litratong iyon sa plan(ning) board kung saan maraming naka pin na stolen pictures ng tao na galing kay Elloi dahil sa pagpapaimbestiga.
Ngunit mas nakakapukaw ng atensyon ang litrato ni Elloi na halatang iba na ang gumawa nito.
Base pa lang sa pagkuha ng litrato ay masasabing may umaaligid dito. Sa litratong nakita ay malayang naglalakad si Elloi na parang isang simpleng babae lang, na parang wala itong itinatago na kahit anong delikado sa katawan.
"Amber eyes" iyon ang nabasa niya na halatang dugo ang ipinangsulat.
Gulat na nabaling kay Lander ang atensyon niya nang marinig niya ang malakas nitong pagmumura. Well... hindi niya alam kung first time nito ang magmura, ngayon lang naman niya iyon narinig.
Hindi naman niya ito masisisi lalo na't ang bossing nila ang taong iyon. Tanga lang siguro ang tatawa pag nalaman nilang nasa panganib ang buhay ng taong mahal nila.
"Trust her, Lander. She's low-key a brutal one." Seryosong saad ni Lyndon.
"Now what the fuck are we going to do?" Inis silang binalingan nito. Siya naman ay pasimpleng napangiwi dahil sa sinabi ni Lander. Hindi siya sanay sa mga salitaan nito ngayon.
Dati lamang ay halos hindi na ito nagsasalita at laging nakabuntot sa amo. Now, he is like almost the male version of Elloi. Chandriahlyn's future heir.
Hindi niya alam kung malulungkot ba siya o matatawa para kay Lander dahil ang turing lang ng amo nila dito ay parang kapatid. At isa pa, hindi niya alam kung anong nakita ni Lander at nagkagusto ito sa amo. Nakakatakot nga iyon!
Tinignan nila ang buong paligid. Bloods and bodies. Maraming sumugod dito sa bahay at mukhang kanina lamang ito nangyari dahil medyo sariwa pa ang dugo. Kung kanina lang ito naganap, bakit hindi agad sila tinawagan nito? At hindi man lang nag-abala magsabi kung saan na ito nagpunta.
"Hanapin na lang natin siya." Napatingin siya kay Logan nang magsalita ito.
Napataas ang kilay niya, "at paano nga natin siya hahanapin? Hindi naman natin alam kung saang lupalop nagsuot si boss."
"Kaya nga hahanapin, 'di ba?" Hindi makapaniwalang tumingin siya dito. Lagi na lang talagang may sabat itong si Logan. Magdadala na siya sa susunod ng duct tape.
"Tumigil na nga kayong dalwa." Sinamaan sila ng tingin ni Lander. Si Logan naman ay parang bakla siyang inirapan.
Aba! Dudukutin ko 'yang mata mo eh.
Nginiwian niya lang ito at hindi na pinansin. Hinarap naman niya si Lander na nakakunot pa rin ang noo.
"Si Lady C na 'yan. Hindi siya basta-basta nahuhuli ng gano'ng kadali kaya wag kang mabahala, Lander, kung iniisip mo na baka napahamak siya. May lahing pusa 'yon. Gusto mo rin magpalahi?" Pagbibiro ni Logan. Inakbayan nito si Lander at tumawa ng tumawa habang ang isa naman ay sinamaan siya ng tingin. Imbis na matuwa at maginhawaan ito ay parang mas gugustuhin pa ni Lander na ipalibing na ito ng buhay.
Natigilan siya nang may maalala. Agad siyang nagtungo sa taas para tignan kung nasira ba ng mga pumasok rito ang computer kung saan konektado ang mga maliliit na camera na nakapalibot dito sa loob ng bahay.
Sa pagkakaalala niya ay nakatago iyon sa ilalim ng kama. Nang i-anagt naman niya iyon ay napabuntong hininga siya dahil hindi ito nagalaw.
Ang kama sa kwarto ni Elloi ay hindi naman ganoong kakaiba. Malaki ang kama nito at may medyo may kataasan rin. Sapat na para maitago ng patayo ang mga computer.
May space ang ilalim ng kama nito. Nagmukha lang wala dahil sa design ng bed frame. May mga harang ito pero walang kahit anong handle para masabi na may drawer. Kung i-aangat naman ang bed frame, do'n malalaman na may space pa talaga sa loob niyon. Kahit tao siguro magkakasya ro'n.
Kinuha niya iyon. Natameme pa siya nang makita na kailangan ng PIN ang computer. PIN na hindi niya alam kung anong ilalagay.
Wala naman siyang maisip na PIN na pwede nitong mailagay. Sa sobrang misteryoso ba naman ng boss, kamalayan niya kung anong nilalagay niyon dito.
"Anong nakita mo dyan?"
"Yung kapangitan mo." Walang lingon siyang sumagot. Ang sumunod na naramdaman na lang niya ay ang pagbatok sa kanya ni Logan.
"Kanina ka pa, Lyn-aray!" Paglingon ay nakita niya si Logan na nakahawak sa sariling tainga na bahagyang namumula na ngayon.
Napansin lang rin niya si Lander na nakatingin kay Lyndon. Nakakunot ang noo nito at mukhang naiinis na sa kanilang dalwa na kanina pang nagtatalakan.
"Are you two trying to piss me? If so, then I'm fucking pissed now."
Kada sermon sa kanila ni Lander, pabiro niya 'tong ginagaya sa pananalita pero hindi siya literal na maingay.
Nang mabitawan ni Lander ang tainga nilang dalawa ni Logan. Nag-side eye siya para sulyapan ito, namumula ang tainga nito at palokong ginaya ang imikan ni Lander.