9

3 2 0
                                    

Logan Calypso


Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kalagayan ni Lady.

Naglakad ito palapit sa amin na walang emosyon ang makikita sa kaniyang mukha. Diretso rin itong maglakad kahit duguan kaya hindi ko masabi kung kaniya nga ba ang dugo o sa iba.



"Welcome back, my boys. How have you been?"



Naputol ang sanang pagsagot ko dahil nakatakbo na si Lander palapit kay Lady at dinamba ito ng yakap.



Panigurong lagot kami kay boss nito. Ang huli kong pagkakatanda ay may inaayos si bossing na papeles dahil balak na niyang ampunin ni Lander noon, hindi ko alam kung ano na ang nangyari. Baka matagal na niya iyong naipasa. Baka anak na talaga niya si Lander, sa papel.



Tsk. Walang alam si Lander sa ginawa ni Boss, ayaw rin naming pangunahan ang desisyon ng nakatataas, gusto pa naman naming mabuhay ni Lyndon kahit papaano.




Sayang lang dahil boto ako kay Lander. Si Lander sa tingin ko 'yong tipong handang protektahan si Boss kahit ano man ang mangyari.



"What the fuck happened?! Who did this to you? Is this your blood?" Natatarantang tanong ni Lander na kulang na lamang ay itaas ang damit na suot ni Bossing para usisain kung may sugat ba itong tinatago sa loob.

Nakatanaw pa rin kaming tatlo sa dalawa. Si Bossing naman ay gustong ngumiwi dahil sa ginawa ni Lander na pagyakap. Hindi rin alam ni Lander na walang ka-sweet-an si boss sa katawan, malamang ayaw niyan sa mga yakapan. Hinahayaan niya na lang siguro ang lalaki na gawim iyom dahil anak na ang turing niya rito.

Wait—tatlo? Tatlo kami? Tumingin ako sa lalaki na nakikihilera rin sa amin, katabi niya si Lyndon. Parang tanga lang dahil naka maskara ito.

"Hoy, sino ka naman?" Nilingon ako nito, pero hindi ako pinansin. Nanatili siyang nakapamulsa at muling pinagmasdan sina bossing.

Humarap na ako sa lalaking iyon, "Aba, beri rude! Kilala mo ba kami? Ha?" sabay turo ko sa sarili.

Hindi ito lumingon at wala pa ring sagot. Si Lyndon naman na nasa gitna namin ay tahimik lang at nakahalukipkip na parang walang nag-iingay sa magkabilang tabi niya. Mukha pang naboboring.

"Boss, sino ba 'to? Bakit parang nakikifamily naman yata siya?"

Nanlaki na nang tuluyan ang butas ng ilong ko dahil kahit si boss ay hindi rin ako pinapansin!

Masama kong tinignan ang gawi ng lalaking hindi ko kilala. Nakatayo pa rin ito, hindi natitinag sa titig ko kahit hindi niya nakikita.

Tangina? Anong meron? Bakit hindi ako pinapansin ng mga person dito?!

"Hindi pa ba tayo papasok sa loob? Hindi ba kayo nangangalay tumayo? Ako kasi ngalay na, kanina pa."

WALA PA RING SUMASAGOT SA 'KIN?! Nagtatampo na talaga ako. Kung scripted man 'to, bahala sila. Nakakatampo!

Tsk!

Iniwan ko sila sa labas, pumasok akong nakabusangot ang mukha.




THIRD-PERSON'S

"What the fuck happened?! Who did this to you? Is this your blood?" Lander was ranging mad dahil nakita niyang duguan ito.

"Dramatic. I'm not hurt."

"The fuck do you mean you're not? May pasa ka nga oh!"

Tama naman siya at may pasa ito. Mayro'n sa braso, gilid ng labi, at binti. Hindi lang isa o dalawa, marami!

The Pride of HessenWhere stories live. Discover now