BRUCE
Alas sais na ng gabi. Nandito ako ngayon sa labas ng mall sa loob ng sasakyan ko. Hinihintay ang taong nangulit sa aking makipagkita ngayong gabi. Kung sino pa 'yong gustong makipagmeet-up ay siya pa 'yong kailangang hintayin. Nasaan na ba ang Matt na 'yon? Kahit kailan, sa maraming bagay, red flag talaga siya!
I'm leaving in five minutes kapag hindi ka pa dumating. Huwag mong sinasayang ang oras ko!
Napailing na lang ako matapos isend 'yon sa kanya. Sampung minuto na kasi akong naghihintay sa labas ng SM, wala pa rin siya. Naiinis na ako sa lalakeng 'yon. Hindi naman sana ako pupunta rito at makikipagkita sa kanya kung hindi niya ako binlackmail kanina sa tawag, saying that he would tell my brother that I smoke. Na naninigarilyo ako! Hindi alam ni Kuya ang tungkol doon dahil siguradong mapapatay niya ako kapag nagkataon. Kaya ang initial response ko, sige na lang. Wala na rin akong nagawa kundi ang pumayag sa gusto niya. Kahit na hindi ko alam kung ano na naman bang trip niya ngayon.
Maya-maya, sumulpot ang isang lalake sa labas ng kotse ko, sa may bintana. Kumatok pa ito. Ang kumag na si Matthew 'yon. Suot ang maangas niyang ngiti na akala mo ay walang taong pinaghintay nang matagal. Binusangutan ko siya dahil sa inis bago ako tuluyang lumabas ng sasakyan.
"Ano bang trip mo na naman?" inis ko siyang tiningnan. "Kanina pa ako rito, naghihintay. Wala ka man lang bang konsiderasyon? Ikaw na nga 'tong gustong makipagkita, ikaw pa 'tong may lakas ng loob na magpa-late!" irita kong sabi kay Matt.
"Sorry, okay? Na-traffic. It was inevitable. Chill ka lang, pwede?" sinubukan pa niyang hawakan ang kamay ko na agad ko ring inilayo. Ngumisi ito sa akin. "Look at you. You're here with me. Makikipagkita ka rin pala." Mayabang na sabi niya.
"Because you blackmailed me!"
Napailing si Matt habang natatawa. "Isumbong ka sa Kuya mo? No. I could never do that to you. Kahit naman sabihin ko 'yon, hindi ko naman kayang gawin. Sinabi ko lang 'yon para lumabas ka kasama ako." Kinindatan ako nito habang nakangiti. Napaawang ang bibig ko at hindi makapaniwala sa narinig mula sa gagong 'to. "Mukhang effective naman."
"Effective mo mukha mo, Matthew!" inis ko siyang tinalikuran at pabalik na sana sa loob ng sasakyan. "Uuwi na ako. Sinasayang mo oras ko!" hinila niya ang kamay ko matapos kong sabihin iyon.
"Teka lang, Bruce! Ikaw naman, oh. Nandito ka na, e. Please stay." Iritable ko siyang tiningnan. Nangingiti pa rin ito. "Come on. It's my treat." Napatiim-bagang ako sa inis sa pagmumukha niya.
Nakasuot siya ng pulang plaid long-sleeve shirt na nakatupi hanggang sa magkabilang siko niya. Plain white shirt underneath. Semi-loose denim jeans at puting chunky sneakers. Pormadong-pormado siya. Kabaligtaran ko na nakasuot lang ng simpleng dark blue na hoodie at gray jogger shorts. Nakasuot nga lang ako ng simpleng flipflops, eh. Magkaibang-magkaiba kami.
"Parte pa rin ba 'to ng ginagawa mong kalokohan?" inis kong sabi kay Matt.
Nangunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. "Kalokohan bang ligawan ang taong gusto ko? Ang ligawan ka?" ngumisi ito pagkatapos.
"Kalokohan kasi hinahaluan mo ng kalokohan. Doon ka kasi magaling, e!" tugon ko.
Nabigla naman siya. "Grabe ka naman magsalita sa akin. Hindi naman kalokohan 'tong ginagawa ko. Ibang style lang ng panliligaw pero hindi kalokohan." Sabi pa niya. Napailing ako. Ibang klase rin talaga ang lalakeng 'to. Nagagawa pang ngumisi sa harap ko ngayon?
"Ibang style? Style mo, bulok!" bulyaw ko sa kanya. "Why can't you just stop? Itong ginagawa mo?" inis kong tanong.
"Because you told me not to," sagot niya.
BINABASA MO ANG
Hate and Maybes [Completed]
Romance[Formerly 'With All My Hate and Maybes'] Puno ng poot ang puso ni Bruce Caswell. Hindi siya naging batch valedictorian. Dismayado ang mga magulang niya. At ngayong tapos na siya sa kolehiyo, saka naman sumikip ang mundo para sa kanya at sa dalawang...