Kabanata 23

945 65 13
                                    

BRUCE

Hihiga, babangon, hihiga ulit, tapos babangon ulit. Hindi ako makatulog. Alas onse na ng gabi pero 'yong diwa ko, gising na gising pa rin. Nasa kaniya-kan'yang mga kwarto na kami at pakiramdam ko ay ako na lang ang gising. Nagpalit na rin ako ng iba't ibang posisyon sa pagtulog pero bigo akong dalawin ng antok. Hindi naman ako madalas ganito. Kapag mga ganitong oras kasi ay tulog na ako o mas maaga pa. Siguro sabik lang talaga ako sa mga magaganap bukas.

'Yon nga siguro ang dahilan.

Kanina kasi habang kumakain kami ng hapunan, my friends planned something for tomorrow. Plano nila bukas na pumunta kami sa isang isla malapit rito, sakay ng bangka, kasama sina Caleb at Finley. Alam na rin 'yon noong dalawa dahil nang ma-finalized ang plano, sinabi rin agad. Nakausap na rin nina Gus 'yong hihiraman namin ng bangka. Nakahanda na ang lahat para bukas ng umaga.

Iyon ang unang pagkakataon na pupunta kami sa kabilang isla dahil sa loob ng tatlong linggo na namin rito sa Coron, tanging villa, bayan, at dalampasigan lang ang ginugugulan namin ng oras. I want to try it at least once before we go back to Manila. Ngayon ay matutuloy na. Also, gusto ko rin 'yong idea na mas marami kami na gagawin 'yon bukas.

The more, the merrier, right?

Nanatili na lang akong nakaupo sa kama nang mapagtantong hindi ako makakatulog anumang oras mula ngayon. Kinuha ko ang cellphone ko sa bedside table at tiningnan ang mga messages ni Kuya Winston. I was about to call him when I realized, huwag na lang. Baka nagpapahinga na rin siya dahil anong oras na rin. Hindi ko kasi nasagot ang tawag nito kanina. Most of the time kasi, I was too busy hanging out with my friends, at iniiwan ang cellphone ko rito sa loob ng kwarto. Nagrereply pa rin naman ako sa mga messages niya. As much as possible, ina-update ko si Kuya Winston palagi dahil iba 'yon mag-alala kapag hindi ko ginawa.

The last message he sent me was him—telling me that Mom and Dad would be going home next week. Sakto sa pagbalik ko sa Maynila. I don't know what to feel, honestly. Hindi ko alam kung paano sila haharapin. Lalo na si Dad na baka hanggang ngayon, hindi pa rin ako magagawang kausapin dahil sa labis na pagkadismaya.

Gano'n pa man, as much as possible, ayoko munang isipin. May isang linggo pa naman ako rito sa Coron kasama ng mga kaibigan ko. I can still enjoy my remaining days here bago ko harapin ang totoong mundo. Kung mayroon nga lang akong choice, magtatagal pa ako rito.

But I guess, some choices are not meant for me to make.

Sa pagkutingting ko ng cellphone, a text message suddenly flashed on my screen. Natigilan ako bigla nang makita 'yon. It wasn't from my brother. It was from Caleb.

When we went to Coron Especiale, we exchanged phone numbers. Naisip ko na bilang magkaibigan naman na kaming dalawa ay okay lang. Ang huling text message niya sa akin ay kahapon noong niyaya niya akong pumunta sa isang beach malayo rito. Gano'n naman siya simula noong nagpalitan kami ng mga numero. Magte-text kapag mag-aaya sa kung saan o magpapaalam na pumunta rito sa villa. Ngayon ay ano naman kaya?

Nang buksan ang text message ni Caleb, napakunot agad ang noo ko.

Caleb
Are you still up? Can we meet outside the villa?

Hindi na ako nakareply pa sa kanya dahil agad akong tumayo para magsuot ng hoodie at dali-dali nang lumabas ng kwarto. Nagtataka. Alas onse pasado na ng gabi pero bakit gusto niyang makipagkita?

Maingat kong isinara ang maliit na gate ng villa para hindi makagawa ng ingay sa paglabas ko. Kahit makapal ang hoodie na suot ko, dama ko pa rin ang lamig ng gabi. I checked my phone before looking for Caleb outside. Sa banda roon, nakita ko siyang naglalakad na mukhang galing sa resort nila.

Hate and Maybes [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon