BRUCE
"Anong ginagawa ng lalakeng 'yan rito?" tanong ko kay Tamara matapos itong hilahin palayo kina Gus at Krystal na ngayon ay kausap ang tinutukoy ko. Kumaway pa si Matt habang nakangiti nang tapunan ko ito ng tingin. Hindi ko siya pinansin bagkus ay kunot-noong ibinalik ang mga mata sa babaeng alam kong may kinalaman sa kalokohang ito. "Did you invite him here? To join us in Palawan?"
Guilty ang itsura ni Tamara ngayon. "Sorry na talaga, Bruce!" una niyang nausal. "Nabanggit ko kasi sa kanya, accidentally, 'yong tungkol sa trip natin sa Coron. Hindi ko naman alam na magkakainteres siyang sumama...dahil sa 'yo." Nainis ako sa narinig.
"At pinasama mo naman?"
"Wala na rin akong choice dahil nagbooked siya bigla ng ticket niya, same flight sched sa atin. Akala ko nga ay hindi siya aabot, e!" sabi niya kaya't lalong nangunot ang noo ko. At 'yon talaga ang inalala niya? Kahit kailan talaga ang babaeng 'to!
"Gus and Krystal are okay with this? Na sumama sa atin 'yan?" tanong ko.
"Ewan...pero tingnan mo sila. Mukha namang oo. Lalo na si Gus." Nginuso niya ang mga nag-uusap. Totoo ngang tuwang-tuwa si Gustavo habang nakikipagharutan kay Matt. Gano'n rin ang nakatawang si Krystal. "Sa gwapo at hotness ba naman ni Matthew, sino bang magrereklamong makasama 'yan nang isang buwan?" pagdadahilan niya sabay tingin sa akin na para bang gusto niyang sagutin ko ang itinanong. Puwes ako, magrereklamo!
"Trip natin 'tong magkakaibigan, Tam! Jusko, hindi naman natin kaibigan ang lalakeng 'yan." Inis na sabi ko.
"E 'di kaibiganin! Friendly naman kami. Ikaw lang palagi ang hindi!" panunuya niya. Nilakihan ko siya ng mga mata. "At saka ano ba? Paraan niya rin daw 'to para mas mapalapit sa 'yo. Isn't that so sweet of him?" kinikilig na sabi niya. Nagcringe ako bigla.
"Ewan, Tamara! Ewan!" napailing na lang ako sa inis bago tingnan ang lalakeng ngayon ay nakatingin sa akin na may matamis na ngiti.
Inis ko siyang tiningnan.
May magagawa pa ba ako ngayong nandito na siya, bihis na bihis, at naka-empake na?
Ang buong akala ko ay makakaligtas na ako mula kay Matt at sa mga pangungulit niya sa akin. Hindi pa pala. Ito na nga lang isang buwan na ito ang ibibigay ko para sa sarili ko para magrelax at kalimutan muna ang lahat panandalian tapos e-eksena pa siya?
Sa buong duration ng biyahe namin sakay ng eroplano ay hindi ko siya inimikan. Mabuti na lang at hindi kami magkalapit ng seats. Hindi ko kakayanin kung pati iyon ay mangyari pa. Sa madaling salita, wala na rin akong nagawa. Ang mga kaibigan ko na ang nagdesisyon. Tinanong ko sila kung anong opinyon nila sa pagsama ng lalakeng 'yon at pare-pareho lang sila ng isinagot. 'Push!'
Thinking that I would spend a month with Matt is suffocating me already. Ngayon pa lang ay nakikita ko na ang sarili kong nagpupuyos sa inis at hindi mag-e-enjoy kapag nand'yan siya. Sana pala ay hindi na lang ako sumama.
"Ako na d'yan," napatingin ako kay Matt nang bigla nitong kunin ang maletang hinihila ko. Kabababa lang namin ng eroplano matapos ang lagpas isang oras na biyahe.
"Kaya ko na," kinuha ko 'yon sa kanya at humabol sa mga kasamang nauuna.
"Sungit mo naman sa akin," hindi ko siya pinansin sa likuran ko. "Hindi ka ba masayang kasama ako rito sa Palawan?" napapikit ako nang marinig 'yon. Pinipigilan ang sariling huwag sumabog rito sa airport. Alam kong alam na niya ang sagot ko roon.
Nagmadali na akong humabol sa mga kasama at hindi siya sinagot. Kalalapag pa lang namin sa Busuanga airport pero parang gusto ko nang bumalik sa Manila. Balik na kaya ako? Isang oras-mahigit lang naman ang biyahe, eh. Kaso ang pinamasahe ko? Masasayang. Napailing ako habang patuloy sa paglalakad. Kung bakit ba naman kasi nandito ang lalakeng 'to? Parang anumang minuto ay masasampal ko siya sa inis dulot ng kayabangan niya. Kagigil.
BINABASA MO ANG
Hate and Maybes [Completed]
Romance[Formerly 'With All My Hate and Maybes'] Puno ng poot ang puso ni Bruce Caswell. Hindi siya naging batch valedictorian. Dismayado ang mga magulang niya. At ngayong tapos na siya sa kolehiyo, saka naman sumikip ang mundo para sa kanya at sa dalawang...