Kabanata 28

865 64 4
                                    

BRUCE

"Bruce! Bruce!"

"Bruce Ivan Caswell!"

"Buksan mo 'to, dali!"

Kahit inaantok pa at hindi gaanong maimulat ang mga mata, napilitan akong bumangon mula sa kama, kinuha ang cellphone mula sa bedside table para i-check ang oras bago pupungas-pungas na naglakad palapit sa pinto ng kwarto ko.

Walang tigil ang pagkatok ng mga kaibigan ko mula sa labas. Umagang-umaga ay naghihihiyaw sila. Hindi ko alam kung bakit alas sais pa lang ng umaga ay ang taas-taas na ng mga energy nila sa katawan. Ang usapan, alas otso kami mag-aalmusal bago mag-intindi sa pag-alis sa villa ng alas dies.

Hindi pa gaanong gising ang diwa ko nang buksan ko ang pinto. Kinukusot-kusot ko pa lang ang mga mata ko pero tumitili na agad si Krystal at halos ingudngod na sa harap ko ang cellphone na hawak.

"Look!" masayang sabi niya at bago ko pa mabasa 'yon, agad niyang binawi ang cellphone sa harap ko at nagtatalon sa tuwa. Nangunot ang noo ko. Para kasi itong baliw. Actually, silang tatlo. "Viral 'yong video mo habang kumakanta kagabi sa open mic, Bruce! Sikat ka na!" eksaheradang sabi nito dahilan para mawala ang antok na nararamdaman ko. Ano?!

Hindi ako maka-react agad dahil naguguluhan pa rin ako at hindi naniniwala sa sinabi ni Krystal. Nangti-trip ba ang mga 'to?

"Grabe, tingnan mo, Bruce!" si Gus na manghang-mangha habang nakatingin sa cellphone niya bago ito itapat sa harap ko. "200k views, 14k shares, and 36k reactions in just 8 hours sa Facebook!" nagulat ako sa nakita ko sa screen. "And 9k plus comments!" napatitig ako roon at napagtantong totoo nga ang sinabi nito.

Kinuha ko ang cellphone na hawak ni Gus at tiningnan ang video na nakapost. Sa account ni Krystal 'yon nakapost at in-upload niya 'yon kagabi bago kami umuwi galing sa fiesta.

The caption says 'Better Man (Bruce's Version) - My friend's 'Sorry/I Want You Back song' for the love of his life, Matt. Nakakakilig na nakakaiyak! So proud of my friend!' at sinamahan pa ng hearts and crying emojis. No way!

Makikita sa video na kumakanta ako ng sarili kong bersyon ng kantang Better Man. Hindi ako makapaniwala. Lalo na nang makita ang mga views at comments roon. Nadadagdagan kada refresh ko ng post.

"Totoo ba 'to?" tanong ko sa kanila at binalik ang cellphone kay Gus.

"Nagulat nga rin ako kanina nang magising ako!" si Krystal. "Tatambay lang sana ako sa labas para tumingin ng social media accounts ko. Pag-open ko ng data, halos sumabog ang notification bar ko sa dami ng interactions sa video na in-upload ko kagabi! Kaya ginising ko agad 'tong dalawa at dumiretso rito para ipakita sa 'yo. Viral ka na, Bruce!" paliwanag niya na hindi pa rin mawala ang tuwa sa matinis nitong boses.

Hindi ako makapagsalita.

"Yung mga comments at hashtags, nakita niyo?" sabik na sabi ni Tamara habang ini-scroll ang comment section ng video sa cellphone niya. Pinakita niya ito isa-isa sa akin. "Ayan, oh. Grabe! May ilan pang artista na nagcomment!"

Nagtilian ang tatlo.

Kinuha ko ang cellphone mula kay Tamara at isa-isang binasa ang mga comment at hashtag roon. Hindi ako makapaniwala sa mga nababasa.

"Best cover of Better Man! Kakilig!"

"Swerte nung Matt! #SinoSiMatt"

"Grabe! #SorrySong #SinoSiMatt #SorrySongForMatt"

"Kinikilig ako sa boses! #Mattinde!"

Hate and Maybes [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon