Kabanata 20

1K 67 4
                                    

BRUCE

I was about to light my cigarette when Matt got back from using the bathroom. He snatched the cigarette from my mouth. Kinuha rin ang lighter na hawak ko bago umupo sa tabi ko. I furrowed my brows. Lalo na nang ilahad niya sa akin ang hawak na maliit na eco bag.

"Hindi ka pa kumakain," sabi niya at inilagay sa likuran ang inagaw na sigarilyo at lighter sa akin. "Bawal ka munang magsigarilyo." Ngumiti ito nang maliit.

Gustuhin ko mang mainis sa kanya, hindi ko magawa. Nang maamoy ang kung anong laman ng eco bag na dala niya, nakaramdam ako ng gutom. Sa pagmamadali ko kanina at sa tagal ni Matt mag-ayos, hindi na kami nakakain ng umagahan. Ngayon ay tanghali na.

"Ano 'tong mga binili mo?" tanong ko habang tinitingnan ang laman ng eco bag.

"Nabili ko doon sa nadaanan nating food stall kanina." Sabi ni Matt pero ang mga mata ko ay naroon pa rin sa eco bag at hinahalungkat ang mga laman nito para ilabas. "Naalala kong hindi pa pala tayo kumakain. Kaya bumili ako para dito na natin kainin."

Natakam ako habang inilalabas ang mga pagkain mula roon. May dalawang medium-sized disposable container na may lamang shawarma rice at dalawa ring malaking hamburger. There are two bottles of mineral water and two cans of coke. Kumulo ang tiyan ko sa gutom.

"Sige na," sabi niya at nang tingnan ko ay nakangiti sa akin. "I know you're hungry. Kumain na tayo." Pagkasabi niya no'n ay hindi na ako nagpigil pa at binuksan agad ang disposable container ng shawarma rice.

Kumuha rin siya ng kanya at binuksan 'yon ngunit parang hindi siya gutom dahil sa bagal niyang sumubo. Nakailang subo na ako ng kanin pero siya ay parang nakakadalawa pa lang. Nakatingin ito sa akin habang nakangiti. Nailang ako kaya pinuna ko agad siya.

"Huwag mo nga akong tingnan habang kumakain," sabi ko habang patuloy sa pagnguya. "Ayoko nang pinapanuod ako kapag ganito ako kagutom." Nahihiya kong sabi kay Matt.

Natawa ito nang mahina.

"Ang cute mong kumain. You look like a hungry cat." Tumawa ito nang sabihin 'yon kaya nangunot ang noo ko. Hindi ko alam kung mao-offend ako sa sinabi niya o matatawa rin. Totoo rin naman kasing gutom na gutom ako ngayon.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Sinunod ko ang burger at agad na kumagat roon nang malaki. Nasobrahan ata ang pagkagat ko kung kaya ay muntikan na akong mabilaukan.  Napatalikod ako dahil sa hiya habang umuubo-ubo.

"Dahan-dahan lang kasi," nang lumingon ako kay Matt, nakababa na ang pagkain niya sa bench at ngayon ay hawak na ang bukas na bote ng mineral water at ibinigay sa akin. Agad ko 'yong kinuha at ininom. "Don't rush, okay?" nakatawa nitong sabi sa akin pagkatapos kong uminom.

Nahihiya ko siyang tiningnan.

"Sorry naman, gutom lang." Pagsasabi ko ng totoo at tiningnan ang pagkain niya. "Kumain ka na nga d'yan. Lalamig 'yang sa 'yo. Hindi ka ba gutom?" tanong ko rito.

"Kanina, oo, pero noong nakita kita at kung paano ka kumain, nabusog na ako." Nakangiting banat niya sa akin. Para siyang engot kaya sinamaan ko siya ng tingin bago umiwas. "Kumain ka lang d'yan para may lakas ka pagpunta natin doon sa shop."

At 'yon nga ang ginawa ko.

Itinuon ko ang atensyon ko sa pagkain. Nag-enjoy ako masyado sa pagkain habang nakatingin sa paligid ng plaza kaya hindi kami masyadong nag-usap ni Matt. Kumakain rin naman siya pero hindi gaano. Ang mga mata kasi nito ay palaging nasa akin. Naiilang ako pero hindi ko na lang siya pinansin. Ganito naman siya palagi sa akin.

Naalala ko tuloy noong mga estudyante pa lang kami. When he started courting me. Nagdadala siya ng mga pagkain sa building namin tapos kakainin namin nang sabay sa rooftop. Kahit wala kaming upuan at nakatayo lang habang nakadungaw mula sa taas, hindi ko maipagkakailang nag-enjoy ako roon.

Hate and Maybes [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon