Kabanata 9

1.1K 74 2
                                    

BRUCE

Kasabay ng paghits at pagbuga ng usok mula sa sigarilyo habang nasa dalampasigan ngayong gabi, nakaupo sa isang flat na driftwood, hindi ko mapigilan ang sarili na bumalik sa nakaraan.

Mabibilang lang siguro sa sampung daliri ang beses kung kelan kami pumunta sa beach ng pamilya ko. Malimit lang 'yon katulad kung gaano kalimit umuwi ng Pinas ang mga magulang ko. Madalas, sa mga napuntahan naming beach, si Kuya Winston ang kasama ko at ang ilang mga kaibigan niya noong high school at college. Busy kasi madalas sina Mom and Dad kahit noong hindi pa sila nagpapabalik-balik sa Australia.

May marketing firm kami na nakabase sa Australia. Sa Adelaide. Noon, isang beses lang sa isang taon sila magpunta roon dahil pinapa-manage nila sa mga tauhan na Australiano ang kompanya. Ngayon, isang beses na lang sila umuwi sa isang taon rito sa Pinas, at kung minsan ay hindi pa.

Lalo na noong mag 14 ako. 18 lang si Kuya Winston noon at sa kanya ako ibinilin ng mga magulang namin. Siya rin ang nagma-manage ng ginagastos namin galing kina Mom at Dad. May dalawa kaming housemaids sa bahay at isang driver noon. Ngayon na mayroon na kaming tig-isang kotse ay kami na ang nagmamaneho kung saan kami pupunta. Wala na rin kaming housemaids. Desisyon ni Kuya Winston. Gusto niya kasing matuto ako ng gawaing bahay. Nangyari naman iyon.

Noong mag 18 ako, bukod sa kotse na regalo ng mga magulang, nagkaroon na rin ako ng personal bank account. Noon kasi ay si Kuya Winston dahil wala pa ako sa legal na edad at baka kung anu-ano lang ang paggamitan ko ng pera.

Sa totoo lang, sa kanya ko natutunan lahat ng mga alam ko ngayong malaki na ako. Gawaing bahay, paano magmaneho, tamang paggastos, at lalong magpursigi sa pag-aaral. He was definitely my idol when it comes to academics. Walang makakatalo sa kanya. Kaya nga proud na proud sina Mom at Dad kay Kuya, eh. Lalo na noong grumaduate siya na may karangalang katulad ng kanila.

My parents wanted Kuya Winston to manage our firm in Australia. Gusto ng mga magulang ko na magpunta siya roon para maasikaso ang kompanya. Gagawin raw siyang CEO agad-agad. Tumanggi si Kuya Winston. Bukod raw sa may iba siyang plano sa buhay niya, ayaw niya akong iwan sa Pinas. Pareho naming alam na kahit tanggapin niya iyon ay hindi pa rin madalas makakauwi sina Mom at Dad rito. Malaki na rin naman daw ako at kaya na ang sarili kaya huwag na raw akong alalahanin. Kaso si Kuya Winston, wala talagang hilig sa pag-aasikaso ng kompanya namin. Hindi na siya pinilit. Pinursue niya 'yong gustong-gusto niyang trabaho. Ang maging isang game developer.

At ako? Ni-hindi man lang nila kinonsidera kung gusto ko bang i-manage ang kompanya. Para bang sa una pa lang ay wala na ako sa option at duda na magagampanan ko iyon kung sakali. They never asked. Lalo't ngayong graduate na ako ng kolehiyo. Kung tatanungin ako kung gusto ko bang pumunta ng Australia para sa trabaho roon? Hindi ko alam...ewan. Siguro.

Ang alam ko lang, kung may pagkakataon pa, gusto kong makita nila akong gawin ang best ko...at maging proud sila sa akin. Ulit.

"Mukhang mas malalim pa sa dagat ang iniisip mo, ah?"

Nagulat ako at nagbalik sa reyalidad nang marinig ang boses ni Matt sa likuran ko. Natigilan ako sa paghits ng sigarilyo. Nilingon ko siya at iritadong tiningnan.

He was wearing a black tank top at beach shorts. Yumakap iyon sa may kalakihan niyang katawan. Madilim nang kaunti at mga ilaw lang sa labas ang liwanag pero kitang-kita ang morenong kulay ng katawan niya. Minsan, hindi ko mapigilang mapaisip kung bakit ganito ang balat niya, e mukha naman siyang banyaga. Suits him, anyway. Katulad ng sabi ng mga kaibigan ko, his skin color makes him hotter. Hindi ko naman ipagkakaila iyon.

"Titig na titig ka na naman sa akin," pagpuna niya nang mapansin iyon. Nakangisi siya at lalong lumapit. Humarap akong muli sa unahan. "Magdi-dinner na raw. Hinahanap ka na ng mga kaibigan mo." Sabi niya at umupo sa tabi ko.

Hate and Maybes [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon