Kabanata 10

1.1K 76 5
                                    

BRUCE

Boring. That's how I would describe my first few days in Coron. Maganda naman ang lugar. Masarap titigan ang dagat. Masaya umupo sa puting buhanginan kapag dapit-hapon at hindi na mainit. Ngunit nakakabagot rin pala.

Ang mga kaibigan ko naman ay kabaligtaran ng nararamdaman ko. In fact, they had so much fun the past few days. Nagtatampisaw sa tubig kapag umaga hanggang matusta sa tanghali, magchichismisan sa hapon, tapos haharutin si Matthew sa gabi. Iyon ang mga kaganapan nila.

Si Matt, on the other hand, mukhang hindi naman nababagot. Inaantay ko ngang mainip siya para tuluyan na siyang umuwi sa Maynila. Parang hindi naman 'yon nangyayari. Lalo pa akong kinukulit. Hindi ko lang rin talaga siya masyadong kinikibo. Ayokong isipin niya na okay na ako with him around. Sa mga kaibigan ko, oo, okay siya sa kanila. Sa akin ay hindi.

Depende na rin siguro sa tao 'yon kung paano sila magpapalipas ng oras at maghahanap ng pagkakaabalahan. Ako kasi ay kung wala sa labas, sa veranda ng villa, ay nasa loob ng kwarto. Kahit ilang beses rin naman nila akong niyaya na makisama sa kwentuhan at kulitan. Mas pinipili kong matulog na lang. With Matt around, hindi ako kumportable. Parang iba sa pakiramdam kapag magku-kwentuhan kami ng mga kaibigan ko at nandyan siya, nakikinig. Hindi naman kasi kami magkaibigan. He's not part of our circle, so I guess it's normal to feel this way. Weird. Pero sa aming dalawa, ako pa 'yong feeling outcast sa sarili kong mga kaibigan. Niloloko nga ako ng mga kaibigan ko na si Matt na lang daw ang palit sa akin sa grupo. Mga loko-loko!

Wala pa mang isang linggo ako rito, pinapauwi na ako ni Kuya Winston, bagama't pabiro ay alam kong nalulungkot siyang mag-isa sa bahay. Araw-araw ko rin naman siyang ina-update. Kailangan nga lang lumabas dahil walang signal ang sim sa loob ng villa. Wala rin kasing WiFi sa loob. Isang TV lang ang mayroon sa sala, tatlo lang ang channel, at madalas hindi naman namin nagagamit. Kapag bagot na talaga ako, lumalabas ako para manigarilyo sa harap ng dagat. Ang kaso lang, ilang piraso lang ang nadala ko magmula noong dumating kami rito. Nakalimutan kong magbaon dahil ang kapatid ko mismo ang tumulong na mag-empake ng maletang dadalhin. Saan ko naman isisingit 'yon? Pare-parehong hindi naman naninigarilyo ang mga kaibigan ko.

"Doon sa dulo, sa kanan, mayroon doong tindahan. Mahal nga lang roon dahil malaki ang patong. You know naman!" si Gus nang magtanong ako kung may nabibilhan bang tindahan ng sigarilyo na malapit.

Noong unang araw namin, may nakita kaming mga tindahan malapit sa villa. Pinuntahan ko 'yon kanina, hindi naman nagbebenta ng yosi. Puro mga pagkain at inumin lang. Malayo-layo kasi ang villa sa mga resort at hotel na nandito kaya kung gusto mong may mahanap na matinong tindahan kung saan makakabili ng wala sa mga sari-sari store, kailangan mo pang maglakad nang malayo. Turns out, wala rin palang tindahang nagbebenta ng yosi malapit sa villa.

"Sasamahan kita," alok ni Matt.

Katabi ko ito sa hapagkainan, kumakain kami ngayon ng tanghalian nang ibrought-up ko ang tungkol sa yosi at tindahan. Inilingan ko ito.

"Hindi na." Sabi ko at inubos ang pagkain sa plato. "Ako na lang."

"Malayo 'yon, Bruce." Si Tamara.

"Magpasama ka na kay Matt." Ani Krystal.

Pareho ko silang inilingan nang seryoso. "Kapag ba nagpasama ako sa kanya, lalapit 'yong tindahan?" sarkastiko kong pagbibiro. Natawa sila. Binalingan ko si Matt na nakangiti sa akin. "Kaya ako na ang pupunta. Baka may ipabibili kayo?" tanong ko.

"Sa akin, chips!" agad na sabi ni Tamara. "Saka pala burger at fries." Nangunot ang noo ko sa sinabi niyang huli.

"Gaga!" binatukan siya ni Gus. "Hindi restaurant ang pupuntahan niya." Nagtawanan ang mga kasama.

Hate and Maybes [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon