Kabanata 26

883 65 6
                                    

BRUCE

Sa loob ng ilang araw, pagkatapos ng lahat ng mga nangyari at nalaman ko, marami akong na-realize.

Totoo nga talagang mahirap ang magtiwala. Mahirap ibigay ang tiwala nang basta-basta. Lalo na sa isang taong hindi mo gaanong kilala. Trust is something you earn and not something you get, forcefully.

Traydor rin ang sarili.

Minsan, naibibigay natin 'yong tiwalang 'yon sa isang taong akala natin ay mapagkakatiwalaan. A person we thought was trustworthy. Tapos, gugulatin na lang tayo ng reyalidad na mali tayo ng pinagkatiwalaan. Minsan pa nga, 'yong akala natin ay hindi mapagkakatiwalaan, sila pa 'yong dapat talaga nating pagkatiwalaan. We judge too quickly. Kaya kahit malinis naman 'yong intensyon ng tao, hindi natin magawang pagkatiwalaan ito. Kasi ang nakikita natin, 'yong mga bagay na masama tungkol sa kanya. 'Yong mga nagawa niyang mali sa nakaraan. Doon natin binabase 'yong tiwalang ibibigay natin sa isang tao. Kung pagkakatiwalaan ba natin sila o hindi.

Guilty ako sa lahat ng 'yon.

Mali naman talaga ako ng pinagkatiwalaan. I should've trusted Matt when he said that he was trying to change...for me. Alam kong hindi ko masisisi ang sarili ko nang buo, dahil sa nakaraan naming dalawa, pero sana kahit papaano, naiparamdam ko 'yong tiwalang alam kong deserve niyang makuha galing sa akin.

But you know what? Siguro may magandang naidulot rin 'yong tiwalang binigay ko sa isang taong hindi ko dapat pinagkatiwalaan.

Trusting Caleb was one of my biggest mistakes...but I learned a lot from it.

I realized a lot from trusting the wrong person. Nasira ang tiwalang binigay ko sa kanya at nasaktan ako. Pero kung hindi ko ginawa 'yon, baka hanggang ngayon, hindi ko pa rin napapalaya ang sarili ko mula sa inggit at galit na nararamdaman ko sa kanya for being second to him in our university. Hindi ko sana mare-realize kung gaano ako ka-childish at ka-selfish na klase ng tao.

Galit pa rin ako sa kanya, oo, pero hindi na tungkol roon. He lied to me and used me for his own benefit. Trusting him made me realize who I should've trusted more...at si Matt 'yon. Sa lahat ng mga nalaman ko, isang bagay lang ang sigurado ako ngayon.

That my feelings for Matt remain the same...gusto ko pa rin siya despite our bitter past. 'Yon ang katotohanang pilit kong itinanggi simula noong third year kami hanggang sa dumating 'yong araw na naglapit ulit ang mundo naming dalawa. I only told him that I liked him. Noon. Hindi ko sinabi ang totoong nararamdaman ko para sa kanya. Ngayon.

Hindi ako nagkaroon ng lakas na sabihin 'yon sa kanya.

At ngayon? I don't know how to reach him. Maski ang mga kaibigan ko ay hindi siya ma-contact matapos ang araw na umalis siya rito sa Coron. Siguro ay nasa Maynila na siya ngayon. Siguro rin ay tototohanin niya ang sinabi niya sa akin noong araw na 'yon...na hindi na niya ako guguluhin pa. It hurts me every time na maaalala ko ang mga sinabi niya at kung paano ko siya nasaktan. Ngayon, hindi ko alam kung paano siya kakausapin at kung paano hihingi ng tawad sa kanya. All I know is, malinaw na sa akin ang lahat. Gagawin ko ang lahat para makausap ulit siya. Para maging okay kami ulit.

Pagkatapos ng mga kaganapan noong isang araw, tinanong ako ng mga kaibigan ko kung gusto ko nang bumalik sa Maynila at umalis na ng Coron. Ang sabi nila, kung gusto ko raw, babalik na kami. Tumanggi naman ako.

Ayokong maging selfish sa kanila dahil lang sa mga nangyari. Isa pa, ilang araw na rin lang naman at babalik na rin kami sa syudad. Wala ring point kung ngayon pa kami aalis. So, we stayed.

Pinili kong maging positibo na lang habang hindi pa kami umaalis rito sa Palawan. Kahit dinadamdam ko pa rin ang mga nangyari, unti-unti kong tinatanggap 'yon at pinipilit maging okay para sa kanila. Wala rin namang mangyayari kung magpapakalugmok ako sa pag-alis ni Matt. Iniisip ko na lang na ilang araw na lang mula ngayon, magkikita na ulit kami sa syudad, at kakausapin ko siya. Iyon ang una kong gagawin.

Hate and Maybes [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon