Kabanata 27

915 66 3
                                    

BRUCE

Ito na ang huling gabi ko rito sa Coron.

Alas sais pa lang, nagtungo na kami sa kabilang bahagi ng dalampasigan, sa barangay hall at plaza kung saan nagaganap ang malaking bahagi ng fiesta.

Katulad ng inaasahan, maraming tao ang dumalo. 'Yong iba ay mga lokal ng Coron at ang iba naman ay kung hindi galing sa ibang parte ng Palawan, mga dayo pa mula sa iba't ibang lugar. Mahahalata naman sa mga suot ng iba rito. Karamihan kasi sa mga taong nakakasalubong ko ay simple lang ang pananamit ngunit ang iba ay kapansin-pansin ang pagka-high fashion at above average ang pormahan. Lutang na lutang!

Kami ng mga kaibigan ko, simple lang ang suot dahil malapit lang naman ito mula sa villa. Ako, nakasuot lang ng simpleng puting T-shirt na medyo maluwag sa akin at itim na ripped jeans. Naka-flip flop sandals lang ako dahil hindi ako kumportableng magsapatos lalo na't halos lahat ng aapakan namin ay buhangin. Naka-blouse at maong shorts lang sina Krystal at Tamara. Si Gus ay gano'n rin. Naka-maong shorts rin katulad ng dalawang babae. Ang kaibahan lang ay naka-floral off-shoulder crop top siya. Naka-flip flops lang rin sila.

Kanya-kanya kaming tingin sa mga booth at stalls na nakatayo sa palibot ng plaza at barangay hall. Si Gus ay nandoon sa photo booth na napakamahal. Isang daan ang isang kuha ng litrato. Kaya rin siguro kaunti ang napila roon. Si Krystal naman ay tumitingin sa mga cute na handmade keychain. Mahilig siya sa mga gano'n. Nang lingunin ko kung nasaan si Tamara, ayun, nagpapalipat-lipat sa mga food stall. Kanina ay nasa stall siya ng buy one-take one na shawarma, ngayon ay nakapila naman sa may takoyaki. Habang ako, heto at nakatingin sa isang high-quality bracelet stall na katabi ng stall ng mga phone cases. Tumitingin ako ng posible kong magustuhan na bracelet. Hindi naman para sa akin kundi para kay Kuya Winston, souvenir, at para kay...Matt.

Maingay rito at maririnig ang tawanan ng mga tao. Halatang masaya at nagkakasiyahan sa mga stall at booth na dinadaanan. Nakakatuwa silang tingnan. May ilang mga batang umiiyak dahil hindi napagbigyan ng magulang sa gustong tinuturong laruan. Ang ibang bata naman ay nag-e-enjoy sa panunuod ng magic tricks na pineperform ng isang grupo ng kalalakihan sa gilid ng barangay hall.

The whole place radiates fun. Sa plaza ay naka-set-up ang isang hindi kalakihang stage. Wala pang nagtatanghal pero marami na agad ang tao sa palibot no'n. May mga microphone stand sa gitna at mga upuan. Doon siguro magpe-perform ang bandang kinuha ng barangay. Siguro ay doon na rin ang iba pang activities kasama na ang open mic na magaganap mamaya.

Nang paalis na ako sa bracelet stall, nahagip ng mga mata ko ang isang lalake sa dagat ng mga tao, hindi kalayuan mula sa akin. Si Caleb 'yon. Nagkatinginan kaming dalawa. Nakasuot siya ng pink na long-sleeve polo at jeans. Pilit itong ngumiti sa akin ngunit hindi ko magawang ibalik 'yon sa kanya. Hindi rin nagtagal ang mga mata ko sa kanya nang hilahin ako ni Gus patungo sa isang stall.

Habang pinapakita sa akin ni Gus ang mga tindang alahas sa stall na 'yon, hindi pa rin mawala sa isip ko si Caleb. Magpapaka-hipokrito ako kung sasabihin kong hindi na ako nakakaramdam ng galit sa kanya. Pagkatapos ng mga nalaman ko noong nakaraang mga araw, nagbago na ang pagtingin ko rito. Masakit pa ring isipin ang ginawa niya sa akin. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako kapag naaalalang nilapitan at kinaibigan niya ako dahil sa kagustuhan niyang mahulog ang loob ko sa kanya at huwag sagutin si Matt sa panliligaw nito...dahil may nararamdaman siya para kay Matt.

Kahit pa sabihin niyang nagbago ang pananaw niya nang makilala at makasama ako, na nahulog na siya sa akin, hindi pa rin sapat 'yon para mawala ang sakit at galit na dinulot niya sa loob ko. Lalo pa't parte siya ng dahilan kung bakit ganito kami ngayon ni Matt...magkalayo.

"Hoy, ano, Tam? 'Di ba, mag-o-open fekfek ka mamaya?!" pang-aasar ni Gus matapos naming umalis sa jewelry stall at makasalubong sina Tamara at Krystel. "Galingan mo, ha!"

Hate and Maybes [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon