Wala sa mood si Cassie na pumasok sa opisina kaya naisipan nalang niyang mag malling.
Matagal tagal na din kasing di siya nakapagshopping since naging busy na nga siya sa work.
Habang nagdadrive ay tinawagan niya si Crizza. Laking tuwa naman nito ng malamang magsashopping sila.
"Okay lets just meet at the mall.. Bilisan mo ha?" nakataas pa ang kilay ni Cassie habang nagsasalita. Animoy kaharap niya ang kausap.
"Hmp! Para namang ang lapit lapit ng mall na sinabi mo.. Hello! Nasa kabikang ibayo kaya ako!" reklamo ni Crizza.
Napangiti naman si Cassie. Kahit di niya nakikita ang kausap ay alam niyang nagkandahaba ang nguso nito.
Nasa antipolo pa kasi ito at may inasikaso.
Tinawanan lang niya ang kaibigan at saka pinutol ang tawag.
She's happy now. Ilang weeks nalang at babalik na siyang NY. At gusto niyang kasama si Dred upang formal na ipakilala sa magulang.
Sinubukan niyang tawagan ang binata pero mukhang busy ito at di sinagot ang tawag niya. Tinatamad naman siyang pumunta sa opisina kaya hinayaan nalang muna niya.
Pagkapark ng kotse ay tuloy tuloy na pumasok na si Cassie sa loob. Namili muna siya ng kainan upang doon nalang hintayin si Crizza.
Nang makaorder ay inabala niya ang sarili sa pagscan ng documents. Malapit na ding ma approve ang papers sa kanyang botique.
"Bitch! Sorry natagalan ako.." bungad kaagad ni Crizza ng makalapit. Cassie rolled her eyes at her.
"As if naman may bago sa pagiging late mo!" sagot niya at isinara ang laptop. Napairap naman si Crizza.
"Hindi naman madalas noh! Graveh ka!" reklamo nito. Kumain na rin sila habang panay ang kwentuhan.
Matapos kumain ay kaagad na nagtungo sila sa kanilang favorite botique sa mall na iyon.
"Oi bitch! Balak mo bang bilhin lahat ng paninda nila?" tanong ni Crizza ng makita ang gabundok na yata sa dami ng napili niya.
"Don't mind me.. Mamili ka lang dyan at alam kong kating kati ka na rin na magshopping!" sagot ni Cassie at tuloy tuloy na sa cashier. Di naman magkandaugaga ang sales lady sa pagpapunch ng kanyang mga napili.
Ganyan talaga siya pag nagsashopping. Lahat ng magusyuhan niya binibili niya kaagad. Never minding the price. Kaya naman niyang bayaran ito sa daming pera niya.
Nag-ring naman ang cellphone ni Crizza kaya naman lumayo sya para sagutin ito. Actually kanina pa sya nagtetelebabad magmula noong dumating dito sa mall. Pagkatapos nyang makipag-usap lumapit na ulit sya kay Cassie.
"Sino yun?" curious na tanong niya sa kaibigan.
"Ahh. Si Philipp." Sagot nya.
"Sinong Philipp? New found friend?" napakunot noong tanong ni Cassie. As far as she can remember eh wala naman siyang kilalang Philipp at iba din ang pangalan ng bago nitong bf.
"medyo, let's go?" pag-aya ulit nya.
"Baka naman mukhang magtataho lang yan na nabihisan hah? Di bagay sa beauty mo. ." pagpuna ni Cassie sa kaibigan.
Umirap naman si Crizza.
"Grabeh naman! Wagas ka talagang makapanlait. Syempre pipili naman ako ng presentable nang di mo mapintasan lagi noh?." Sagot nya habang naglalakad kami.
BINABASA MO ANG
CASSANDRA: The Bitch Princess
Fiction générale(Completed) She's a princess.. No erase that one. She thinks she's a princess.. A priceless.. A precious one.. Bitch among the bitches.. You think you already know her? Well, think again.. Coz you might be wrong.. She is Cassandra.. the bitch prince...