22: Angry Cassandra

7.4K 176 6
                                    

---

Napatingin ang iilan sa ingay na likha ng pagkahulog ng baso.

Pasimpleng ngumiti si Cassie sa mga bisita.

"Oooppss! Sorry, it slipped.." usal niya at dinampot ang baso sa lapag. Nag-excuse siya kay Ali upang magtungo sa CR.

Ayaw naman niya kasing magmukhang tanga na naiiyak doon dahil wala namang nakakaalam sa namagitan sa kanila ni Dred.

At ayaw niya ring pagmukhaing tanga ang sarili.

Sa CR niya ibinuhos ang lahat ng sama ng kalooban. Ang sakit na nararamdaman. She feel betrayed once more..

Tahimik siyang nagnagis habang nakatingin sa salamin.

What's wrong with me? Bakit di niya ako makuhang mahalin? Bakit palagi niya akong sinasaktan?

Dahil sa galit ay inihagis niya ang cellphone na hawakhawak lang. Gusto niyang sumigaw at magwala. Pero pilit niyang kinontrol ang sarili.

Nang mahimasmasan ay humugot siya ng malalim na buntong hininga at saka naghilamos. Buti nalang at mag-isa lang siya sa napakalaking comfort room ng hotel na iyon, walang ibang nakasaksi sa kanyang pagnanagis.

Matapos ayusin ang sarili ay lumabas na din si Cassie. Naabutan pa niyang nakaabang sa may pintuan si Ali.

Bakas ang pag-aalala sa itsura nito.

"Are you okay?" tanong nito at hinawakan sa braso si Cassie. Nginitian naman niya ito ng matamis.

"Of course im fine.. Ano ka ba! The party is starting.. Lets go and have some fun!" energitic na saad ni Cassie at mahinang tinampal ang braso ni Ali.

Napangiti naman ang binata ng makitang saya sa mukha ni Cassie. Kaagad na hinawakan niya ang braso ng dalaga at muling iginiya pabalik sa party.

Pero di pa sila nakalayo sa cr ay nakasalubong nila si Tanya. Kaagad na napangisi ito ng makita si Cassie.

"Oh! So dito ka pala nagtuloy matapos mong mang-agaw eksena sa party ko? Ano yun? Frustration dahil akala mo mapapansin ka ni Dred?" puno ng pang-uuyam na saad ni Tanya. Nakapameywang pa ito at nakatikwas din ang isang kilay.

"Tanya, stop it.." sawata ni Ali.

Naikuyom naman ni Cassie ang kamao sa tinitimping galit. Pero iba ang ipinakita niya.

Ngumiti siya muli at ipinakita pa kay Tanya na di siya apektado.

"Oh! Sorry kung nasapawan pala kita. Not my intention to do so.. Masyado lang kasing madulas ang baso kaya nahulog sa kamay ko. Anyway, hindi naman ako apektado sa pagpapakasal niyo eh. You can have him all you want. Kaya lang...." bahagya pang ibinitin ni Cassie ang iba pang sasabihin at tiningnan si Tanya mula ulo hanggang paa.

Nakasuot kasi ito ng isang all black na kumikinang na damit at hapit sa katawan. Kitang kita pa ang dibdib nitong halos wala na yatang natatakpan.

Naningkit naman ang mata ni Tanya sa napansing panunuri ni Cassie.

Ngumiti lang si Cassie at nilampasan si Tanya. Pero kaagad nitong hinawakan ang braso niya.

"Kaya lang ano..?" galit na tanong ni Tanya sa kanya.

"Kaya lang.. Bantayan mong mabuti ang mapapangasawa mo. Malay mo, iba na pala ang hanap niya. Yung mas seksi at hindi pa overused.." bulong ni Cassie at ipiniksi ang kamay niyang hawak ni Tanya. Saka siya tuloy tuloy na nilagpasan na ito. Ali just chuckled. Narinig naman niya ang sinabi ni Cassie kahit pa may kahinaan ito.

Hindi ka pa rin talaga nagbabago Cassandra Valle.. A princess with so much arrogance and bitchiness..

Hindi naman nakapagsalita si Tanya. Nanlalaki ang mata niya sa sinabi ni Cassie..

Overused!? What the hell! May araw ka rin Cassandra Valle! Gagantihan kita sa pangmamatang ginawa mo!

SAMANTALA, di malaman ni Dred kung papano magpapaliwanag kay Cassie. Hindi niya alam ang engagement party na ito at nagulat pa siya sa biglang pagsulpot ni Cassandra sa party.

Alam na ni Tanya at ng mommy ni Dred na hindi na niya itutuloy ang kasal. But hindi pa niya ito nasabi sa ama.

Matapos ang pag-anunsyo ay kaagad na hinahanap niya ang dalaga pero nahaharangan siya ng mga bisita na nakikipag-usap sa kanya.

Nang makakita ng pagkakataon ay lumabas si Dred sa function room. Palinga-linga siya sa paligid at sinuyod ng tingin ang mga bisita.

Nakita naman niya si Cassie na kasalukuyang kausap si Ali. Kaagad na nilapitan  niya ang dalawa.

"Can we talk?" seryosong tanong niya na ang mata ay nakatutok lamang kay Cassie. Tumikhim naman si Ali.

"Mukhang importante yan bro ah.. Sige maiwan ko muna kayo.." usal ni Ali. Wala namang anumang reaksyon si Cassie na pinanatiling blangko ang itsura.

"Not here!" sambit ni Cassie at nagpatiuna na sa paglalakad.

"Cassandra... I'm..." usal ni Dred na pinutol naman kaagad ni Cassie.

"Don't say sorry.. Sawa na ako sa mga salitang iyan.. Anyway, tapos na naman.. Ginawa mo na.. Sinaktan mo na ako ng paulit ulit.." saad ni Cassie na di man lang tumingin kay Dred.

"Ive never intended to hurt you, Cassandra. God knows how much i care for you.." madamdaming saad ni Dred. Bakas ang lungkot sa kanyang mukha.

"Really? Don't use God Dred.. Baka magalit Siya sayo..!" sarkastikong sagot ni Cassie.

She's hurt.. And in pained more because of what she heard from him.

"Hindi ako laruan lang Dred.. Kahit nakikipaglaro ako sa mga lalaki dati, you know how i treasure myself! Pero lahat ng iyon kinalimutan ko dahil sayo! Dahil im so DAMN LOVE YOU!" humulagpos na ang huling pagtitimpi ni Cassie. Sinampal niya ng malakas si Dred na nagpabaling sa mukha nito.

"But you never care.. You make me an idiot everytime lumalapit ka sa akin.. But i swear.. This would be the last time you'll gonna hurt me.." iyon lang at tinalikuran na ni Cassie ang binata.

Walang lingon-likod na tuloy tuloy siyang umalis at sakto namang may dumaang taksi. Kaagad niya itong pinara at nagpahatid sa kanyang condo.

They will never see Cassandra Valle's downfall....

CASSANDRA: The Bitch PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon