Hi Babe ;)

11.6K 242 33
                                    

Hi babe! Uu, ikaw na nagbabasa nito.. Salamat sa pagbigay mo ng kaunting panahon upang pansinin ang kaekekan ko huh? Btw, basahin nyo ito hanggang sa dulo. Kasi may pasabog pa ako doon..

Una sa lahat, dahil may tatlo yata akong sasabihin. (Baliw na naman ako) eh magtatanong lang ako...

Ano ang naging reaksyon ninyo sa title ko? Hahaha! Nawindang kayo ano? Hindi po bitter si Otor sa POREBER.. Mayroon na po kasi ako nun, pero #1 fan talaga ako ng walang poreber.. Hahaha! Ang gulo ko..

Pangalawa? Gusto ko na pong magpaalam at tapos na ang pagsusulat ko dito ;) smile lang at kerebels yan..

At ang pangatlo? May pasabog po ako...

Magbilang na tayo!

In a...
.
.
.1
.
.
.
.
.
.2
.
.
.
.
.
.3
.
.
.
.
.
Epilogue:

First and Last POV:
Dred Alonzo

Pinagmamasdan ko siya mula sa barstool na kinauupuan ko. She's really a hooker. Sa suot niyang micromini dress ay nangingibabaw talaga ang alindog niya sa karamihan.

"Ang ganda niya no?" tanong sa akin ni Aron. Siya ang bartender at may-ari ng bar na kinaroroonan namin ngayon.

I just nod as an answer.

"Gf nga pala siya ni Ali ngayon.." dugtong pa niya. Napakunot noo ako. So siya pala ang sinasabi ni Ali na bagong gf niya.

And with that in my mind, pumasok ang grupo ni Ali at kaagad namang sumalubong sa kanya ang babaeng kanina ko pa pinagmamasdan. Walang pakialam pa ang mga itong naghalikan.

Padarag na inilapag ko ang baso sa counter at tumayo.

"I'm going.." usal ko kay Aron at tumalikod na upang umuwi. Hindi ko alam kung bakit tila naiinis ako sa nakita kong paglalampungan ng dalawa.

I found out later that she is Cassandra Valle. A player and a bitch. At siya ang dahilan ng pagkacomatose ni Ali.

I never expect na darating ang araw na ako mismo ang gagawa ng paraan upang makalapit sa babae. Although revenge ang idinadahilan ko sa pakikipaglapit sa kanya, but i can't deny the fact na hinahanap hanap ko na siya palagi.

She brought to many sleepless nights in me. I remember her lips against mine. I remember her body how it perfectly fits and how she reacted in my every touch.

Ah! Nababaliw na nga ako kay Cassandra. Hindi ko na kayang mapalayo sa kanya.

"Tol, nagspace out ka na naman.. Parating na iyon.." bulong ni Ali na nakatayo sa aking tabi.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga at inayos ang suot kong necktie.

Pasulyap sulyap ako sa pintuan kahit pa kinakausap ako nina Aron at Ali.

It's been six months.. At ito na nga ang pinakahinihintay ko.

"Andito na siya..." narinig kong sabi ng coordinator at kaagad na inayos ang mga kasali sa entourage.

Yes, today is my wedding day..

Nagsimula ng pumailanlang ang musikang pangkasal at naglakad na rin ang mga sponsor at brides maids with their grooms men.

Bumukas ang malaking pintuan at bumungad sa akin si Tanya. She's smiling and looking beautiful in her white dress.

Nginitian ko rin siya.

Yes, i already forgive her. Ayaw kasi ni Cassandra na magtanim pa ng galit kay Tanya dahil may kasalanan din naman daw siya.

Indeed a bitch is an angel too..

"Cassandraaaa!" hiyaw ko ng makitang nahulog na silang dalawa ni Tanya.

Mabilis na tinakbo ko ang distansya ng bangin mula sa kinatatayuan ko at kahit na madilim ay pilit kong inaaninag ang bangin.

"Cassandra... Please.. Speak up! Where are you!" sigaw ko. Pero tanging boses ko lang ang umaalingawngaw sa katahimikan ng gabi.

Nanghihinang naitakip ko ang mga palad sa aking mukha at tuluyan ng napaiyak.

Never in my life i cried for a girl. But i just love her so much.

"Cassandraaaaaaaa!!!" hiyaw ko.

Ilang saglit akong nanatiling nakaluhod at tahimik na umiiyak. Napaangat ang tingin ko ng may tumapik sa aking balikat.

"Tara na Dred.. Bukas ipapahanap ko ang katawan nila." mahinang usal ni Ali. Galit na binalingan ko siya ng tingin.

"Kasalan mo to! Kung hindi mo siya kinidnap ay di mangyayari ito!" sumabat ko. Napayuko lang si Ali at walang imik.

Alam kong kahit ano pa ang sabihin ko ay tatanggapin niya.

"H-help.. Tulungan niyo kami.." mahinang ungol ang narinig namin at kaagad kaming napasilip sa bangin.

"Cassie..?" "Cassandra?" sabay naming tawag ni Ali.

"T-tulungan nyo kami.."

Kaagad na pinailawan ni Ali ng dalang flashlight ang bangin at nanlaki ang mata ko ng makitang naroon nga si Cassandra.

Nakahawak ang isang kamay niya sa malaking ugat ng puno habang hawak niya sa kabila si Tanya.

"Dred! Tulungan nyo kami! May sugat si Tanya.. Nangangawit na ako!" sigaw ni Cassandra ng makita kami.

Walang alinlangang binaba ko ang matarik na bangin. Nanguyapit lang ako sa nakausling mga maliliit na sanga at damo sa gilid ng bangin.

"Cassandra!" tawag ko at inabot ang palad ko upang mahawakan ang braso niya.

Nang mahawakan ko siya ay humawak din siya pabalik ng mahigpit. Hinila ko siya upang maiangat pero dumadausdos din ang paa ko.

"Dred ito!" sigaw ni ali at nilambitin ang isang baging na di ko alam kung saan niya kinuha.

Kumapit kami doon at unti unti kaming hinihila ni Ali paitaas.

Laking pasasalamat ni Cassie ng makaakyat na kami ng tuluyan.

"Dred!" umiiyak na yumakap siya sa akin.

"Sssshhh... Its alright.. Your safe now.."

Isang mahinang tapik ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

"She's really beautiful.. Swerte mo talaga.." bulong ni Ali.

"Yeah.. Im so blessed to love this woman." sagot ko at napangiti ng bumungad na siya sa may pintuan.

She's like a goddess in her white wedding gown na kahit may belo pang nakatakip sa kanyang mukha ay banaag pa din ang kanyang kagandahan.

"I love you.." walang boses na usal ko.

Kinindatan naman niya ako.

Hinintay kong makalapit sila ng kanyang daddy at iabot siya sa akin.

"Ingatan mo ang anak namin Dred. Dahil pag yan nasaktan uli.. Babawiin ko yan.." banta ng daddy ni Cassie.

"Hindi po.. Hindi ko na ibabalik si  Cassandra sa inyo.." pabiro kong sabi at kinuha na ang kamay ni Cassandra.

Tumawa naman si Cassie. Sabay na kaming naglakad papuntang altar.

Wala akong maintindihan sa mga sinasabi ng pari dahil ang mata ko ay nanatiling nakatitig sa babaeng katabi ko.

I so love this woman that i can't imagine myself having life without her.

.
.
.
.
The End


CASSANDRA: The Bitch PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon