Final Chapter: WALANG POREBER

8.9K 150 25
                                    

Maraming salamat sa walang sawang pagbabasa mula sa simula hanggang dito.

I hope naaliw kayo o may naramdaman kayo habang binabasa ang kaekekan ng storyang ito..

-----

Mabilis ang takbo ni Dred habang hinahanap ang kinaroroonan ni Cassie.

Panay lingap niya sa paligid at pinagmasdang mabuti ang mga yapak na nakikita.

Fuck! Where are you Cassandra?

Halos kainin na siya ng frustration dahil sa unti-unti ng dumilim ang paligid.

Malakas ang kabog ng kanyang puso at sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nakaramdam ng ganito.

Panay ang mura niya dahil hindi naman patag ang daan at mabato pa na akyat baba.

Madalas pa siyang matalisod sa mga nakausling malalaking ugat ng puno.

Cassandra...

SAMANTALA, tuloy pa din sa walang dereksyong pagtakbo si Cassie. Palingon lingon siya sa likuran pero nakikita niya pa din si Tanya na humahabol sa kanya.

"Tanya ano ba! Lubayan mo na ako!" sigaw niya sa babae. Malakas na halakhak lang ang naging tugon ni Tanya.

"No! Hindi ka na makakabalik pa kay Dred! Akin lang siya!" hysterical na sagot nito.

Mas nanghilakbot si Cassie sa narinig at mas binilisan ang pagtakbo. Pero isang maling tapak niya at napaluhod si Cassie. Naiipit ang isang paa niya sa malaking ugat na di niya napansing nakausli pala sa dadaanan niya.

Shit! Aarrrgghhh!

Napadaing si Cassie ng subukan niyang hilain ang naipit na paa. Namula ang bahaging ito ng pilit niyang hilain.

Nakalapit naman si Tanya sa kanya at napangisi.

"Kailangan mo ng mawala Cassandra.. Ako lang.. Ako lang ang nararapat kay Dred.. Asungot ka lang sa relasyon namin eh! Kundi ka dumating, malamang kasal na kami!" nakangising saad ni Tanya habang dahan dahang humakbang papalapit kay Cassie.

Patuloy naman siya sa paghila aa kanyang paa hanggang sa tuluyang makawala ito sa pagkaipit.

Mabilis na tumayo si Cassie at akmang tatakbo pero napatigil siya dahil nasa gilid na pala siya ng matarik na bangin.

Nagtaasan ang mga balahibo niya sa batok at napaatras ng makita ang kinatatayuan. Iilang hakbang nalang pala ay mahuhulog na siya ng di niya namalayan.

Binalingan niya si Tanya na nakangisi pa din.

"Oh! End... Wala ka ng matatakbuhan!" nang-aasar na wika nito at napa O pa ang bibig saka umiling iling.

"Ano ba talaga ang ipinagpuputok ng butsi mo ha Tanya?"nangunot noo si Cassie na binalingan si Tanya na nakacross arms pa sa harapan niya.

"Ikaw! Dahil sayo! Inayawan na ako ni Dred! Pabagsak na ang negosyo namin! Lahat ng kamalasan ko sunod sunod na ng umeksina ka! Malandi ka kasi! Kung hindi mo inakit si Ali, hindi ka hahanapin ni Dred! At maging siya ay inakit mo rin! Malandi ka!" Tanya burst out in ang instant.

Napailing si Cassandra..

Pakiramdam niya ay nababaliw na talaga ang babaeng kaharap. She could she her unfocused eyes upon saying those words.

"No! Its not my fault! Hindi ko kasalanang pagsawaan ka ng boyfriend mo! At wala ka ring alam sa dinanas ko dahil sa nangyari kay Ali! Bakit Tanya, sa tingin mo ba babalikan ka pa ni Dred pag nawala ako? How pathetic! Alam ko ang baho mo! Mas masahol ka pa sa akin.. Sige! Tapusin mo na ito!" panghahamon ni Cassie sa kaharap.

Wala na din naman siyang pakialam kung ano man ang mangyari sa kanya.

Alam niyang sisisihin rin lang siya ng pamilya ng binata lalo pa sa nangyari sa kanila.

Bumakas ang sakit sa mukha ni Tanya.

"Cassandra!" mula sa kung saan ay malakas na sigaw. Sabay na napatingin sina Cassie at Tanya at parehong namilog ang mata ng makita si Dred.

Hinihingal pa ito at mabilis na tumatakbo palapit sa kanila.

Bumakas ang pagkalito at takot sa mukha ni Tanya.

"No! Tumigil ka Dred! Wag mong subukang lumapit sa amin!" hiyaw ni Tanya. Inilabas nito ang isang kutsilyo. Humakbang ito papalapit kay Cassie na napaatras naman sa kaba.

"Tanya please.. Pag-usapan natin to.." pagsusumamo ni Dred. Nakaunat ang isa niyang braso na para bang pinipigilan si Tanya sa tangkang gagawin.

"Mamili ka Dred, ako o si Cassandra?" desperadang tanong ni Tanya.

Tahimik lang si Cassie. Ayaw bumuka ang kanyang bibig at nablangko yata ang kanyang utak pagkakita kay Dred.

Bumuhos sa puso at utak niya ang samut-saring damdamin.

Umiling siya. Nakatuon pa rin ang mata niya kay Dred.

"Please Tanya, wag ng ganito.. I know mahirap tong tanggapin but you know who i will chose.. Mahal ko siya..." saad ni Dred pero ang mata ay nakatutok kay Cassie.

Napaawang ang labi ni Tanya at mahigpit na umiling.

"No Dred. Hindi kita kayang pakawalan.. Sira na ako.. Sira na ang lahat sa akin! Ikaw nalang ang natirang maganda sa buhay ko!" usal ni Tanya at napahagulhol ng iyak.

Tila naman biniyak ang puso ni Cassie sa nakitang paghagulhol ni Tanya.

She never seen such a broken lady before..

"Dred... Bakit? Diba mahal mi naman ako?" hikbi ni Tanya.

"Yeah.. Before i met her.. Tanya, please.. Let her go." pagsamu ni Dred.

Napatitig nalang si Cassie sa binata. This man is her first love.. She never been inlove before at masaya siya na naramdaman iyon ngayon.

"Im sorry Dred.. I pushed you away.." mahinang bigkas ni Cassie.

"I love you Cassandra.." usal ni Dred pero naputol sa sigaw ni Tanya.

"Enough! Kung hindi ka mapapasaakin.. Hindi ka rin mapapasakanya Dred! We will both rot on hell!" galit na utas ni Tanya at sa pagkabigla nila ay hinila nito si Cassie saka tumalon sa bangin.

Aaaaaaaaahhhhhhhh!!!!!!!

Umalingawngaw ang sigaw ng dalawa at napatakbo si Dred sa pwesto nila.

"Cassaaaaannndddrrrraaaa!!!"

CASSANDRA: The Bitch PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon