Chapter 10 'Me' In His Eyes

7.9K 141 33
                                    

[LAWSON UNIVERSITY]

...

SHAYNE: Alright. Since you really want to pay me back, I have suggestion for you..

SOPHIE: Ano?

(Di siya agad nakasagot. Pero mapapansin sa kanya na bigla siyang nagseryoso.)

SHAYNE: Before I tell you, one last question: do you really want to pay me back?

(Tumango ako. Nagsalita naman siya habang seryosong nakatitig sa akin.)

SHAYNE: Then go out with me.

(So yun, natigilan ako sa sinabi niya. Ano bang dapat kong i-react sa kanya?... Lalo na di siya mukhang nagbibiro.)

SOPHIE: Ha?

SHAYNE: Just go out with me so you can pay me back as soon as possible.

(Medyo naguguluhan ako sa gusto niyang mangyare.)

SOPHIE: Teka, paki-explain nga. Gusto mung makipag-date ako sayo? Ganun ba??

SHAYNE: What I mean is, sumama ka lang sa mga lakad ko. You know, sometimes I have appointments in different places. And whenever I travel alone, I usually feel bored, so I need somebody to talk to. All you need to do is accompany me. Simple as that.

SOPHIE: Ahhhh. So parang gusto mo lang na may kausap?

SHAYNE: Yeah? I guess. So, deal?

(Sa tanong nyang iyon, napaisip ako bigla. Sa puntong ito, kasalukuyan akong nakatingin sa kanya.

Oo, simple lang naman yung gagawin ko. Sasama lang naman ako sa kanya. Pero yung date nga naming dalawa na kunwari lang e, madami nang nangyare. Paano pa kaya kung halos araw-araw ko siyang makakasama? Boi, sure yun mas madaming pwedeng mangyare. Paano kung maging sweet na naman yung galawan niya sa akin? Paano kung may eksenang hawakan na naman niya yung kamay ko? Paano kung magkatitigan na naman kami?)

SHAYNE: Sophie?

(Bigla akong bumalik sa sarili ko nung narinig kong binanggit niya yung pangalan ko. Sumagot naman ako sa kanya.)

SOPHIE: Ayoko.

SHAYNE: Why not?

SOPHIE: Basta ayoko.

(Makikita kay Shayne na nagtataka siya.)

SHAYNE: Why? Mahirap ba yun?

SOPHIE: Hindi naman. Ayoko lang na ma-issue tayo.

SHAYNE: Issue? What issue?

SOPHIE: E kase di ba, na-videohan lang tayo sa mall, nag-viral na tayo agad. Paano pa kaya kung... araw-araw tayong magkasama? Angdami pa namang nakakakilala sayo. Sabihin pa nilang 'tayo'... kahit hindi naman...

(Habang tinitignan niya ako, bigla na lang siyang napangiti.)

SHAYNE: Is that really your concern?

SOPHIE: Baket? May iba pa bang pwedeng dahilan para di ako pumayag?

SHAYNE: For me it doesn't matter. Anyway, we're both single. There's no reason to hide or something. OR...baka naman meron kang kinatatakutang mangyare?

(Waaah... sa reaksyon ng mukha niya ngayon, mukhang na-gets niya agad. Pero syempre, maang-maangan muna tayo.)

SOPHIE: Katulad naman ng ano??

(Napangiti siya.)

SHAYNE: Like falling in love with me.

(Medyo nailang ako kaya napatingin ako sa ibang direksyon.)

DEAR MR. KUPIDO: A Tug-of-War Edition (Tagalog Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon