JAPAYUKI
PART 2
Sumunod na araw. Nag-ikot-ikot kami ng mga kasama ko. Kahit saan kami pumunta, walang mabilhan ng pagkain, sarado rin ang mga gas station. Kahit ano, wala. Tubig at kuryente, wala rin.
Pumasok kami sa trabaho - gutom. Kaya ang ginawa namin, iyong pangpulutan para sa mga costumer, iyon ang kinain namin para makaraos at mapawi ang gutom namin.
"Wala na namang costumer." Naramdaman ko ang lungkot sa salita ng kasama ko. Nakakapanghina talaga kapag walang tao. Madalas, sa tip na lang kami umaasa.
Nang makauwi na kami sa tinitirahan namin. Agad namin sinasalsan ang mga gamit namin. Naka-Jamba kami at naka-sapatos kapag natutulog. Habang ang bag namin, nakasukbit sa likod. Laman ng bag, ang mahahalagang dokumento namin, gaya ng passport. Para kung sakaling lumindol, nakahanda na ang mga gamit namin. Makakatayo kami agad, at kahit papaano, hindi na kami matataranta.
Doon din namin naranasan, na kapag lalabas ng bahay, taklob na taklob. Iyong tipong, dalawang kumot ang nakatalukbong sa buong katawan natin. Masama sa katawan ang radiation, lalo na sa balat. Ngunit kahit na alam ng may-ari ang ganoon, pinapaasok pa rin kami sa trabaho. Three set ang showtime namin. May tao man o wala, kailangan naming sumayaw. Iyon kasi ang trabaho na pinasok namin.
Alas-onse ng gabi. Sa wakas, may costumer na rin. Pagkatapos naming sumayaw, nag-entertain na kami ng mga costumer. Inasikaso na namin ang mga alak na kanilang gusto. Pati ang mga kanta na gusto nilang kantahin, kami rin ang nakatoka.
Akala ng mga tao, kapag maraming costumer at naka-table kami, panalo na. Ang hindi nila alam, kapag sumuka ang costumer, kami pa rin ang maglilinis. Para rin kaming kasambahay sa lugar na pinagtatrabahuhan namin.
Sadyang mahirap talaga ang buhay, sobrang hirap kumita ng pera!
Pauwi na kami galing sa trabaho, napansin ko na basag ang salamin ng bintana na tinutuluyan namin. Nagmadali kami paakyat. Nang makaakyat na kami, akala namin, lindol ang may sala. Iyon pala, nanakawan na kami. Bigas at mga pampasalubong namin sa pamilya namin na nasa Pinas ang kinuha ng mga magnanakaw.
BINABASA MO ANG
JAPAYUKI (True-to-life-story)
Non-FictionBased on true story of an Overseas Filipino Worker (OFW) in Japan.