Part 5: Detainee

7.7K 49 0
                                    

JAPAYUKI

PART 5

Pagkabalik ko sa Japan, ganoon ulit ang trabaho. Lumipas ang ilang buwan. Parami nang parami ang costumer sa Omise. Hindi ko alam iyon na pala ang katapusan ng pagiging entertainer ko sa Japan.

Alagad na ng batas pala ang mga nagiging costumer namin at sumasubaybay sa aming mga entertainer. Alam namin, sayaw talaga kami, masuwerte na nga lang talaga ang gaya kong pinay, kung ganoon talaga. Pero pagdating ng mga costumer, te-table at te-table ka talaga nila. Wala naman kaming magagawa, kung hindi ang sumunod.

Isang araw, biglang may dumating na mga pulis... ang dami nila. Masaklap pa noon, nakatable ako at karamihan sa amin ay nakatable rin. Hindi kami pinakilos. Iyong tuhod ko? Nangantog na sa takot.

"Lord, sana naman, huwag mo akong pabayaan." Nasabi ko sa sarili habang iniisa-isa na ang mga babaeng naka-table. Isang babae - kada-isang pulis. May imbestigador na naka-assign sa amin. Ininterview kami, pagkatapos noon, pinosasan na kami.

Tumulo ang luha ko ng mga sandaling iyon. Habang naglalakad kami palabas ng Omise. Walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko sa pisngi. Ngunit, hindi ako nagsisisi. Ang tagal ko ng entertainer, ngayon lang ako nakaranasan ng ganoon. Para bang bagansya.

Dinala kami sa isang sasakyan. Limang pulis, kada sasakyan. Dinala kami sa presinto - nakaposas. Tinatanong ng kung anu-ano. Ngunit, wala kaming masagot. Nag-aantay kami ng tutulong sa amin mula sa pinagtatrabahuhan namin. Subalit, walang dumating na tao, para kami ay tulungan.

Wala akong maisagot sa mga katanungan ng otoridad. Puro lang ako, Mama ko... Mama ko... Mama ko... Tapos noon, akala ko iuuwe na kami. Ngunit, hindi pa pala. Dinala kami sa isang detainee na kulungan. Halos apat na oras ang biyahe namin. Sa gitna ng biyahe, naiihi na ako. Akala ko tatanggalin ang posas ko, subalit, hindi tinanggal.

Tinaliaan ako ng lubid sa baywang - habang nakaposas. Napadaan kami sa isang convenience store, sinamahan ako ng babaeng pulis. Nakahawak siya sa lubid.

"Para kaming aso, hindi rin kami kriminal." Nasabi ko sa aking sarili, habang hirap umihi dahil sa posas.

Pagdating sa detainee, inalam kung ilang kilo ang bigat namin, kung may sakit ba kami, blood pressure, ang hindi ko inaasahan. Pinahubad ang lahat ng gamit namin. Lahat ng suot namin!

Pagkatapos, binigyan kami ng damit na parang pang-xray. Dress ang itsura niyon. Tapos piñatas ang dalawang braso namin, pantay sa shoulder namin, habang pinapatalon-talon at pinalalabas ang aming dila.

Tinignan din kung may anumang bagay, mayroon sa amin. Sobrang takot na takot ako noon. Kung nasa Pilipinas ako, hindi ko dadanasin ang mga ganoon. Halos gusto ko nang tawagin ang asawa ko para iligtas - kung saan man ako naroon.

JAPAYUKI (True-to-life-story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon