JAPAYUKI
PART 10
Blocklisted ako sa Japan ng limang taon. So, sa darating na July, isang taon na ako rito sa Pilipinas. Nakakamiss iyong magpapala ka ng snow at kung anu-ano pa. Kahit ba sabihin ko na, naging mapait ang kapalaran ko sa Japan. Masasabi ko na naging matatag ako dahil sa pangyayaring iyon.
"Ma..." Napatingin ako sa asawa ko nang tawagin niya ako. Kasalukuyan kaming kumakain ng pananghalian ng mga oras na iyon.
"Bakit, Pa?" Ibinaba niya ang kutsara at hinawakan ako sa kamay. Seryoso ang kanyang mukha ng sandaling iyon.
"Ma, kung saka-sakaling matapos ang limang taon. Babalik ka pa rin ba sa Japan?" Gaya nga ng sinabi ko, kung magkakaroon ng pagkakataon, babalik at babalik ako sa Japan.
Hinawakan ko rin siya sa kamay, "Oo, Pa. Babalik ako." Matipid ang naging sagot ko sa aking asawa.
Inalis niya ang kanyang kamay at nagpatuloy na sa pagkain. Hanggang sa matapos ang kinakain namin, hindi siya kumikibo. Pakiramdam ko ay tutol siya na muli akong bumalik sa Japan.
Binuksan niya ang t.v at nanood siya. Habang ako naman ay naghuhugas ng aming pinagkainan.
"Ma, papayagan kitang bumalik sa Japan. Pero sana, hindi na bilang isang entertainer." Muntik ko nang mabitawan ang pinggan na aking sinasabunan sa narinig. Nabingi yata ako sa sinabi ng asawa ko.
"Ano iyon, Pa?" Paninigurado kong tanong.
"Sabi ko, Ma. Papayagan kitang bumalik sa Japan. Basta hindi isang Japayuki." Talagang inulit niya nga ang tanong niya. Sa puntong iyon, iniwanan ko muna ang hinuhugasan ko, at lumapit sa kanya.
Hinawakan ko ang kanyang mukha, "Pa, mahirap mangako. Nakasanayan ko na ang trabahong ganoon. At kung sakali mang maghanap o magpalit ako ng trabaho. Ano ang magiging trabaho ko?" Napayuko siya at napailing-iling. Pakiramdam ko ay away ang magiging katapusan ng magiging usapan namin.
"Ikaw ang bahala, Ma." Aniya at muling itinuon ang sarili sa kanyang pinapanood. Tiyempo pa at ang paborito naming segment sa Eat Bulaga na Juan for all, all for Juan ang palabas.
Nakalimutan ko iyong hinuhugasan ko. Sinamahan ko ang asawa ko sa panonood. Nakayakap ako sa baywang niya, nakangiti at pakiramdam ko, blessed na blessed ako. Paano ba naman, mayroon akong asawa na maunawain at mapagmahal. Higit sa lahat, may takot sa Diyos.
Habang kami ay nanonood, biglang nag-ring ang cellphone ko.
"Hello Sir."
"Open ka ba for Online Casino Dealer?"
Naka-loud speaker ang cellphone ko. Kaya naririnig ng asawa ko ang sinasabi ng kausap ko sa cellphone.
"Yes, Sir."
"Okay, you may start tomorrow. Will text you the details later."
Napangiti ako pagkatapos ng usapan. Pero ang asawa ko, seryoso pa rin ang kanyang mukha. Nagpasa kasi ako ng picture ko sa isang agent para makapagtrabaho. Ilang linggo rin iyon, ngayon lang nagkaroon ng feedback.
Napapayag ko ang asawa ko kinagabihan. Ilang buwan din akong nagtrabaho bilang isang Online Casino Dealer. Naging sakitin kasi ako. Kaya ngayon, sa bahay na muna ako. Pa-sideline-sideline. Hindi rin kasi ako sanay ng walang ginagawa. Ayoko naman na iyong asawa ko lang ang kumilos para sa gastusin namin sa bahay. Kailangan, magkatuwang kami sa lahat ng bagay.
"Mahalin mo ang iyong sarili, unahin mo ang iyong sarili. Okay lang ang maging mapagbigay. Basta ba, mayroong kang ititira para sa iyong kinabukasan." Napagtanto ko iyan, dahil wala akong naipundar sa pagiging isang Japayuki.
>>>
Ako po si Cheska Montemayor, hindi ko tunay na pangalan. Pasensya na po kayo kung kinakailangan kong itago ang aking pagkakakilanlan. Ang lahat ng nakasulat at nangyari sa kuwento ito ay 100% na aking naranasan. Kaya ngayon pa lang po, nagpapasalamat na ako sa lahat ng makakabasa ng aking tunay na karanasan bilang isang OFW sa Japan. Huwag po tayong susuko na abutin ang ating mga pangarap. Lagi po nating isipin at tandaan, may Diyos na handa tayong bantayan, tulungan at hindi po niya tayo pababayaan.
Muli, maraming salamat po sa lahat. Especially kay Kuya Bebe na binigyan ito ng oras para magbigay inspirasyon sa mga lahat ng mambabasa. Mayroon din akong account sa Wattpad. Silent reader din po ako mga Beh!
Based on true story
JAPAYUKI
MieckySarenas
BINABASA MO ANG
JAPAYUKI (True-to-life-story)
No FicciónBased on true story of an Overseas Filipino Worker (OFW) in Japan.