Part 6: Piskal

6.2K 51 0
                                    

JAPAYUKI

PART 6

Boyfriend ko iyong asawa ko, mula disi siyete anyos ako. Naghiwalay kami noong nagsimula ako magtrabaho sa Japan. Sa isip-isip ko ng mga oras na nakakulong ako. Kinarma na siguro ako dahil sa ginawa kong pang-iiwan sa kanya ng wala man lang dahilan. Iniwan ko siya ng walang dahilan. Pero after six years, nagkita kami at nagkabalikan.

Pagkatapos ng inspection, pinapasok na kami sa loob ng selda. Akala ko ay wala akong makakasama sa loob. Mabuti na lang at mayroon akong kasama, katrabaho ko. Kinakausap niya ako, pero ako, hindi ako makapagsalita. Iyak ako nang iyak. Hindi rin ako nakatulog ng gabing iyon.

Kinabukasan nang umaga, tinawag kami... Akala ko lalabas na kaming lahat. Ngunit, nagkamali ako. Iimbestigahan pa rin pala kami. Tatlong beses sa isang araw kung kami ay imbestigahan.

Inusisa kung paano kami nakapasok sa Japan, kung legal ba ang pagtatrabaho namin. Lahat nang tanong nila, sinagot ko ng totoo. Mabuti na rin at mayroon kaming interpreter ng mga sandaling iyon.

Tinanong namin iyong interpreter namin kung kalian kami makakauwi ng Pilipinas. Gustong-gusto ko nang umuwi. Nag-aalala ako, baka kapag nalaman ng pamilya ko na nakulong ako, baka labis silang mag-alala, pati ang asawa ko. Sigurado akong hindi pa nila nababalitaan ang nangyari sa akin.

Sumunod na araw, dinala kami sa piskal. Iyon daw ang magdedesisyon kung lalabas na kami o i-extend ang pagkulong sa amin. Dasal ako nang dasal. Ngunit, subalit, datapwat, hindi nangyari ang pinagdasal ko. Na-extend ang pagkakakulong sa amin ng sampung araw. Sa loob ng sampung araw na iyon, imbestigasyon pa rin ang nangyari. Walang katapusang imbestigasyon.

Gigising ng six in the morning, kakain ng almusal, maglilinis ng pinagtulugan, maghihilamos, mag-toothbrush, lahat ng ginagawa namin, mayroong nakabantay. Maliligo kami, dalawang beses sa isang linggo. Maganda ang facilities na pinagkulungan sa amin. Sa medaling salita, pang-mayaman. Iyon nga lang, kulungan pa rin.

Kapag pupunta rin kami sa piskal, naka-posas habang suot ang damit na pangkulungan. Iyong style niya, parang mag-jogging.

Sa tuwing susuotin ko iyong damit na pangkulungan. Nandidiri ako! Paano ba naman, jacket tapos jogging pants, tapos, malalaking panty, ni hindi ko alam kung sinu-sino na ang nakapagsuot ng sinuot ko. Oo at nilalabhan, pero still, nakakadiri pa rin.

Bumibiyahe kami ng halos limang oras. Nakakagutom ang paghihintay sa piskal. Paano ba naman, iyong mga pagkain na ibinibigay sa amin, hindi namin kilala. Kaya ang ending, gutom kami.

Noong nasa piskal na kami, may pinapirmahan sa amin na papel. Ipapadala raw sa pamahalaan ng Pilipinas, para kami ay matulungan. Hindi namin pinirmahan ang papel.

"Wala rin naman magagawa ang pamahalaan. Iyong mismong may-ari nga, walang nagawa para kami ay tulungan. Iyong pamahalaan pa kaya."

Pinatatag ko ang sarili ko. Umiral ang pagiging makasarili ko. Siguro ay takot lang ako na malaman ng pamilya ko sa Pilipinas ang nangyari sa akin.

Dumating na iyong piskal - sinalubong namin ng ngiti. Akala namin matatapos na iyong sampung araw na extension. Iyon pala, magbibigay ulit sila ng sampung araw pang extension. Sa anunsyo ng piskal na iyon. Lalo akong kinabahan, "Bakit ganoon? Hindi naman ganoon sa Pinas. Kapag nahuhuli nga sa club, oras lang binibilang. Bawal nga lang ang bisita."

Isang araw, nagulat ako at aking mga kasama. May bumisita sa amin, halos mangiyak-ngiyak ako. Nakakaramdam ako ng pag-asa ng sandaling iyon. Subalit, hindi namin sila puwedeng hawakan. Bawal din ang magtagalog. Kailangan, Nihonggo lang.

Binigyan kami ng panggastos doon. Ginawa ko, bumili ako ng notebook at ballpen. Iyon ang ginawa kong libangan. Sa notebook na binili ko, doon ko sinulat ang mga nangyayari sa akin habang nakapiit sa kulungan. Hanggang sa dumating sa punto na, itinuring ko ng asawa ang notebook na lagi kong kasama. Kinakausap at kinukuwentuhan ko iyong notebook na binili ko. Para na akong baliw noon, first time kasi.

Iniisip ko, may iba na kaya iyong asawa ko sa Pilipinas? Naaalala kaya niya ako? O binalewala na rin niya ako, kasi iniwanan ko siya?

"Pa, nasaan ka na, tulungan mo ako. Hirap na hirap na ako, Pa. Hindi ko na kaya." Iyan ang lagi kong sinasabi sa sarili ko habang nakatingin sa notebook na aking hawak-hawak.

Kahit iyong mga pulis na babae na naka-assign sa amin, nakikita ko na naaawa sila sa amin. Nakita ko rin na umiiyak sila. Kung may magagawa lang sana sila para palayain kami. Sigurado akong gagawin nila iyon.

Mayroon kaming kanya-kanyang imbestigador. Nagpapasalamat ako at hindi ganoon kahigpit ang napunta sa akin. Nakakahinga ako ng maluwag sa tuwing kakausapin niya ako. Tinatawag niya akong anak. Konti na lang daw, basta sabihin lang namin ang totoo. Pati iyong interpreter namin, wala ring magawa.

Habang iniimbestigahan kami, lalabas kami ng kulungan - nakaposas. Sa tuwing papapasukin kami sa imbestigation room, tatanggalin iyong posas sa kamay namin. Pero itatali kami sa upuan. Sobrang hirap ng naranasan namin sa loob ng detainee.

Paano na lang kaya iyong mga kriminal? Ano kaya ang dinadanas nila. Sigurado ako, mas mahirap pa ang dinadanas nila, sa dinadanas namin.

JAPAYUKI (True-to-life-story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon