CHAPTER 01

16 3 0
                                    

Ang pag babalik niya.

Langhap ko na ang hangin mula dito sa airport. Sumakay na ako tsaka binigay kay manong ang address at wala pang isang oras ay naka rating na agad ako.


Natawa ako kay manong dahil sa pag tingin-tingin niya sakin kanina pati kanina pag labas ko sa Airport, ang daming naka tingin.


Siguro nga kilala nila ako bilang model sa bansang Korea at Japan dahil ginawa ko lang naman 'yon dahil bored lang ako't malaki din ang sasahorin mo kapag model ka no!


Nag lakad na ako't nag doorbell sa malaking bahay.


Ang unang makikita ko ang nanny ko pero hindi isang gago ang nakita ko na mukhang gulat pa siyang nandito ako.


"WHAT THE FVCKING HELL!"


Late Reaction siya ha. Sige na, pag bigyan na natin dahil sa sigaw ni Reid, lumabas lahat pamilya ko, tangna mali, Lahat ng kamag-anak ko. Don't tell me. Ohmy!


"Rein hija, kakapanood lang namin sayo sa TV tapos nandito kana agad?" Sabi ni mama.


Wow! Ano to? Hindi ako pweding umuwi dito? Ayos ah!


"Okasan, Doushite? Hindi ba ako welcome dito?" Tanong ko.


Bigla naman siyang nagulat at hinila ako papasok at pag pasok ko napa nganga ako. Bakit? ISANG TARPOLINA ANG HUMARAP SAKIN NA PAG MUMUKHA KO PA! Tindi!


Nilibot ko ang paningin ko halos pagmumukha ko ang nakikita ko at sa pinaka dulo may isang placard teka nag lalakad? Napa takip nalamang ako sa bibig ko. Hindi placard ang nag lalakad kundi isang taong inaasam-asam kong makita mahigit anim na taon na ang lumipas.


"Welcome back anak."


Tumango ako tsaka niyakap siya. Napaiyak akong yumakap sa kanya.


"Daddy I'm home. Daddy I'm home!" Paulit-ulit kong sabi.


Iyak lang ako nang iyak. Wow! Akala ko sila ang magugulat sa pag babalik ko pero ako pala! Agad kong pinahid ang luha ko tsaka tumingin sa kamag-anak ko at yumuko ako.


"Arigatou min'na-san.."
Ngumiti sila tsaka nag group hug kaming lahat.



Pumasok ako sa kwarto ko at nakita ko ang picture table namin kasama si Reid. Oo siya lang. Kambal kami, siya ang panganay at mag kamukhang-kamukha kami. Maraming nalilito noong bata pa kami kung sino si Rein o Reid. Pati si daddy nalilito, si mom hindi. Ang lito no? Ganon talaga kapag kambal, mahihirapan kang mag identify kung sino ako o si Reid. Pero ngayon hindi na kasi malaki na kami pero ayun nga mag kamukha parin kami.


"Hindi mo aakalaing gwapo ako."

Nag angat ng kahambogan niya.


"Hindi mo rin aakalaing mag kamukha tayo ano?"

Ngumisi lang siya tsaka binatukan ako.

"Ano ba?!"

"Naging Model ka pala. Ayos! Dala-dala mo pa apelyido natin. So it means sikat rin ako gaya mo!"

"The fuck? Ginagago mo ba ako Reid?! Lumabas ka na nga! Mag aayos pa ako nang gamit ko."

"Let me help you!"

"Ano?! No way! Alis na!"

Tutulong daw siya as if na tutulong talaga. Mang gugulo lang naman yan!

"Nga pala, mag-aaral ka sa school na pinag-aaralan ko din. I'm pretty sure matutuwa ka doon hahaha!"

Tsaka na siya umalis. Ako matutuwa? Hell no! Habang nag aayos ako biglang pumasok si dad tsaka tumingin ako.

Villains RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon