066

7 1 0
                                    

ngayon na talagang nagpapakatotoo na ako, nahanap ko ang aking sariling matatas sa mga salitang dapat pagkaingatan.

mga salitang dapat 'di sinasambit nang padalos-dalos, at kung ipapangako ma'y kailangang handa akong magdurugo.

'di ko alam kung masyado ba
talagang malalim ang sariling pagkatao, sinungaling ba
ang aking puso o mahilig lang
talaga magmalabis ang mga
natutulad na makata.

nahanap ko na lamang
ang sariling napupuno
sa mga salita na 'di kayang
sabihin ng dila;
mga bagay na pusposan
sa hiwaga at sindak.

sa wika ng pusong kay tamis,
na parang nais kong dilaan
wari'y pulot ng pukyutan;
nakakabighani gaya ng imahe
mong tinititigan ko nang
may pagtatanging bumabalot
sa isipan at mga mata;
takot na baka mabasag ko
ang kung anong kagandahan
na ikakalunod ng sarili sa pagtangis.

kusang namumuo
at umaapaw mula aking balat,
alam ng mga daliri ang hugis
kahit wala ang aking kumpas.
sandamakmak na at tila ay 'di ko mapuna nang wasto at sapat.

mga salitang hindi
kailanman ako magkakaroon
kung hindi tayo minsang nagkakilala.

oh, sa akin nananatili Where stories live. Discover now