paano mo kaya
ako masisilayan
kung may suot namalambot na saplot
para sa katawang bitbit
panakip sa balat ng lamang
minsa'y 'di ko maramdaman
mga lamang bigat
na dala ng mga buto
na kung 'di lang nakakatindig,
'di na maitatago ang rupokkung 'di lang kinakaya
matagal nang nabasag
at bumalik sa lupa
kung naisin man uli na mawala
hinihimlay na muna sa kamasa dilim at lalim ng gabi
sinusuyod ko ang sariling kalawakan
kapag puro nalang tinig
ng mga kuliglig
kapag rinig na kahit
ang pagpatak ng pagtangisang mundo'y natatahimik
dito ko sinusubukang
pakinggan ang sarili,
ngunit, ewan,
iniiwasan kong
naririnig ang pulso
ng sariling puso
kahit sa kaunting pagtibok,
tila'y lindol na 'di natatapostinatanong ko, paanong ang iyong pintig ay hampas ng ilang daang alon sa akin? paanong kaymunti mo para sa pusposang pagdaramdam? paanong buo ka parin kahit na ilang ulit nang nabasag?
sabi nito, kayraming pagmamahal na nakukulong sa aking katawan
kaya kung kahit ang sariling ritmo
ay 'di na masasabayan,
kung inaaral ko pa
ang himig ng aking diwa,paano mo ba
ako nasisilayan?
YOU ARE READING
oh, sa akin nananatili
Poetry"kusang namumuo at umaapaw mula aking balat, alam ng mga daliri ang hugis kahit wala ang aking kumpas. sandamakmak na at tila ay 'di ko mapuna nang wasto at sapat. mga salitang hindi kailanman ako magkakaroon kung hindi tayo minsang nagkakil...