071

1 0 0
                                    

alam ko tong nangyayari. nagbabago't nababaluktot ang hugis ng aking diwa. tinutugis ako ng kung anong meron sa ilalim ng aking balat; hinihila at hinihila ako pabalik malapit sa kung saan ko inilagay ang ikaw na nananatili sa kung sino ako ngayon.

bakit pa?
para sa saan ba?
hindi ba't natapos na ang oras sa aming dalawa?

umaabot sa puntong napapagod na rin talaga umunawa.

natatahimik lamang ang alingawngaw ng pangamba sa isipan kapag hinahamon kong ayos lang naman para sa akin na masaktan. sa totoo lang, natatakot ako, gusto ko lang naman malagay sa tahimik.
kagaya ng lahat, pasuko na rin
ako sa paghahangad ng paraiso.

pero paano ba kung minsang tumagos ang kaluluwa sa oras ng ligaya at simula noon ay natuto na akong umiyak?

kapag sinabi kong ayaw ko na kalabanin ang sariling kalooban,
lahat ng mga demonyo't anghel ko
sa katawan ay ayaw kang bitawan.

tila nakasalalay ang paghinga ko sa bawat pangungusap na kinakaya kong aminin sa mga liham na pinipigilan kong mabasa mo pa. hindi ko alam kung ano pang kaya kong gawin, pero sabi ko kahit dito nalang. kahit sa mga salita nalang kita lalanghapin.

oh, sa akin nananatili Where stories live. Discover now